Chapter 5: Jealous O_____O

4.2K 127 1
                                        

N: Hi guyss! Thank you sa pagbabasa nito! Lovelots!

--

"Sigurado ba kayong magmamall kayo ngayon? Pagod naman yata kayo. Kabi-kabila ang mga schedules nyo eh. Ngayon lang kayo makakapagpahinga. Magpahinga na lang kaya kayo." Sabi ko sa kanila habang hawak hawak ang cellphone ko. Nagmumusic kasi ako. Pero bigla na lang akong niyugyog ni Sehun. Sabi niya magmall daw kami. Kasi wala daw gagawin ang EXO. Ang dami ng ginawa nila this past few days. Di pa ba sila pagod? 

"Hindi. Okay lang naman princess. Magsisine tayo." sabi ni Kai habang pumapalakpak pa. Huh? Nahawa na yata kay Chanyeol 'to eh.

"Sine? Pwede namang dito na lang sa dorm nyo. Bili na lang kayo ng DVD. Pagod kayo eh. Sure na sure. Kitang kita ko sa mga mata nyo. Puyat kayo." 

"Xiarah, masyado kang nag-aalala sa amin. We're doing fine!" -Kris.

"Sigurado kayo? Eh baka mamaya makatulog kayo sa sinehan tapos ako lang ang gising dun." 

"Ha? Kung ano ano iniisip mo. Sige na princess! Eto naman ngayon lang eh." -Xiumin

"Please!!!" -EXO

And they said that. Magic word. Ang please. Ay jusmee! Paano ako makakatanggi eh labindalawang lalake ba naman ang magmakaawa sayo? Sinong hindi papayag? Sa huli, napapayag na rin ako. Pero malling kasi eh. Una, tinatamad talaga ako. Pangalawa, tinatamad pa rin ako. Hanggang infinity na yun. Akong walang ginagawa dito sa bahay, ako pa yung tinatamad samantalang yung mga todo practice, sunod-sunod na schedules, ayun nagyayayang magmall. Baliktad yata ang mundo?

Teka, napansin nyo, para akong nanay ng mga 'to? Hays.

"Oo na. Basta wag nyo akong tutulugan ah." 

Tumawa silang lahat at nagmadaling pumunta sa kanilang mga kwarto.  

Naligo na ako at nagbihis. Then pumunta na kami. Ginamit namin yung sasakyan nila. Naiwan si kulot sa kwarto ni Kai. Tulog naman kasi lagi yung asong yun. Parang sloth. Laging antok. Kung maglakad nga, pagewang gewang. Nung pinalo ko yung pwetan niya, ayun. TUMBA!

Pero sandali... Bakit ako ang naaantok? 

Ayaw ko talagang sumakay sa van o kahit anong sasakyan kapag malayo ang pupuntahan. Nahihilo talaga ako. Di ko kasi maiwasang di tumingin sa bintana. Eh. Nakakahilo pa naman. Para kasing umiikot yung tyan ko. 

Lay's POV

"Oh yeah!~ Hmmm. Hmmm. Hmmm." Kanta nila habang pasayaw sayaw pa. Pinapangunahan syempre ng beagle line! Yung tatlong yun? Ay grabe. Di pa nila ako gayahin. Seating handsome dito sa upuan. Hayyyss.

"Xiarah! Let's party!" -Suho

"Xiarah! Uyyy!" 

"Hyung! Naiwan yata." sabi ni Sehun habang natatawa. Tiningnan namin kung anong ginagawa nya. Ang tahimik eh. Nasa likod lang nman nya ako dito sa sasakyan. 

"Tulog!" -Luhan

Ayyy. Bakit magkatabi sila ni Luhan? Eh.. nasa likod ko lang sya kanina eh.  Nilakasan ko na lang yung pinapatugtog ko. Bakit andoon kaagad si Luhan?

"Luh, siya naman ngayon ang tulog!" -Tao

Habang kumakanta ang ibang members, naglagay na lang ako ng headset. IBA. Iba ang pakiramdam ko. 

Xiarah's POV

Ginising nila ako. Paglingon ko sa left side ko, nakita ko si Luhan! Katabi ko sya? At nakangiti pa. Anong ginagawa niya dito sa tabi ko?

Bago kami pumasok sa mall, nagdisguise muna sila. Syempre, andaming tao oh. 

"Kanino sasama si Xiarah?" -Kai

Magwindow shopping daw kami. Bakit window shopping lang? Kinuha ko pa naman yung pera ko. Kaso 1k lang. Hahahaha. 

"Sa amin na lang." -EXO-M

Ayun. Naghiwa-hiwalay kami. Pumunta muna kami sa.... 

ANO TO? MGA STUFF TOYS? ANONG GAGAWIN NAMIN DITO?

Tapos may binili si Luhan. Nagtataka rin ang ibang members. Baka may girlpren na si oppa. Lumabas na kami at sumabay sa akin si Luhan sa paglalakad. Ang ganda nung kulay. Blue and pink. Adik kaya ako sa blue at pink! 

"Oh here princess." Tapos inabot nya sa akin yung stuff toy. AKO ANG GIRLPREN NYA? DE, JOKE LANG. HAHA. ASYUMERA TALAGA AKO. KAINIS!

"Sa akin?"

"Yeah. Di ba paborito mo yung blue at pink?" 

"Oo. WAAAAAAAHHH. Thank you!" 

Ang ganda. Ang laki pa. Ididisplay ko to sa kwarto. Bigay ni Luhan 'to eh. 

Kris POV

"Lay,okay ka lang? Ang cold mo yata ngayon." Sabi ko kay Lay. Parang masama ang pakiramdam eh.

"Yeah. Okay lang." 

Tapos tumingin kina Luhan at Xiarah. What the hell? Tama kaya naiisip ko? Parang may mali.

"Lay, selos ka?" 

"ANO? SINONG NAGSESELOS?" -CHEN

"Si Lay! Nagseselos si Lay Chen!" 

"Tumigil nga kayo." 

Grabe. Ganito pala magselos si Lay ano. Pacool na lang. Pumunta muna kami sa department store. Ewan ko sakanila, dito daw eh. 

"Halika." 

Hinila ni Luhan si Xiarah sa mga damit. Yung mga pambabae. Sumunod kami. Si Lay, ayun nakatingin parin sa dalawa. 

"Bagay sayo 'to." -Luhan 

Biglang lumapit si Lay sakanila, at kumuha rin ng ilang damit.

"Mas bagay sa'yo 'to." -Lay

"Hindi. Eto ang mas bagay sakanya." -Luhan

"Hyung! Mas bagay 'to sakanya!" -Lay

Bago pa magkagulo ay nilapitan sila ni Chen. Di ko kayang panoorin ang mga kamyembro ko. What the hell. 

"What are you both doing?" 

"Chen, astig yung english mo ah. Haha." -Tao

"Talaga? *troll face*" 

Akala ko seryoso si Chen. Kailan pa 'to magiging seryoso? So kami na lang ni Xiumin ang lumapit. Tiningnan ko sila Luhan at Lay. Nagtititigan lang sila. Honestly, di ko alam kung anong gagawin ko sa dalawang 'to. Ako ang leader pero di ko alam paano sila pakakalmahin.

Gulat na gulat at mukhang naguguluhan si Xiarah.

Sinabi namin na pag-uusapan na lang namin sa dorm 'to. I think, gusto rin ni Luhan si Xiarah. Paglabas namin sa dept. store, sakto naman na nakita namin ang EXO-K kaya sumabay kami sakanila at nanood na kami ng sine. 

--

EXO's PrincessMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon