PROLOGUE

9.2K 118 8
                                    

Kakatapos lang ng graduation niya,lahat ng kaklase niya ay masaya,siya lang yata ang bukod tanging masaya pero nasasaktan dahil mag iisang buwan pa lang mula nung pumanaw ang Papa niya at nung nakaraang linggo naman ay nag usap sila ni Cris ang asawa niya

Anim na buwan pa lang mula nung kinasal sila sa huwes pero nung nakaraan kinausap siya nito tungkol sa paghihiwalay nila, dapat nga masaya siya dahil di naman niya mahal ang lalaki noon pero dahil araw araw niyang kasama ito sa bahay at pinag aralan niyang mahalin ang lalaki kaya siguro kahit papaano napamahal siya dito

Pero ang lalaki ay mabait lamang sakanya maalaga paminsan minsan at sweet din paminsan minsan lalo na pag nakaharap ang Papa niya noon,pero di katulad ng ibang lalaki ay di talaga siya nito minahal dahil may mahal itong iba at di lingid sakanya yun dahil harapan kung mag iloveyou ito sa girlfriend nito madalas din itong gabi na kung umuwi galing sa girlfriend nito

Ni minsan nga di ito tumabi sa kanya sa pagtulog,para lang silang magkaboardmate dahil nakatira lang sila sa iisang bahay nag uusap saglit tapos kanya kanyang pasok sa kwarto pag matutulog, may kanya kanya din silang sasakyan kaya pag papasok sila sa school ay di rin sila sabay

"Ate Ash congrats!"masiglang bati sakanya ng pinsan pero kapatid ang turingan nila na si Jadine bunso sa triplets na anak ng Mommy Sef at Daddy Jyke niya

"Thankyou baby sis. . . . . ."nakangiting sagot niya dito sabay yakap niya malapit siya dito dahil dadalawa lang silang babae na magkasama sa grupong kinabibilangan nila sa (DEEPSEC ORG) marami na kasi sila kaya nahati hati na sila at dahil siya ang pinakamatanda siya ang itinuturing na isa sa pinakamagaling kahit nung nagtetraining pa lang sila and since matanda siya ng limang taon sa mga kasama, siya din ang tinuturing na leader nila,dahil siya pa lang naman ang nakakasama talaga sa mga delikadong mission kasama ang kaedad niya na tinuturing din na leader ng ibang grupo

"Congrats anak,tara na okay na yung party na hinanda namin para sayo, tinawagan mo ba si Cris?"tanong ng Mommy Sef niya

"Opo, pero subukan daw niya humabol"pagsisinungaling niya pero ang totoo ay di talaga pupunta ang asawa niya sinabi na nito iyon sakanya kanina

"Hmm, okay "tipid na sagot ng Mommy alam niyang may alam ang Mommy niya pero ayaw niyang ungkatin ayaw din niyang pag usapan





Pagkatapos ng party kahit madaling araw na ay pinilit niyang umuwi kahit ayaw siyang payagan ng Daddy niya ay nagpumilit pa rin siya kaya walang nagawa ang Mommy at Daddy niya

Pagdating niya sa bahay nila ay nagulat siya dahil may mga maleta na sa sala nila,

"Andito ka na pala,"ani Cris na sumulpot galing sa kusina lumapit ito sa table sa gitna saka dinampot ang folder at inabot sakanya

"Sign this"anito saka inabot ang folder sakanya ni hindi man lang ito

She knew what's inside the folder but still she can't control her heart from beating so fast,

"Di na ba makakahintay bukas ito?tanong niya pinilit niyang wag umutal sa pagsalita kahit ang totoo ay gusto nang bumigay ang tuhod niya

Ang sakit lang talaga tanggapin na bakit di man lang siya nagawang mahalin ng lalaking nasa harap niya ni di man lang nito sinubukang mahalin siya bakit ganon?ang unfair naman!tapos ngayon nagmamadali pa itong mapawalang bisa ang kasal nila

"Ash We've talked about it already"ani Cris

"Yeah!pero madaling araw talaga?grabe wala ka man lang bang regalo muna bago ito?"pagbibiro pa niya

"Well consider that as my gift for you, para di ka na mahirapan"sagot ni Cris

"Really annulment papers kakaibang regalo ha"aniya at pagak na ngumiti

Does Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon