CHAPTER NINE

227 22 0
                                    

Samantha's Point of View



Bahay.




Agad akong bumangon sa kama at nagunat-unat esakto lang yung pagkagising ko dumiretso na agad ako sa cr para maligo.



Pagkatapos kong maligo nagbihis na agad ako ng uniforme pagkababa ko amoy na amoy na agad yung niluluto ni Manang na beef steak. Ang sarap!




"Good Morning!" bati ko kay Manang pagkababa ko papuntang kusina pumunta na ako kaagad sa dining table ng makita ko na yung beef steak na nilalagay sa serving bowl.





"Ang aga mo ata ngayon." nakangiting bati ni Manang sakin. Maaga naman ako lagi nagigising si Manang talaga!




"Ang sarap po kasi ng tulog ko." nakangiting sabi ko kay Manang.




Pagkatapos kong kumain nagtoothbrush na ako at nagmadaling umalis.





School.




"Good morning, Sam!" bati sa akin ni Keila.



"Good morning" bati ko naman sa kanya.


"Bukas na pala yung exam no?" sabi ni Keila pagpasok pa lang ng classroom.




Ano? Bukas na yung exam? Bakit parang ang aga naman ng exam ngayon? Mabuti na lang at shortened period lang kami.



"Bukas na ang bilis naman!" reklamo ko bakit kasi agad agad.


"Kaya nga wala tayong gagawin ngayon kundi gumawa ng reviewer natin." sabi pa ni Keila.


"Nakakainis hindi pa ako ready hays." dugtong pa niya.


"Sinabi mo pa!" sagot ko kay Keila wala nga kaming ginawa kundi gumawa ng reviewer.





Dismissal.




Pumunta na kaming canteen para bumili ng makakain namin kumain na kami pagkatapos non dumiretso sila Joyce sa library may hihiramin lang daw silang libro.


Ako naman dumiretso na kaagad sa classroom habang naglalakad ako papunta sa classroom may sumabay sakin, siya pala!




"Bukas na pala yung exam. Saan ka magre- review?" sabi naman ni Kurt sakin.



"Sa bahay malamang saan pa ba." masungit na sabi ko.


"Ah, okay." sabi naman ni Kurt.


"Samantha?" tawag niya sa akin.


"O, bakit" sagot ko naman.


"May itatanong ako sayo kung pwede?" sabi niya pa.

"Ano yun?" ako.



"Yung sa ginawa nating short film?" napatingin naman ako mata niya. Anong tungkol sa short film?


"Bakit?" sagot ko naman.


"Tungkol ba iyon sa break up niyo ng ex-boyfriend mo?" tanong niya.



Omg! Bakit niya naman natanong? Curious ba siya sa ex-boyfriend ko?


"Ah, Oo." sagot ko.



"Sorry kung natanong ko." sabi niya.


"It's okay." sabi ko naman.



Umupo na agad ako sa upuan ko bakit niya naman biglang natanong yun! Okay samantha nakamove on kana doon!


Past is past, Samantha! Ang tibay nang dalawa wala pa biglang nagvibrate yung cellphone ko.



Keila Calling...


[Hello! Sam?]

"O, bakit?"


[Excuse muna kami]

"Huh, Why?"

[Excuse muna kami may importante lang kaming gagawin ni Joyce. Ha? Okay?]

"Anong importanteng gagawin?" ako.

[Basta sasabihin na lang namin sayo pagkadating namin sige na bye]

"Okay."

-End Call-


Ano ba naman itong dalawang ito! Ano kayang importanteng gagawin nila?

"Bakit wala yung dalawa?" tanong ni Edward.

"May importante raw gagawin." sabi ko naman.


Dumating na yung teacher namin at sinabi ko naman na excuse yung dalawa nagdiscuss lang si Sir Roland. Ano naman kayang ginagawa nung dalawa?





***



Joyce's Point of View


Andito kami ngayon ni Keila sa restaurant na favorite naming tatlo.



Nakipagmeet sa amin si Carlo ang ex-boyfriend ni Samantha pinapunta agad kami mabuti na lang tumawag si Keila kay Samantha para sabihing excuse kami at mabuti nga at si Sir Roland yung teacher namin ngayon mabait yon si Sir at close ni Keila fahil parehas silang kalog.



"Hello, Girls." bati sa amin ni Carlo tinanguan ko lang siya bilang pagbati.

"Hi." sabi ni Keila at ngumiti lang ng tipid.

"Bakit mo naman kami pinapunta ng ganitong oras!" inis na sabi ko sakanya.



"Gusto ko lang kamustahin si Samantha?" seryosong sabi ni Carlo.



Ang kapal naman ng mukha niya! Nahihibang na ba siya gusto niya makamusta si Samantha? Pagkatapos ng ilang buwan na naghiwalay sila may gana pa siyang kamustahin ang kaibigan namin!


Hiniwalayan niya yung kaibigan namin para lang sa lintik na kontrata na yun awang awa ko nun kay Samantha nung hiniwalayan siya ni Carlo sobra siyang nasaktan sa break up nila.

Tinatanong niya sa sarili niya kung ano bang nagawa niya para magkaganon yung relasyon nila ang saklap pa kasi nalaman niya pa sa iba kung anong dahilan ng paghiwalay nila ni Carlo and it was all that fvcking contract na once pumasok ka sa mundo ng showbiz wala ka na dapat na ibang makarelasyon like what the fvck ni hindi man lang pinaglaban ni Carlo yung relationship nila ni Samantha. Nakakapanginit ng ulo!



"Okay lang naman siya! Hindi nga lang siya magiging okay kung darating kapa sa buhay niya." madiing sabi ko sakanya.

"Joyce!" tawag pa ni Keila sa pangalan ko.


"Bakit? Boto kapa rin ba sa kanya pagkatapos niyang saktan yung kaibigan natin?!" sabi ko kay Keila.





Hindi nakapagsalita si Keila.



"Joyce, please calm down." sabi pa ni Keila huminga ako ng malalim tsaka uminom ng tubig. Bakit pa kasi siya nagpakita? Ang kapal ng mukha niya para kamustahin si Samantha hindi ko alam kung saan pa mapupunta itong usapan na namin.





Nakakainis! Huwag na huwag lang siyang manggugulo nanahimik na yung isa guguluhin niya pa. Okay na yung isa huwag niya ng guluhin pa! Umalis na kami ni Keila bago ko pa siya masaktan mabuti nga at nagpipigil ako at ayoko siyang saktan.




Ayokong nakikitang nasasaktan yung kaibigan ko dahil lang sa walang kwentang lalaki for goodness sake! Layuan niya si Samantha. Grabe yung ginawa niyang trauma sa bestfriend ko.




Ayaw ko ng makitang ganon si Samantha at dahil doon apektado lahat ayoko lang mangyari yon ulit sakanya dahil ilang buwan pa siya bago magheal sa ginawa ng ex-boyfriend niyang ito.
Napakagrabe lang talaga!






Kailangan malaman agad ito ni Samantha para aware din siya na nasa palagid lang yung ex-boyfriend niya na gusto siyang kamustahin.

My Boy Bestfriend Is My ForeverWhere stories live. Discover now