confess

1.1K 41 0
                                    

ASHLEY'S POV

Tinanggal ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya, saka ko siya hinawakan sa balikat.

"I love you ever since the first time I saw you at school, at mas lalo pa kitang minamahal."aniya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Talaga? Eh yun naman pala bakit ka nagkakaganyan?"tanong ko sakanya.

"Ash, before Cris and you got married, he is my best friend."umpisa niya.

Tahimik akong nakinig sakanya hanggang natapos siya. Kinuwento niya mula umpisa, di ko alam nag aaral pa lang pala kami gusto niya na ako, parehas kami ng nararamdaman para sa isa't isa noon, pero wala siyang lakas ng loob lumapit saakin.

Nung mga panahon na nasasaktan ako dahil naghiwalay kami ni Cris, hindi ko alam may mas nasasaktan pa pala habang pinapanood akong umiyak. Akala ko mag isa kong umiiyak dahil nung mga panahon na yun sobrang sakit talaga.

Ang dami kong bakit para sa sarili ko. ano bang mali saakin?.tapos narealize ko, minsan pala kahit anong pilit nating gawin lahat para sa isang tao balewala lahat ng yun kung may iba na itong mahal.

Cris never made me feel as his special someone like other men do. but now I know and understand why he did that. He indeed, hurt me so bad but atleast di niya  hinayaang magmukha akong tanga.

Di lang pala ako ang nasasaktan nung mga panahong yun dahil may mga ibang tao pa palang nasaktan din bukod saaming dalawa ni Tobby,pati pala yung mga taong nasa paligid namin naapektuhan sa mga nararamdaman namin.

Atleast kahit ang daming maling desisyon na nangyari nung mga time na yun.meron pa rin akong tamang nagawa nun. Iyon ay ang nasunod ko ang kahilingan ni Papa,and I will never regret that.

"I'm sorry...... I'm really really sorry Ash.....sorry if I asked him not to love you,pero maniwala ka nung nakikita kong mahal mo na siya willing na akong ipaubaya ka....."paulit ulit siyang humihingi ng paumanhin.

Di naman ako galit,pero atleast kahit papaano naiintindihan ko na kung bakit nangyari yun saamin.

"Buti na lang pala di ka sinunod ni Cris."nakangiti kong turan saka ko siya tinapik sa balikat.

"He loved you in a way that We don't know how."saad niya

Natawa ako ng pagak sa sinabi niya. Pero sumeryoso din ako. kaya siguro mas ginusto niya akong saktan ng maaga, baka kasi pag pinatagal niya mas nahirapan ako.

"Hmp! Hayaan mo na yun tapos na yun, Jusko Tobby nakamove on na ako pero ikaw mukhang hindi pa."wika ko sabay pitik ko sa noo niya.

Masyado kasing seryoso ang mukha niya at di ako sanay. Mas gusto ko yung usual na siya nakakailang pala pag ganito siya kaseryoso.

"sorry talaga Ash....."aniya

"Tama na nga!isang sorry mo pa ibebreak talaga kita."sabi ko siya tinitigan ng masama.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.Natatawa akong gumanti sa yakap niya.

"Joke lang ito naman. I was just kidding ano ka ba?!minsan na nga lang may magkamaling magmahal sakin ng sobra sobra complete package pa. sobrang choosy ko naman kung papakawalan ko pa"wika ko.

"Complete package?"kunot noong tanong niya.pagkatapos niyang kumawala sa pagkakayakap niya saakin.

"Complete package.....  gwapo, mayaman, mukha namang mabait tapos mahal pa ako.....ano pa bang hahanapin ko?"paliwanag ko.

"Talaga?gwapo ako?"nakangiti niyang saad

"Ewan ko sayo! Halika na nga hinihintay na tayo dun."yaya ko sakanya saka ako nagpatiunang naglakad.

Does Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon