Chapter 4: Luhan or Lay?

4.5K 150 0
                                    

--

Nag iinternet ako ngayon. Sa cellphone lang. Globe kasi ako. So pwedeng magfacebook. Libre pa. Galing eh. Wala kasing magawa. Nakalinis naman na ako ng kwarto ko kaya okay na. Hinding hindi ko na papapasukin si kulot dun. Talagang talaga! Eh may ihi pa akong nakita sa kwarto ko eh.  Bastos na aso. Buti hindi tae kundi..... char! Mahal ko naman kasi si kulot. Tsaka baka mapalayas ako ni Kai pag papaluin ko aso niya. 

Pagbukas ng account ko, expected. Maraming messages, halo halo. May mga bad at good naman. Lahat inisa-isa ko. Pero i think, mas marami ang mga naiinggit at mga kung anu ano.  May nareceive pa akong message. One word lang pero tumagos yun sa puso ko.

FLIRT 

Napabuntong hininga na lang ako. Expected ko naman na may magsasabi sa akin ng malandi pero bakit masakit pa rin. 

Nagscroll lang ako ulit. Meron din namang mga good messages. Nasisiyahan nga ako dahil kahit bilang lang ang mga nagmessage sa akin ng good ay nakakataba naman ng puso.

Hi eonnie! I'm Eunri. Don't worry, I didn't message you to say bad to you. I'm not like that. ^__^ I envy you eonnie but it's okay. People who are special to EXO oppas are already special to me. Take care eonnie! And take care of them also! Annyeong! 

Ang sayang magbasa ng mga ganito. Hindi sila selfish gaya ng mga ibang fans. Nireplyan ko na lang ito at nagpasalamat. May pumipigil pa nga sa akin na wag kong ideactivate ang facebook ko eh. Pero napilitan din ako dahil may biglaang nagmessage sa akin at flinood niya pa ako.

FLIRT!!!

STAY AWAY FROM THEMM!!!!

BITCH!

Nang mabasa ko ito ay agad ko na lang idineactivate ang account ko. Kahit marami akong friends dun. Ang judgemental nila.  Isa lang naman akong simpleng fan dati eh. Nakakuha lang naman ako ng swerte na mameet ang EXO. Di ko naman akalaing, magiging bestfriend nila ako. Pero gusto ko naman tong swerte na 'to.  Sobra. Kahit na ilang bash pa sabihin nila sakin, di ko to pagsisisihan.

Tumayo na ako sa pagkakaupo. Sa facebook ko lang naman malalaman kung inis pa rin sila sa akin pero naisip ko, hindi naman importante kung ano ang sinasabi nila sa akin. Basta kasama ko ang EXO at alam kong wala akong ginagawang masama.

So, tumulong na lang ako kay Kyungsoo na magluto. 

"Kailangan mo ng tulong oppa?"

"Princess, di ba sabi namin, wag mo na kaming tawagin ng oppa."

"Ah eh. Nasanay na kasi eh. So, kelangan mo ng tulong?"

"Umm. Paabot na lang ng pinggan."

Inabot ko naman ung pinggan. Tinanong ko kung kelangan pa nya ng tulong pero wala na daw kaya pumunta ako sa mga nasa dining area. Ang EXO-M. Busy kasing nanonood ang ilang K sa sala eh.

"Oh princess, you're here. " -Tao

"Taas ng energy nyo ah."

"Of course. Tara kain na tayo." -Luhan. Pumayag naman ako. Nagugutom na rin ako eh. 

"Wow. Mukhang masarap to ah."

"Hala. Mukha lang." -Chen

"Grabe ka naman. Haha. Sino ba nagluto?"

"Si Lay." -Kris

Nagsmile na lang ako pati si Lay. Teka, di ko pa nakakausap to. Siya ang hindi ko masyadong nakakausap. Palagi kasing tahimik. Di ko alam kung may problema o wala. Pero sabi naman ng iba ay talagang ganyan talaga siya. Tahimik. Parang nahihiya pa sa akin. Kumain din kami. Ang saraap naman pala magluto nito eh.

"Lay! Sarap naman ng luto mo. "

"Woah. Lay! Sarap daw ng luto mo! Pero mas masarap kung may baozi." -Xiumin

"Princess, oh eto."

Inabot sakin ni Luhan ung isang ulam. Yaaaaaaaay. Kilig mats naman to! Kinuha ko rin 'to. Sino ba ang nagluto nito? Kyungsoo o Lay? Grabe! Ang sasarap ng mga luto nila.

"Eto rin princess. Masarap yan." Tapos inabot din ni Lay ung isang ulam. Wait. Sandali nga! Anong nangyayari?

"Teka, kuha lang ako ng tubig."

"Ako na." Sabay tumayo si Luhan at Lay at sabay din silang nagsalita. Teka, bakit ang sasama ng tingin nila sa isa't isa. Parang may dumadaloy na kuryente sa mga mata nila kapag tumingin sila sa isa't isa.  Ano bang nangyayari?

Napakunot ako ng noo sa inaasal nila kaya ako na lang nagpresenta na kumuha ng tubig ko. Kaya ko naman kumuha ng tubig eh.

"Ano ba kayo. Kaya ko naman kumuha ng tubig eh. Ako na."

Tumayo ako at kumuha ng tubig. Bakit? Anong meron sa dalawang 'to? Napailing na lang ako. Baka nantitrip lang ang mga yun. Pagkatapos naming kumain, ako ang nagvolunteer na maghugas ng pinggan.

"Kelangan mo ng tulong?" -Lay

"Ah. Hindi na. Kunti lang naman to eh."

"Hmm. Princess." Napatingin ako kay Lay. Halatang kinakabahan siya. May hindi ba ako alam dito? 

"May pag-asa ba ako?" Napakunot yung noo ko sa kanya. May saltik ba 'to? Ngumiti lang siya at biglang tumawa. "Joke lang." sabi niya sabay alis. Weh?! Nagjoke si Lay? Eh hindi naman nagjojoke yun eh. Haaayyy nevermind na nga lang. Napailing na lang ulit ako tsaka tinuloy maghugas ng mga plato. Ang weird ng mga tao ngayon.

Nung matapos ako, pumunta ako ng sala. Pagkaupo ko, binigyan ako ni Luhan ng chocolates. Naman oh! Kahinaan ko ay chocolates. Kasayahan ko ay chocolates. Lahat na chocolates! Pero joke lang yun. Si Luhan talaga yun. <3

Nagtataka ako, bakit ganito trato ni Lay at Luhan sa akin? Di kaya ano. Psh. Asyumera naman ako. >.< Nagbiro na si Lay kanina kaya baka biro lang din yung nangyari kanina sa dining area. Pero naiisip niyo ba ang naiisip ko? Napakaimposible nun! 


Other members of EXO-M's POV

"We smell something fishy."

"Si Tao ang amoy fishy. Hahaha." -Chen

"-_____-" -Tao

EXO's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon