nakakahiya

1.9K 52 2
                                    

Nakatulugan nya ang pag iisip sa sinabi ng kapatid, paulit ulit sa pandinig niya ang sinabi ni Jadine na

"Ate Stella is not Ayook's girlfriend"

"Ate Stella is not Ayook's girlfriend"

"Ate Stella is not Ayook's girlfriend"

"Ate Stella is not Ayook's girlfriend"

"Ate Stella is not Ayook's girlfriend"

Mag uumaga na yata nang mkatulog siya kaya medyo tinanghali na siya ng gising, mabilis siyang bumangon at tinungo ang banyo para maligo

Nagsuot lang siya ng light pink dress na sleeveless saka niya pinatungan ng white c0at saka siya nagsuot ng three inches na sandals,

Pag baba niya nakita niya ang Mommy at Daddy niya nag uusap na  parang wala namang katuturan tapos magtatawanan,

Lumapit siya mga ito saka humalik dito, tinignan pa siya ng ina mula ulo hanggang paa ng nakangiti

"Ang ganda naman ng anak ko, may date?"tanong ng ina

"Mommy talaga, meron po kadate ko yung mga paperworks sa office aalis kasi kami sa wednesday,duty calls again"aniya saka ngumiti

"Oo nga ang Daddy Philip mo talaga di ka pa nakakapag stay ng matagal saakin nilalayo ka nanaman niya"anang ina

"Asus! Mommy talaga pwede naman ako umuwi once a week"saad niya sa ina saka umupo na sa tabi yumakap sa ina, ito yung mga namis niya ang maglambing sa Mommy niya

Pinisil naman ng Mommy niya ang ilong niya saka hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya

"Mag iingat anak ha, and enjoy "anang ina na ipinagtaka niya

"Mommy talaga, anong kaenj0y enj0y dun?"tanong niya eh dati na siyang umuuwi dun dahil di naman malayo sa lugar na yun ang bahay ng Lolo niya na ama ng Papa niya dun din siya nagtetrain noon tuwing bakasyon

May mga alam siyang lugar na magaganda dun pero di lahat napuntahan niya, dahil mas focus siya sa training niya, may isang lugar siyang napuntahan yung Mag-aso falls and that was  more than ten years ago, di na niya alam kung ano na itsura nito basta ang alam niya maganda ang view pati ang tubig ang linis at ang fresh din ng hangin.

Naalala niya pa noon ang fiesta umaabot ng tatlo hanggang limang araw, ang pasyalan may rides para sa mga bata,tindahan sa mga bangketa na gamit sa bahay, mga damit, meron ukay ukay, kung gusto mo magpa henna tattoo meron din at kainan syempre di mawawala sa pinoy yun, siguro kung di trabaho ang punta niya dun baka sakaling mag enjoy siya pero dahil trabaho nga ang dahilan eh malamang di din niya maeenjoy

"Mag eenjoy ka anak sigurado ako dahil kasama mo si Tobias"anang ina kaya natawa siya, pero ang pagtawa niya ay biglang nawala nang maalala niya ang nangyari kagabi pati na rin ang sinabi ni Jadine sakanya bago ito natulog,

"Ma, si Jadine po pala?"agad niyang tanong

"Maagang umalis, makikipag kita daw kay Stella, bakit?"

"Ha?eh, ano...... ahm, w------wala po"nahihiyang sagot niya, tinignan niya muna ng mataman ang ina na kunot noong nakatingin din sakanya

Narinig niyang tumikhim ang Daddy Jykeus niya saka ngumiti ng pilyo,

"Dad?, may sasabihin ka?"tanong niya

"Stella is not Tobias girlfriend, she's engage to smnone else, she's Tobias first cousin"wika nito kaya nagulat siya

"Shit!"tanging sambit niya sabay sandal sa upuan

Does Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon