Kinabukasan ay nagising siyang umiikot pa rin ang mundo niya saka ang bigat ng ulo niya. Kahit nahihilo siya ay tinungo niya ang banyo. Nagbabad siya ng halos isang oras sa tubig. Pagkatapos ay nagbihis siya. Pagbaba niya ay wala siyang nadatnang tao bukod sa mga kasambahay nila. Alas onse na kasi ng tanghali kaya baka may mga pinuntahan ang mga kasama niya.
ASHLEY'S POV
Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto para kunin yung phone ko. Tatawagan ko si Driph. Di ako papasok ngayon. Pero nagulat ako nang ang dami kong missedcalls galing kay Tobby.at may ilang mga text din siya.
Where are you?
Bakit di mo sinasagot mga tawag ko? Are you still mad?
Sorry kung di ako nakatawag. Naging busy ako. Ang dami ko kasi inaasikaso.
Pwede ba kita puntahan sa office mo?
Susunduin kita before lunch.
I'm on my way there. Iloveyou Ash.
Naiiling kong pinatong ulit yun phone ko. Bahala siya sa buhay niya. Busy daw? Eh malamang busy kasi may ibang inaatupag.
Bumalik ako ulit sa higaan para matulog ulit. Matagal akong nagpabiling biling sa higaan hanggang sa antukin na ako, pero kung kelan naman papunta na yung tulog ko biglang may kakatok.
Inis akong tumayo sa binuksan yung pintuan.
"What?!"mataray kong sabi.
"Sorry Ma'am, eh may bisita po kayo si Sir Tobby."aniya.
"Sabihin mo tulog.ayaw paistorbo. Wag ka na kakatok. Ayoko lumabas."bilin ko.
"Yes Ma'am."aniya saka tumalima.
Nilock ko agad yung pintuan pagkatapos ay pinatay ko yung phone ko. Sorry pero walang sorry sorry!ayoko talaga siyang makausap.
Bumalik ako sa higaan. Pag kaya ko na siyang pakawalan saka ko na lang siyag kakausapin. Sa ngayon gusto ko akin pa rin siya. Makasarili na kung makasarili pero ayoko pa, di ko pa siya kayang pakawalan o hiwalayan. Baka kasi hingin niya saakin yun, di ko pa talaga kaya.
TOBBY'S POV
Alam kong masama loob niya dahil halos isang linggo akong di nagparamdam sakanya. Sa totoo lang naging abala talaga ako. Nagkasakit kasi si Papa at nasa hospital nanaman siya, nasobrahan kasi sa trabaho. Ako ang umaattend ng lahat ng business appointment niya at meeting sa kumpanya. Pinakamahabang tulog ko na ang dalawang oras kahit phone ko di ko na masyadong nahahawakan depende na lang kung may tatawagan ako o tatawag saakin.
Mahal ko siya mahal na mahal at alam kong may kasalanan din ako kaya naiintindihan ko kung magagalit siya. Kaya willing akong maghintay dito sa bahay nila dahil ngayon lang ako may free time bukas pupunta naman ako ng Cebu at two days ako dun. Gusto ko siyang makita bago umalis. I miss her so much.
Kanina pa sana ako kung di lang kinailangan ni Grace ang tulong ko. Napadaan kasi ako kanina sa room niya dahil nasa kabilang room lang din si Papa naririnig ko kasi ang pagtatalo nanaman nila ng ina ng boyfriend niya kaya napilitan nanaman akong magpanggap na ama ng batang pinagbubuntis niya. Isa pa ito sa mga dahilan kung bakit galit siya saakin,dahil di ko pa napapaliwanag ng maigi ang sitwasyon.
"Sir, pasensya na po kayo nakatulog po si Ma'am Ashley, bumalik na lang po kayo mamaya."anang kasambahay nila. Alam kong nagsisinungaling lang siya pero ngumiti na lang ako.
"Okay lang po hintayin ko na lang siyang magising "saad ko.
"Eh Sir-----"
"Sige na po, okay lang po ako dito."putol ko sa sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Does Love Enough?
RomanceLumaki man siya sa kalinga ng di tunay na ina pero busog siya sa pagmamahal nito kasama ng nakapaligid sakanya she knew she loved by everyone around her kaya lumaki siyang maayos Halos lahat nasa kanya na Until one day they found out that her real f...