necklace

1.4K 56 3
                                    

Pagkatapos nilang mag tanghalian ay bumalik na sila sa bahay na tinutuluyan nila kasama nila sa bahay ang triplets.

ASHLEY'S POV

Di pa man kami tumatagal sa bahay ay narinig namin si Divine na tumitili kaya mabilis kaming lumabas.

"OMG! OMG! OMG!"aniyang mabilis na lumapit saamin, sabay ngiti niya kay Sean pero tinalikuran lang siya nito saka bumalik sa upuang katabi ni Jadine na abala sa phone niya.di pala ito lumapit para silipin kung anong nangyayari sa labas ng tinutuluyan namin

"What is it?"seryosong tanong sakanya ni Shone

"Wala lang! Sasama kasi ako kay Denver sa graduation ball niya"aniyang tuwang tuwa

"Then why are you here?"tanong ni Jadine na hindi pa rin umaalis sa kinauupuan niya pero mataman niyang tinitigan si Divine

"I just wanna borrow this necklace to Ms. Ashley, my brother told me its your's....."aniya sabay ngiti niya saakin, nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Jadine.

Tinitigan niya ng maigi ang kwintas na hawak ni Divine,alam niya kasing iniingatan ko ang kwintas kong iyon na bigay pa ng Papa ko. Ito yung pinahiram ko kay Denver noong pumunta siya sa birthday ng kaibigan niya.

"Ngayon lang yata ako nakarinig na ang anak ng congressman nanghihiram ng kwintas?"ani Jadine sabay ismid niya

"Excuse me?am I talking to you?"nakataas ang kilay niyang baling kay Jadine

"Bakit may batas na ba ngayon na nagsasaad na bawal magsalita?"sagot naman ni Jadine, sabi ko sainyo eh pumapatol to sa bata.

"Wala,pero di ba tinuro saatin ng matatanda na wag kang sasagot kung di ka kinakausap?dahil KABASTUSAN yun"nakataas pa rin ang kilay niyang saad.

Lihim namang nagtitinginan ang mga kasama naming mga lalaki saka kanya kanyang talikod ang mga ito. Alam din naman nilang di nila mapipigilan si Jadine sa pagsagot although parang nangpipikon lang naman talaga ang maloko kong kapatid.

"So you call me bastos ganon ba yun?"sagot naman ni Jadine sabay halukipkip niya.

"Oo! kasi di naman kita kinakausap eh tapos sumisingit singit ka,"matapang namang sagot ni Divine

"Really?eh bakit mo sinagot yung tanong ko kung bakit ka andito?"ani Jadine saka dahan dahan itong lumapit saamin. Si Divine naman ay bahagyang natameme sa sinaad sakanya.

"Ybab, enough-------"di na naituloy ni Tobby ang sasabihin niya ng itaas nito ang kamay niya.

"I cancelled my gig because of this mission,you know how much i love singing rather than going to school everyday kasi ayokong nag aaral kasi sa bahay pa lang k0tang k0ta na ako kay Mommy sa sermon tapos hanggang dito lelecturan pa rin ako?"ani Jadine kay Tobby pero mataman pa rin niyang tinititigan si Divine

Bahagya akong nagulat di ko naman alam na may banda si Jadine kaya seryoso ko siyang tinignan.

"Anyway, pwede mong hiramin yang kwintas ingatan mo lang bigay pa yan ng pinaka importanteng lalaki sa buhay ni Capt yan."ani Jadine

"Tsssss..... importanteng lalaki who could that be? Psh!"rinig kong sabi ni Tobby

Nang lingunin ko siya kitang kita ko pa  ang pagtitiimbagang niya at pagkuyom ng kamao niya. I don't know if it's right to smile at this very moment but I can't help it I just smiled.

Is he jealous? Well, I hope so....

"Oh come on!Ayook! Don't tell me pinagseselosan mo ang lalaking nagbigay ng kwintas na yan kay Capt.?"tanong ni Jadine kay Tobby kitang kita ko ang pagbuntong hininga niya na tinawanan naman ng dalawang kambal.

Does Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon