tamporurot 101

1.1K 42 4
                                    

Pagkatapos nilang mag picture taking ay dumiretso sila sa bahay nila kung saan naroon ang lahat ng malalapit nilang mga kamag anak at kaibigan na naghihintay para icongratulate yung triplets.

Ayaw kasi ng tatlo ng magarbong selebrasyon, at isa pa bukas ng hapon ay babalik na rin sila sa kabankalan.

Sabagay isang buwan na lang naman ang ilalagi nila dun dahil next month ay election na at pagkatapos nun ay uuwi na sila.

Habang abala ang triplets sa pag estima sa mga bumabating bisita sakanila ay umupo sila ni Tobby sa isang sulok. May mga ilang pinsan din siyang pumansin sakanya na nginitian niya dahil ayaw niyang agawan ng moment ang tatlo.

ASHLEY'S POV

"Stay here, I'll get you some food"bulong saakin ni Tobby. Tumango lang ako bilang pagsang ayon sakanya dahil nagugutom na rin ako. Buffet style kasi at serve yourself.

Habang pinagmamasdan ko ang likod ni Tobby di pa rin maalis ang sama ng loob ko dahil wala talaga siyang inabot saakin. pasimple pa akong naghanap so loob ng kotse kanina pero wala na akong nakitang bulaklak.

Naiintindihan ko naman na dapat talagang bigyan si Jadine ng bulaklak pero nakakasama lang talaga ng loob dahil talagang nag expect lang talaga ako. Kaya talagang tama ang sabi ng karamihan. "Wag kang mag expect para di ka masaktan"

Napapitlag ako nang biglang may humalik saakin.

"Hi Ate!....."nakangiting bati niya saakin.

Mataman ko siyang tinitigan pamilyar ang mukha niya, saglit akong nag isip kung saan ko siya nakita,

"H--hi."sagot ko saka mabilis na tumayo. Siya yung dalagitang kasama ni Stella, yung napagkamalan kong girlfriend ni Tobby sa mall. But I don't know her name yet.

But when I'm about to ask her name when someone butted in.

"Tiffany! Kanina ka pa?"ani Tobby saka inilapag ang pagkain na kinuha niya.

"No Kuya kakarating lang namin."aniya.

"Ah, by the way Ash, this is my little sister Tiffany..... Tiff,-------"

"Kuya kilala ko na si Ate Ash, duh!halos siya ang laman ng kw----"

"Tiff!"saway ni Tobby sakanya saka siya pinandilatan ng mata.

"Oops!sorry......"anang kapatid niya saka ngumiti. Ang cute ng kapatid niya katulad ni Tobby singkit din ito at ang liit ng mukha.

"Just sit down,and don't say anything. Ikukuha kita ng pagkain mo."ani Tobby saka tumalikod ulit.

Naiiling naman siyang umupo sa tabi ko. Mukha siyang nasa fifteen years old lang.ang sarap titigan ng mukha niya ang liit kasi nito.

"M-----may dumi ba ako sa mukha Ate?"tanong niya saakin.

"Wala,I'm sorry.....nakakatuwa lang kasi parang girl version ka ng kuya mo."paliwanag ko saka alanganing tumawa.

Pero nagulat ako nang biglang nagsalubong ang kilay niya saka sumimangot.

"You mean, kamukha ko yung pangit na yan?you're so mean,....."aniya saka ako inirapan.

"Hindi.... ang ganda mo kaya, ang ganda ganda mo."saad ko saka ko hinawakan ang kamay niya. Agad namang nagliwanag ang mukha niya pero agad din itong nawala nang may tumawag sa likod ko.

"See? I told you Tiff,  dapat magpasalamat ka dahil kamukha mo ang gwapo mong kuya."ani Tobby saka inilagay nito ang pagkain ng kapatid.

"Tse! Sobrang ganda ko para maging kamukha mo y----"

Does Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon