flowers not for me, but for her

1.1K 38 10
                                    

Mga abuelo nila ang nagmamay ari ng eskwelahan na iyon kaya may nakareserve na upuan na para sakanila.

Gayun pa man kahit na apo sila ng may ari ng eskwelahang iyon ay di sila trinatong VIP ng staff members ng eskwelahan.

Mula sa pinakamaatas na staff member hanggang sa pinakamababa ay ordinaryong estudyante ang pakikitungo sakanila. At kahit na anak pa ng may pinakamataas na katungkulan sa Gobyerno o anak ng mayayaman ay ganoon din ang trato sakanila.

Walang special treatment, yun ang isa sa mga rules ng mga lolo nila. Kung nakagawa ng kasalanan ibigay ang nararapat na parusa. Kung hindi gumawa ng project at di sumusunod sa sinasabi ng teacher, ibigay ang nararapat na grado. As simple as that.

Kaya madalas ang mga anak ng mayayaman at ng may matataas na posisyon sa gobyerno ay di nakakatagal dahil sa sobrang higpit ng pag dedesiplina sa estudyante. At halos kalahati ng estudyante sa university nila ay nerds. Di kasi sila nabubully palagi, mabully man sila madalang. Unlike sa ibang school na pag nerdy ka madalas tampulan ka ng tukso o kaya inaapi ka at ginagawang alipin ng mga pilyo at malolokong estudyante.

Sabi nga niya noon sana daw yung school nila puro nerds na lang ang tatanggapin para tahimik at payapa ang buhay ng estudyante, yung tipong di pa nasusulat ng teacher yung tanong alam na ng estudyante yung sagot, tapos yung deadline ng project is next week pa pero bukas o makalawa nagpapasa na yung mga nerds ng project nila.Kaya siya? kahit anong busy niya noon ay ginagawa niya pa rin ang mga dapat gawin nung estudyante pa siya. Di man sila mapasama sa may mga award basta matataas ang marka nila okay na ang magulang nila dun.

Pero kahit ganon kahigpit ang eskwelahan nila ay mayroon din pasaway na estudyante, yung tipong maangas o kaya ay may ginawang grupo pero di nalalaman ng management. Kung mag aaway man sila ay sa labas ng eskwelahan.

Di naman talaga siguro maiaalis sa estudyante ang pagkapasaway at tigas ng ulo pero dapat ilugar nila yun upang maiwasang may maapektuhang ibang tao.

Lihim siyang natawa nang maalala ang kalokohan niya noong nag aaral pa siya grade nine or grade eleven siya noon, napapaligiran kasi ng CCTV ang school nila kaya di ka basta bastang makakalikha ng gulo o away dahil mahuhuli ka agad. Minsan ay nainis siya sa anak ng senador na ubod ng arte, Nalaman niyang lahat ng assignments at projects niya ay pinapagawa niya sa isang nerd na estudyante, di siya magawang labanan ng nerd na estudyante dahil anak pala ito ng kasambahay nila at iskolar ito ng ama niyang senador, kaya naman nang minsang may pinagawa ang guro nila na research paper at nataon na nakita niyang inabot iyon ng nerd na estudyante sakanya, lihim niyang sinundan iyon hanggang sa pumasok ito sa CR ay tahimik siyang sumunod.

Sa labas ng CR ay mayroong CCTV, at nataon na mag isa nung babae na pumasok, nakita niyang pinatong nung kaklase niya yung folder nito sa table na nasa labas, kaya sinamantala niya ang pagkakataon. Kabisado na niya ang school at alam na alam niya kung saan dapat dadaan para di siya mahuli ng CCTV. Kinuha niya yung project saka tinago sa locker niya bago pumasok sa room nila. Saktong pagdating niya ay kararating lang din ng teacher nila.tahimik niyang pinasa ang project kasama ng iba pa niyang mga kaklase. Nang mapansin niyang di nagpapasa yung nerd ay tininanong niya ito.

"Aren't you gonna pass your project?"tanong niya. Bahagya pang nagulat ito nang kausapin niya dahil madalang naman siyang makipag usap sa di niya kaano ano.

"M----me?"tanong pa ng babae.

"Yes,"aniyang tinignan ito sa mata.

"Ahm, I passed mine three days ago."sagot niya.

Oo nga pala nakalimutan niyang nerd pala ito,tumango lang siya saka tahimik na bumalik sa upuan niya.

Nagdidiwang ang puso at isip niya nun nang pumasok na naghihisterikal sa galit ang kaklase niya dahil wala itong maipasa. Pinagdidiinan pa nitong ninakaw daw yung project niya. Nagpasama pa siya sa teacher nila na icheck sa CCTV kung sino ang kumuha ng project niya, pero sorry na lang siya dahil tinawagan niya ang TitaMommy Kass niya pinalabas nilang sira yung CCTV na naroon kaya di siya nakuhanan.

Does Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon