ASHLEY'S POV
Maaga akong gumising dahil ngayon na kami bibiyahe papuntang kabankalan,sumakay kami sa private helicopter namin para mas mapabilis ang byahe namin dahil dapat before lunch naroon na kami sa bahay ng mga Lizares.
Hinatid akoni Sean sa rooftop ng building kung saan naghihintay ang sasakyan namin,Pagdating namin ay agad kong nakita si Tobby na nakangiti saakin habang kumakaway
"my g0sh!why so gwap0 Tobby....."di ko napigilang sambitin, kung bakit naman kasi talagang ang gwapo ng nilalang na ito, agad kong tinignan ang ayos ko,
"Don't worry Capt.!maganda ka"rinig ko sabi ni Sean,nang lingunin ko siya ay tumatawa pala siya,shit narinig niya pa yata yung sinabi ko
"Compliment ba yan?"tanong ko pero tinawanan lang niya ako,
"Hm..... sabihin na nating inuuto lang kita!"sabi ba naman ng abnormal,loko to ah di na ako ginalang kaya sinapak ko siya kaso mabilis siyang nakailag kaya inirapan ko na lang siya
"I was just kidding! Wait! Capt! You have boger in you upper lip!"sabi niya kaya napahinto ako saka mabilis na tinignan ang mukha ko gamit ang phone ko, pero nanggigil lang ako nang biglang tumawa ng tumawa ang demonyo kong kapatid, shit!naisahan niya ako dun kaya gigil na gigil ko siya hinampas sa balikat
"I hate you!"sigaw ko sakanya
"Tsssss! I know you don't!"sabi pa niya haizt!kainis talaga!ang galing nilang mang asar!
"Halika na nga!"yaya ko sakanya
"Hey, Capt.!okay ka na?di ka na ninenerbyos? Bakit kasi tuwing nakikita mo siya nawawala ka sa sarili mo? Di ka naman ganyan kay kuya Cris noon,"sabi niya pa,bigla tuloy akong napaisip,oo nga hindi naman ako ganito noon kay Cris bakit kay Tobby nagiging abnormal ang pintig ng puso ko?
"Sean,ganon ba ako kaobvious talaga?"tanong ko sakanya
"Di naman,kilala ka lang namin talaga kaya alam namin, kaya Capt, payo lang ha, pahirapan mo naman siya"sabi niya saka ako tinapik sa balikat
"Binata ka na talaga!"wika ko
"O sige na Capt.,may pasok pa ako, mag ingat kayo ha,"ani Sean tapos niyakap niya ako
Nang makalapit na kami sa helicopter ay inayos na ni Sean yung dala kong bag,pagkatapos ay inanalalayan na ako ni Tobby kahit kaya ko naman sarili ko kumapit pa rin ako hehe siyempre kung kayo ba hahawakan ng gwapong nilalang dededmahin niyo ba?
"Sige, mag ingat kayo!"ani Sean ulit saka kumaway saamin,
"Salamat!"sagot naman ni Tobby
Habang nasa himpapawid kami ay tahimik kong pinagmamasdan ang view sa ibaba,narinig kong tumikhim si Tobby pero di niya ito pinansin
"Ashley, di ba malapit lang yung bahay ng Lolo mo sa kabankalan?"tanong niya sakin,aba!buti pa siya may alam tungkol saakin hmm.....pag di na busy sila Sean papaimbestigahan ko nga din siya, Joke lang!
"oo,bakit mo alam?"tanong ko
"Sabi ni Jadine, atsaka ni Cris"sagot niya saka ngumiti ng parang alanganin
"Ah.....mukhang close din kayo ni Cris ah"sabi ko, nagtataka lang ako kung kelan sila nagkakilala ni Cris
"Pa----"di ko naituloy yung itatanong ko nang biglang nasamid ako umubo tuloy ako ng umubo jusme naman wrong timing naman tong laway ko,
Agad na kumuha ng tubig si Tobby at binigay sakin saka niya hinimas himas yung likod ko,nang medyo umokay na ako ay huminto na din siya sa paghimas sa likod
"Thanks"kako saka ngumiti sakanya nakita ko tuloy nanaman ang singkit niyang mata na sobrang crush na crush ko noon at parang hanggang ngayon
"Ano na ulit yung itatanong mo?"tanong niya
"Wala, nevermind!"sagot ko next time ko na lang siya tatanungin baka masamid ako ulit hehe
"Ah, Ash pasyal tayo sa bahay niyo pag may free time tayo"yaya niya na parang bata
"Ha?eh wala namang maganda dun ah, anong gagawin natin dun?saka nasa states na si Lolo"sabi ko eh kasi dun na talaga sila nakatira pati sila MamiGrand at DadiGrand umuuwi lang sila dito pag may okasyon o kaya kami ang pumupunta dun matanda na din kasi sila
"Ah, gusto ko lang sanang mamasyal"inosenteng sabi niya para tuloy akong nakonsensya
"S----sige papasyal tayo dun ipapalapa kita sa mga alagang leon nila Tito Tuck"sabi ko
"Okay lang,pero hayaan mo munang ligawan kita bago mo ako ipakain sa mga leon"wika niya bigla tuloy nawala yung ngiti ko tinignan ko siya seryoso naman siya
"Hehe..... joke ba yan?"tanong ko
"No, I'm serious,"sagot niyang ang seryoso talaga ng mukha niya, pwede na ba ako kiligin guys?
"Ewan ko sayo, bahala ka nga"sabi ko sabay irap para di niya makita yung pagngiti ko
"Ibig bang sabihin niyan,pinapayagan mo akong ligawan ka?"bulong niya pa saakin naramdaman ko pa yung pagdampi ng labi niya sa tenga ko pati na ang init ng hininga niya parang pumapasok sa loob ng tenga ko,nagtayuan pa yata yung mga balahibo sa batok ko shetness!
Hinawakan ko yung baba niya saka ko ito pinisil ng mahigpit
"If you have the guts,why not! Kaya mo ba akong pakiligin?ihi na lang kasi nagpapakilig saakin eh"pagbibiro ko pa gusto kong sundin yung payo ni Sean kanina
"Talaga?bakit di ka ba kinikilig ngayon?sabagay tumayo lang naman yung mga balahibo mo"tumatawang sabi niya,pasimple kong tinignan yung kamay ko at nakita kong nakatayo nga ito
"Di mo ba nararamdaman?mukhang may kasama tayong di natin nakikita"sabi ko pero nagulat ako nang bigla siyang sumiksik saakin saka kumapit sa braso ko ng mahigpit
"Wag ka naman magbiro ng ganyan!"sabi pa niya yung ngiti niya ay biglang nawala.
"Hala!di nga?takot ka sa multo?!jusko Tobby totoo ba yan?"natatawa kong sabi ko sakanya
"Tsssss!di lang babae takot sa multo!"katwiran niya pa kaya di ko na napigilan ang pagtawa seryoso ba tong taong to
"Makikipagsuntukan na lang ako sa buhay wag lang ako makakakita ng multo"dugtong pa niya
"Hala ayan sa tabi mo o!"biglang ginulat ko siya kaya bigla niya akong niyakap, sinubsob niya pa yung mukha niya sa leeg ko, amoy na amoy ko tuloy yung pabango niya syete!ang lakas ng tibok ng puso ko, di ko alam kung dahil ba sa higpit ng yakap niya kaya di ako makahinga o sadyang ang bilis ng tibok ng puso ko kaya di ako makahinga.
Dahan dahan kong hinawakan yung kamay niya,ramdam ko ang panginginig ng kamay niya, seryoso talaga siya takot siya sa multo
"Hooy, joke lang yun, w--walang multo"bulong ko, dahan dahang lumuwang ang pagkakayakap niya saakin saka siya umupo ng maayos
Nagsisi tuloy ako sa ginawa ko kasi hanggang dumating kami ay di na talaga siya nagsalita
BINABASA MO ANG
Does Love Enough?
RomanceLumaki man siya sa kalinga ng di tunay na ina pero busog siya sa pagmamahal nito kasama ng nakapaligid sakanya she knew she loved by everyone around her kaya lumaki siyang maayos Halos lahat nasa kanya na Until one day they found out that her real f...