Halos limang taon ang lumipas
ASHLEY'S POV
Saktong magtatanghalian nang dumating siya,sinundo siya ng Mommy at Daddy niya dumiretso sila sa favorite niyang restaurant nadatnan niya dun lahat ng mga pinsan pati mga Tita at Tito niya kahit mga kagrupo niya noon andun din at masayang bumati sakanya,
"Wow! Alis ako bukas tas uwi ako ulit sa susunod na araw para ganito ulit"pagbibiro niya
"Sure sagot ko naman"singit ng Daddy Philip niya
"Thankyou, but wait!where is Jadine?"tanong niya nag iwas naman agad ang mga pinsan alam niyang nagtatampo ang kapatid sakanya dahil mula nung tumanggi siya sa pagpupumilit nitong umuwi na siya almost two years ago ay di na siya nito kinausap at tuwing uuwi siya ay wala ito
"Anak may importante lang daw na lakad pero darating daw siya"sagot ng ina
"Kain na tayo!"sigaw ni Harris agad naman itong pinalo ng ina na naging dahilan ng pagtawa ng lahat
Isa isa niyang pinasadahan ng tingin ang mga dating kagrupo at napangiti siya dahil gumwapong lalo ang mga ito at kumisig na din
"Gwapo niyo na ah!may mga girlfriend?"tumatawang tanong niya
"Oo naman kami pa!ikaw lang naman ang hanggang ngayon wala eh!"sagot ni Harris
"Harris!"saway ng Tita Trish niya Mommy ni Harris
"Okay lang po Tita, no boyfriend no problem!"aniya sa pinsan saka kumindat dito
"Sus!boring naman yun,ganda ganda mo eh"singit ng TitaMommy niya na si Kim saka siya nito hinalikan
Niyakap naman niya agad ang makulit na Tiyahin
Maya maya pa ay nagsimula na silang kumain, Malapit na silang matapos pero wala pa rin si Jadine,huminga na lang siya ng malalim, ito pa naman ang gusto niyang makita pero mukhang talagang nagtatampo nga talaga ito sakanya
"Pinaayos ko na yung office mo,and if it's okay with you ibabalik na rin kita bilang leader nila Driph ulit "anang Daddy Philip niya
"Wala ba silang leader?"tanong niya
"Noong umalis ka meron,pero one year lang,yun naman ang napagkasunduan eh kasi akala namin babalik ka na, but that's okay nagagawa naman nila ng maayos ang trabaho nila kahit walang leader"wika ng Daddy Philip niya
"That's good!namis ko ang team ko"natutuwang sagot niya
"Yown!our Captain is really back!"singit ni Driph
"Exciting to!"ani BK
"Tsk! lahat naman sayo exciting eh lalo na pagdating sa babae dun kayo magkasundo ni Kyler "ani Sean na umiiling pa
"Ganon talaga!gwapo tayo eh"ani Kyler
"Parang sya di babaero ah!"ani Shone kay Sean kaya nagtawanan ang lahat
"Hi!am I late?"sigaw ng babae kaya lahat napalingon sa direksyon nito
"We're almost done, buti nakahabol ka pa, m------"
"Mommy naman,galit nanaman atleast dumating ako di ko kayo PINAASA di ba?"putol nito sa sasabihin ng ina ngumiti siya dito pero parang di siya nito nakita isa isa itong humalik sa mga magulang na naroon
"Jadine!"saway naman ng Daddy Jyke nila dahil sa pagpaparinig nito
"What?may sinabi ba akong mali?"patay malisya nitong sagot
"Kumain ka na"utos ng Mommy nila
"No need Mom, may kasama ako naghihintay sa labas dumaan lang ako"tanggi niya saka nagmamadaling humalik ulit sa Mommy nila
BINABASA MO ANG
Does Love Enough?
RomanceLumaki man siya sa kalinga ng di tunay na ina pero busog siya sa pagmamahal nito kasama ng nakapaligid sakanya she knew she loved by everyone around her kaya lumaki siyang maayos Halos lahat nasa kanya na Until one day they found out that her real f...