ginataang pugita

934 31 0
                                    

Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Habang si Jadine ay mahimbing pang natutulog sa kabilang side ng bed.

Dahan dahan siyang bumaba sa bed para pumunta sa banyo.  Nakapajama pa rin siya nang lumabas ng kwarto nila.

Pupunta siya sa kusina para magprepare ng breakfast nila. Sinabi niya kasi sa tagalinis nila na kahit eight na sila ng umaga pumunta sa bahay nila,.

Nasa hagdan pa lang siya ay amoy na amoy niya na ang nilulutong corned beef. Bahagya pa siyang napakunot noo. Alas sais pa lang naman ng umaga,sino ang mas naunang nagising sakanya?. Imposible naman yung kambal eh sila yung pinakahuling natulog kagabi. Di din naman pwede yung caretaker nila dahil di makakapasok ang sinuman sa bahay nila ngayong andun sila, dahil pina secure niya yung lock ng pintuan nila, bukod siya ay ang mga kasamahan lang niya ang nakakaalam ng code.

Pagdating niya sa kusina ay nan laki ang mata niya. It was not just a simple food for breakfast. May bacon, flakes in oil tuna with mayonnaise, toasted bread, sausages at rolled egg, pancake at yung nilulutong corned beef na may patatas. Mayron ding apple juice.

Halos mapuno yung table sa mga pagkain na niluto niya. Yung bacon ang dami pati yung sausages tapos yung itlog, isang tray yata ang niluto niya pero ang sarap sarap tignan ng rolled egg niya may celery saka ham pa kasing nakahalo dito.

"Goodmorning."bati niya sakanya nang mapansin siyang nakatatayo sa gilid ng lamesa.

"Goodmorning Sir."ganting bati niya

"Let's call each other by names, di naman masama kung babawasan natin ng konti ang pagiging pormal sa isa't isa. Wag lang sanang Mabini."anang lalaki saka ngumiti ng tipid.

Natawa naman siya sa tinuran ng kausap. Eh kahit naman magtawagan sila sa mga pangalan nila, di pa rin niya mapipilit si Jadine na tawagin siya sa pangalang gusto niya.

"Okay, Apolinario."sang ayon niya, biglang umasim ang mukha ng kausap niya kaya tuluyan na siyang tumawa. Marunong pala ang lalaki magpabago bago ng facial reaction. Akala niya poker face forever na lang ang kausap.

"No, just Nario."aniya.

"Okay." Kibit balikat naman niyang turan.

"Bakit pala ang aga mong gumising?"tanong niya habang sinisimulang ilagay sa bin bag yung mga kalat ni Apolinario.

"Para di na ako pag hugasin ni Miss Montefalcon ng pinggan mamaya."sagot niya

"Ah, isa ka rin sa mga lalaking kilala ko na ayaw na ayaw maghugas ng pinggan."naiiling niyang sabi.

Halos lahat kasi ng pinsan niya ayaw na ayaw ang pag huhugas ng pinggan. Dati pag nasa misyon sila na magkakasama, siya at si Jadine ang palaging nag huhugas ng pinagkainan nila.

Pagkatapos niyang mailagay lahat ng basura sa bin bag ay ginising nila ang mga kasama nila. Nagrereklamo pa si Devine pero wala namang nagawa.

"Good morning" aniya sa kasintahan na mahimbing pang natutulog. Kasama niya kasi yung kambal kagabi na nagkwentuhan. Nilaro pa ng hintuturo niya ang tungki ng ilong ng binata.

"Mmmmm....." ani Tobby saka hinuli ang kamay niya, hinagkan niya ito saka nilagay sa leeg ang niya.

Mukhang walang balak bumangon ang binata dahil nakapikit lang ito. Sinubukan niya kalabitin ito gamit ang isa pa niyang kamay dahil inipit na ni Tobby sa leeg nito ang kanang kamay niya habang hawak niya ito ng mahigpit.

"Tob, halika na lalamig yung pagkain."yaya niya ulit.

Natawa siya nang ituro ni Tobby ang pisngi niya. Inuutusan siya nitong halikan. Nang halikan niya ito ay bigla siyang niyakap ng binata saka inihiga sa tabi niya. Agad nitong isiksik ang mukha sa leeg niya pagkatapos ay idinagan nito ang isang paa sa katawan niya. Agad na nagtayuan ang mga balahibo niya nang maramdaman niya ang matigas na sandata ng lalaki.

Sunod sunod niyang nilunok ang laway niya. Naramdaman niya kasing tumutusok ito sa may puson niya.gusto niyang itulak ang binata pero baka mas yakapin siya nito ng mahigpit at mas lalong dumiin ang tumutusok sakanya.

Naramdaman niya ang pag uga ng balikat ng binata, nang tignan niya ito ay tumatawa itong nakatingin sakanya.

"What if, your the one I wanna eat for breakfast?"saad pa nito saka mas lalo pa siyang niyakap ng mahipit. Malamig pero feeling niya pinagpapawisan siya.

Mas lalo pa siyang nanigas nang biglang buhatin siya ni Tobby saka padapang ipinatong siya sa katawan nito. Pakiramdam niya hinihika siya dahil mas nahirapan siyang huminga sa posisyon nila.

"Goodmorning my sunshine."nakangiting wika nito habang nakatitig lang sa mga mata niya.

Masuyo siyang hinalikan nito sa labi, habang mahigpit pa rin itong nakayakap sakanya. Dahan dahan naman niyang ipinikit ang mata niya habang tinutugunan ang mga halik ng binata habang ang mga kamay niya ay nasa dibdib lang ng binata.

"Tara na sa baba."anang kasintahan nang mahiwalay ang mga labi nila.

"baka kung ano pang magawa ko sayo." Dugtong pa niya

Mabilis naman siyang umalis sa ibabaw ng lalaki. Narinig niya pa ang sunod sunod nag pagbuntong hininga ng binata.

"H--hintayin ka na lang namin sa baba."nauutal niyang  wika.

"Sabay na tayo. Magbibihis lang ako"wika nito

"Okay."aniya saka inayos ang pinaghigaan ng binata.

Nakasalubong nila sa hagdan ang triplets.humalukipkip si Jadine saka sila tinignan pagkatapos ay ngumiti ng pilyo. kahit walang salamin alam niyang namumula nanaman siya.

"Jade, halika na"tawag ni Sean sa kakambal.

Hinila pa ni Shone ang kapatid sa kamay pababa ng hagdan. Kahit kelan talaga napakapilyo ng kapatid niya.

Pagdating nila sa hapag kainan ay tumabi siya kay Jadine. Unang nilagay ni Jadine ang sausage sa plato niya.

"Sausage Capt. gusto mo?"aniya saka nilagyan ang plato niya.

"Ako din ate Jade."ani Devine

"Wag!bata ka pa mag pancake ka lang."sagot ni Jadine saka nito binigyan ng pancake si Devine.

"Seryoso?"nagtatakang tanong ni Devine.

"Syempre joke lang. Kumuha ka kaya mo na yan."ani Jadine saka umupo.

Sinimplehan niyang kinurot si Jadine sa tagiliran. Natawa na lang siyang nang lingunin siya nito saka dinilaan.

Pagkatapos nilang kumain ay saka nagsalita si Apolinario.Ayon sakanya ay dapat ienjoy nila ang araw na iyon dahil bukas uuwi na sila. Nakikiusap ang magkapatid kung pupwede daw ba silang sa susunod na araw  na lang  umuwi. Pero di pumayag si Apolinario dahil darating na daw sila Congressman, ayaw naman niyang mapagalitan ng pinsan, not unless di matuloy ang mag asawa na umuwi pwede silang mag stay dun ng isang araw pa.

Sinisinop pa lang namin ni Jadine yung mga pinagkainan namin nang dumating sila Manang Lina at ang mga anak niya.
May dala silang timba.

"Ma'am, gusto niyo po bilhin itong huli ng mga anak ko kagabi?"anang matanda saka pinakita sakanya ang laman ng timba.

"Wow! That's squid right Manang?tanong ni Devine na nakisilip pala.

ASHLEY'S POV

Masayang tumango naman ang matanda sakanya saka nito kinuha ang nasa ilalim. Ang favorite naming kainin ni Jadine pag nandun kami.

"Sige po!"sabay naming saad ni Jadine.

"Manang pakiluto na rin po agad yung may gata tapos maraming sili."ani Jadine

"Ginataang pugita Manang na may maraming sili, yung tipong uusok yung tenga niya sa anghang."tumatawang sabi ko.

Hanggang ngayn pala favorite niya pa rin yun. Noon kahit everyday kaming mag ulam di kami nagsasawa.








Does Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon