Nagulat silang lahat nang bumagsak si Tobby. Agad na dinaluhan ng mga lalaki ang kasintahan maliban lamang sakanya. Naiiling siyang humalukipkip saka nagsalita.
"Tobby, your stupid acting won't work anymore you fool!"saad niya saka tumalikod. Ilang beses na din kasing ginawa sakanya ng binata ang magpanggap na tulog o walang malay. Pagkatapos pag lumapit siya bigla na lang siyang aasarin. Nagkibit balikat pa siya bago tinungo ang kusina.
Pero di pa man siya nakakarating sa kusina ay narinig niya si Marv na nagsalita.
"This isn't a joke guys, hurry! Let's just bring him to the nearest hospital."aniya.
Agad niyang nilingon ang kinaroroonan ng mga lalaki.nakita niyang agad na nagsilapitan sina Shone para sana buhatin si Tobby.
Biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya nang makita niya ang kamay ng kasintahan na nakalupaypay. Inilang hakbang niya ang distansya nila at wala sa sariling tinulak ang ibang lalaki na bubuhat sana sa kasintahan niya.
Yumuko siya para sana hawakan ang kasintahan pero bigla na lang siya nitong niyakap ng mahigpit. Sinubukan niyang kumawala pero mahigpit ang pagkakahawak sakanya nito. May natitirang lakas pa pala ito kahit ganon na ang sitwasyon niya.
"To------" di na niya naituloy ang sasabihin niya nang may biglang magsalita sa likod nila.
"Ashley! What is going on here?!"halos dumagundong sa buong bahay ang boses ng Tito Luck niya. Nang lingunin niya ito ay nasa pintuan ito kasama ang apat na babae at apat din na lalaki na may mga dalang pagkain.
Mabilis siyang tumayo saka inayos ang sarili. Nag palipat lipat ang tingin ng tiyuhin niya sakanya at kay Tobby. Nagulat pa yata si Tobby dahil di ito nakagalaw sa kinahihigahan. Sinimplehan niya pa ito ng sipa para tumayo.
"Kanina pa yan, di mo pa tapos gamutin yan?"baling na tanong nito kay Doc Marv.
ASHLEY'S POV
"Malapit na Sir."ani Marv, sa tingin ko mukhang magkakilala sila ng Tito ko di ko lang alam kung paano.
Lumapit siya kay Tobby saka tinignan ang sugat.tinignan niya pa ito saglit sa mukha saka nilingon ang mga kasama niya. Mga empleyado niya siguro ang mga iyon sa resort nila.
"Dalhin niyo na yan dun."utos niya. Agad naman sumunod ang mga kasama niya.
"Tawagin niyo na sila Congressman. Kumain na kayo. Ako na ang bahala dito."aniya saka sinenyasang umupo si Tobby, habang yung iba naman ay tinungo na ang kusina. Si Cris naman ang nakita kong pumasok sa isang kwarto.
Pinanood ko ang pag gamot ni Tito Luck sa sugat ni Tobby pero nagulat ako nang bigla niya akong lingunin.
"Hindi mo ba ako nirinig Ashley?"tanong niya saakin.
"N----narinig po. Mamaya na po ako di rin lang naman kami kakasyang lahat dun."parang tangang sagot ko. Ayoko lang kasing iwan silang dalawa. Kung kay Tito Tuck medyo okay pang iwan sila.pero kasi mas seryoso kasing kausap ang Tito Luck although mabait naman siya medyo suplado lang ang dating niya.
"I will not eat him."aniya saka binalik ang atensiyon sa sugat ni Tobby. Nang tignan ko si Tobby ay ngumiti lang siya saka ako tinanguan. Kahit naiinis ako sakanya nag aalala pa rin ako. Pero wala pa rin akong nagawa kundi sundin ang Tiyuhin ko.
Pagkatapos naming kumain lahat ay pinatulog na namin ang pamilya Lizares maliban kay Congressman. Kasama namin siya sa pagplano ng gagawin bukas. Tinuro lang namin ang mga dapat niyang gawin bukas, pagkatapos ay sumunod na rin siya sa mag ina niya para magpahinga.
Kinabukasan before lunch ay umalis na kami para bumalik sa kabankalan. Naroon kasi ang private helicopter na sasakyan ng pamilya Lizares papuntang Manila. Dun muna sila dahil aayusin pa ang mansiyon nila.
"Do I really have to wear this thing?"tanong ni Devine habang hawak ang bulletproof vest.
"Wag ka nang maarte isuot mo na lang."saad naman ni Denver.saka pilit na sinuot sa kapatid ang vest.
Natatawa na lang kaming tumalikod saka nagpatiunang lumabas ng bahay. Titignan ko kasi kung nakahanda na rin ang mga sasakyan namin.
Dinala kagabi ni Tito Luck yung BMW X5 Security plus bulletproof
na sasakyan niya, yun kasi ang sasakyan nila Congressman at ako ang magsisilbing driver nila. Kasama ko sa sasakyan si Tobby.Thirty minutes bago kami dumating ay tinawagan ako ni Driph para iupdate ang mga nangyayari sa lugar na pupuntahan namin. Idinetalye niya ulit kung saan namin ipupuwesto ang Congressman at ang pamilya niya.
Naunang dumating sa nasabing lugar ang mga tauhan ni Cris. Si Doc Marv naman ay di sumabay saamin may ibang gagawin kasi siya. Naroon na rin at nakahanda na ang sasakyan na private helicopter ng mag anak.
At dahil twin engine helicopter ang naroon ay kasya ang anim hanggang walong katao. inikot ko ang tingin ko sa lugar. Tahimik kung titignan at may mangilan ngilang tao akong nakikita.
Pagkatapos kong makausap ang pilotong magpapalipad ng helicopter ay bumalik ako sasakyan para pababain na sila Congressman.
"Denver, Devine tumakbo na kayo dun bilisan niyo."utos ko sakanya.
Agad na hinawakan ni Denver ang kapatid saka tumakbo papunta sa helicopter. Sumunod naman sa magkapatid si Tobby.
"Capt. Andiyan na sila."ani Driph. Nang lumingon ako sa likod ko ay nakita ko ang limang van na papalapit saamin. Binalik ko ang tingin ko kina Tobby na nakalapit na sa helicopter.
"Tobby yung dalawang bata."saad ko nakita ko kasing lumingon si Denver saamin matapos niyang alalayan ang kapatid para makasakay.
"okay, ako na bahala sakanila."aniya pagkatapos ay pilit niyang pinasakay si Denver. Nang makita kong nakapasok na ang dalawang bata sa helicopter ay tinuon ko naman ang atensyon ko sa mag asawa.
Pinapasok ko ulit sa sasakyan ang mag asawang Lizares pagkatapos ay hinintay kong makalapit saamin ang mga sasakyan.
Yung limang van ay huminto sa harapan namin saka nagbabaan. Sa tantiya ko ay di sila baba sa sinkwentang katao. Sabi ko naman eh di nauubusan ng tauhan si Chase.Maya maya pa ay may isang mabilis na itim na kotse ang huminto harap mismo namin. Bumukas ang likod at dun lumabas si Chase kasama ang isang lalaking malaki ang katawan. Ngiting ngiti siyang lumapit saakin.
Hinarang ko ang katawan ko sa pintuan ng sasakyan namin dahil alam kong bubuksan niya ito.
"Diyan lang kayo. How did you know we're here?"sabay tutok ko sakanya ng baril ko. Pero imbes na huminto siya ay mas binilisan pa niya ang hakbang niya. Narinig ko rin ang pagkasa ng ilang mga baril sa paligid. Alam kong nakatutok na rin saamin ang mga baril ng mga tauhan niya.
"Put down your gun baby girl or else di ka na aabutan ng hapunan." Nakangisi niyang sabi saka ako tinulak, pagkatapos ay sinubukan niyang buksan ang pintuan pero nakalock ito. Di na ako magtataka kung bakit never siyang ginusto ng Ginang.
"Buksan mo."utos saakin ng kasama niyang lalaki sabay hablot ng baril saka tinutukan din ako ng baril niya. Infairness ang ganda ng baril niya. Ang laki ng katawan niya pati masel niya ang lalaki din. Bahagya pang umatras ang amo niya nang sumingit siya saamin. Natakpan pa halos ng katawan niya ang pintuan ng sasasakyan.
Tinignan ko lang siya ng masama saka kinatok ang bintana.agad naman binuksan ang pintuan. Pero dahil nakaharang nga siya ay di makalabas ang tao sa loob.
"Hoy!Topus! kahit buksan nila yan di sila makakababa kung andiyan ka!wag tanga!"sigaw ng babae kaya napatingin ako sa gawi niya.
BINABASA MO ANG
Does Love Enough?
RomanceLumaki man siya sa kalinga ng di tunay na ina pero busog siya sa pagmamahal nito kasama ng nakapaligid sakanya she knew she loved by everyone around her kaya lumaki siyang maayos Halos lahat nasa kanya na Until one day they found out that her real f...