hideout

2.6K 62 0
                                    

Katulad ng usapan nila ni Shone ay nauna sila sa lugar kung saan makikipagkarera si Jadine, kasama niya si Sean at Shone gamit nila ang kotse ni Sean

Pagdating nila ay madami ng tao, halos pagandahan din ng dalang kotse at palakasan ng tugtog,

Habang nakatayo sila sa di kalayuan ng pwesto ni Jadine ay tanaw na tanaw niya ang ilang lalaking nakapalibot at halatang tinitignan ang kotseng dala ni Jadine,

Nakita pa niyang tumatawa si Jadine sa isang lalaki per0 maya maya pa ay sinimplehan niya ito ng tadyak gaganti pa sana ito nang may biglang lumapit na isa pang lalaki at sumenyas itong umalis, nakita niya pang tinaliman nito ng tingin si Jadine bago ito tuluyang tumalikod

"Shone, kilala mo yung lalaking yun?"tanong niya

"No"tipid na sagot ni Shone

Maya maya pa ay nag umpisa na ang nasabing race, kitang kita niya ang galing ni Jadine sa pakikipagkarera,

Pagkatapos ipanalo ni Jadine ay napansin niya ang masasamang tingin na pinukol sakanya ng mga natalo niya, maya maya pa nakita niya ang lalaking tinadyakan ni Jadine kanina, kausap nito ang isa sa natalo ni Jadine, nahagip din ng mata niya na may inabot ang babae sa lalaki saka ito sumenyas, Pasimple naman itong lumapit sa kinatatayuan ni Jadine

"Shone, that guy--------"

Di na niya naituloy ang sasabihin nang bigla siyang hilahin ni Shone sa kamay, sinubukan niyang tignan ulit ang kinaroonan ni Jadine at nakita niyang sumakay si Sean at Jadine sa kotse kaya binilisan na lang din niya ang lakad niya, medyo madaming tao kaya natagalan sila bago nakarating sa kinaroroonan ng k0tseng pag aari ni Sean,

Si Shone ang nagdrive ng kotse, nang malagpasan nila ang dami ng tao at sasakyan ay nakita niya  ang sasakyan nila Jadine kaya nakahinga siya ng maluwag,

Agad niyang kinuha ang ph0ne niya at tinawagan si Sean, pero di ito sinasagot

"He's not answering his phone"bulalas niya

"Relax Capt, call him again"seryosong saad naman ni Shone

Ilang beses niya pa ulit tinawagan si Sean bago nito sinagot ang phone

"Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko?"agad niyang tanong

"Let's just talk later"anang babae na kung di siya nagkakamali ay si Jadine

"Okay lang ba kayo?"

"Okay lang po, sige na mamaya na lang"ani Jadine

Magsasalita pa sana siya pero binabaan na siya ng phone nito,naiinis man ay wala siyang magawa,pabagsak niyang pinatong ang phone niya

"Anong sabi?"untag sakanya ni Shone

"Mamaya na lang daw, okay lang daw sila"sagot niya habang nakatuon pa rin ang mata niya sa sasakyan nila Jadine

"Okay"tipid namang sagot sakanya ni Shone

Makalipas ang ilang sandali ay nagulat pa siya ng pumasok ang kotse nila sa isang bar,kunot noo siyang napatingin kay Shone

"What are we doing here?"takang tanong niya

"Magrorosary siguro Capt. "Tumatawang sagot ni Shone

"Shone!sagutin mo ako ng maayos"banta niya

Pero sa halip na magbago ng reaksyon si Shone ay tumawa lang ito saka siya inakbayan

"Halika na kumalma ka nga matanda ka na talaga masyado kang nerbyosa"ani Shone saka siya iginiya papasok sa bar

"Kanino to?"tanong niya na ang tinutukoy ay ang bar na pinasukan nila

"Sa ating lahat, ito ang bago nating hideout walang customer dito tayong magpipinsan lang" ani Shone

Does Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon