goodmorning

1.9K 56 2
                                    

Kinabukasan ay maaga silang nagising,naligo muna siya bago lumabas ng kwarto niya.akala niya maaga na siya pero mas maaga pa pala sakanyang nagising ang binata.

"Goodmorning....."nakangiting bati nito sakanya saka inabot sakanya ang isang hawak na mug

ASHLEY'S POV

"Goodmorning din,kanina ka pa gising?ang aga ah!"sagot ko sabay kuha ko ng mug na may lamang kape,

"Di naman nauna lang siguro ako ng ilang minuto, anyway pinahatidan nila tayo ng almusal halika na"yaya niya sakin meron kasing maliit na table sa labas ng bahay na para sa apat na tao.

Kung tutuusin may sariling sala at kusina naman ang tinitirhan namin pwede kaming magluto kung gusto namin pero sabi naman ng mag asawang Lizares papahatiran nila kami ng pagkain namin para di na kami mapagod masyado.

"Ah....halika na,maaga ang pasok ng dalawang bata,ayokong tayo ang maging dahilan ng pagkalate nila."saka ako naglakad palabas

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa sasakyan,si Tobby ang nkaupo sa tabi ng driver ako ang umupo sa tabi ng magkapatid.

"pagkatapos ng klase niyo may pupuntahan pa ba kayo?"tanong ko sa dalawang magkapatid

"Ako wala, ikaw mer0n?"ani Divine sabay tingin sa kuya niya

"Wala"sagot naman ni Denver,di man lang sumulyap saamin, tutok na tutok lang ito sa hawak na cellphone.

"Okay, let's go"wika ko, agad namang pinaandar ng driver ang sasakyan.

Pagdating namin sa gate ng school ng magkapatid ay bumaba na sila, pero di pa sila nakakalimang hakbang nang magsalita ako ulit,

"are you sure wala kayong pupuntahan talaga?"tanong ko ulit,sabay naman silang napahinto saka tumingin sa kinaroroonan ko.

Ngumiti pa nga ako sakanila baka sakaling magsabi sla ng totoo, wala man akong alam sa pakikipagboypren boypren pero alam ko kung may binabalak na kalokohan ang isang bata dahil dumaan din ako diyan at sa mga kalokohang yan, ang hirap kayang takasan ang mga magulang ko lalong lalo na si Mommy.

"Tsk!wala nga! Kung ayaw mong maniwala bantayan mo buong school" nakasimangot na sagot saakin ni Denver ang lalaking anak ni Congressman. Ang sungit talaga nitong batang ito,sarap pingutin!patience Ashley!more patience. Huminga ako ng malalim saka nilipat ang tingin ko kay Divine na nakatitig lang din saakin

"Ikaw?sigurado kang wala kang pupuntahan after class?" Tanong ko ulit,

"Wala"tipid niyang sagot

"Okay, pagkatapos ng klase niyo uwi na tayo"wika ko

"Malelate kami ng labas may gagawin kami sa loob"ani Divine

Sabi ko na eh,may binabalak tong mga ito

"anong gagawin niyo?project?"tanong ko ulit

"pwede ba?!malelate na kami ang dami mong tanong"iritang singit ni Denver

"Sorry, sige pumasok na kayo,anong oras namin kayo susunduin?"

"mamayang five thirty"sagot ni Divine

"Okay five thirty, goodluck!"wika ko,mabilis namang tumalikod ang magkapatid ako naman ay pumasok na sa sasakyan

Sinundan ko ng tingin ang magkapatid hanggang makapasok sila sa loob ng school.nireview ko ulit yung schedule ng magkapatid.

"Tobby, nakausap mo na si BK?"tanong ko

"Yeah, mamaya daw darating sila"sagot niya

Huminga ako ng malalim saka ko kinuha yung phone ko,tetext ko na lang si Tito Luck,

Does Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon