Chapter 39: TROUBLE

1.4K 49 3
                                    

Special? Ano kayang klaseng date yung sinasabi ni Luhan? Ts. Kahit naman simpleng date lang, special na para sa akin eh. Okay. School day nanaman ngayon. Aish. Sawa na ko pumasok! Plus yun nga makikita ko nanaman si Maxine.

Papunta na kami ni Leigh at Kim sa mga classrooms namin. I want peace! >.< Kung pupwede nga lang sana magcutting na ko pero syempre good girl pa rin naman ako lol.  Nagpaalam na ako kina Leigh at Kim at pumunta kina Eun.

Nakataas yung paa ni Eun. -,- At kinakausap ang kisame. Anyare dito? Nagdate lang sila kagabi ni Sehun, ganyan na kinalabasan? Kababaeng tao, nakapatong yung paa nya sa isang upuan. Pero, ganyan din naman ako nung highschool eh. NOON lang. Kasi nagbago na ako! 

"Aish. Paano nya nalaman yung pangalan ko na Aya? Di ko gusto yun eh. T^T " sabi nya na nakatingin sa kisame. Si Leen, sinasabihan ako na nababaliw na daw yung kaibigan namin. LOLS . Matagal ng baliw yan! -,-

"AYAA! Wag mo ngang kausapin yung kisame! Di yan sasagot promise! " sabi ko at nilagay ang bag ko sa tabi nya. Ano naman kayang iniisip ng isang to? Medyo weird sya ngayong araw.

"Xiarah, ikaw nagsabi nung pangalan ko na yun noh? Bakit mo sinabi? Okay na yung Eun eh  -,- ayoko nang pangalan ko na yun basta ayoko." nakapoker face nanaman ako sa harap nya. Ano bang mali sa pangalan nya? 

"Oy! Ang ganda ng pangalan na binigay sayo ng mga magulang mo tapos di mo gagamitin? Para saan pa yung pagpapangalan sayo ng mga magulang mo? Haist. Nagustuhan nga ni Sehun eh . "

Nagsigh na lang sya. At biglang dumating si prof. Klase nanaman. Haaaaays.

--

Pagkatapos ng lunch, papasok na sana ako ng classroom pero may lalaking tumawag sa akin at sinabing tinatawag daw ako ng professor namin sa storage room.

"Aah. Sige Eun, punta muna ako sa storage room, tawag daw ako ni prof. Pumasok na kayo. Baka importante tong ipapagawa ni prof sa akin. Wag nyo na akong hinatayin. "

Nagnod na lang silang lahat. Nung nakita kong nakabukas yung storage room, pumasok ako sa loob.

Wait lang. 

Bat parang may masama akong kutob sa storage room na to. Di kayaa, may multo? Psh. Multo multo. Mas natatakot pa ako pwedeng magawa ni Maxine ngayon kaysa sa multo.

"Mrs. Lee! Andito na po ako!" sigaw ko para marinig din ni prof pero walang sumasagot nang biglang magsara yung pintuan. 

O____O WTH?  Tumakbo ako para pilit buksan yung pintuan pero wala. Nakalock. Anong gagawin ko dito? DI BA NILA TALAGA AKO TITIGILAN?

"BUKSAN NYO 'TO!! PLEASE! AISH! BUKSAN NYO!" sigaw ko habang sinisipa sipa na yung pintuan. Pero leshe. Ang tibay eh. -,- Pero patuloy pa rin ako sa pagsigaw.

Nang marealize ko na, medyo malayo ang storage room sa mga academic buildings kaya walang makakarinig sa akin.

Ang iniiiiit! T^T Kulong na kulong kasi 'tong storage room eh. May mga bintana pero nakalock din at di ko mabuksan. Argh! Ang init. Hapon pa naman ngayon! Tch. Feeling ko anytime babagsak na ako. Bakit lagi na lang kasi ako? 

Swear! Kagagawan nanaman to ni Maxine. At nandamay pa sya ng ibang tao ha. Sobra na to. Di ko na ata matutupad yung sinabi ko kay Luhan na wag syang patulan.

Someone's POV

Naglalakad ako sa hallway mag-isa. Gusto ko lang lumayo sa mga maiingay sa classroom kaya naglakad lakad ako kung saan saan ng may nakita akong lalaki na naglock ng pinto ng storage room at tumakbo.

EXO's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon