Nagising siyang nasa kwarto na, di niya namalayang nakatulog pala siyang nakaupo kanina,di din niya naramdamang binuhat siya,ganon ba siya kapagod at di niya naramdamang may bumuhat sakanya?,dahil sa pagkakaalam niya kalabit lang ng konti sakanya ay nagigising na siya agad.
O baka naman masyado lang siyang komportable na walang gagalaw o gagawa ng masama sakanya kaya siguro talagang wala siyang naramdaman.
Bago siya lumabas ng kwarto niya ay naligo muna siya,Patungo siya ng sala nang maulinigan niyang may nag uusap at tila may dalawang taong komportableng nagtatawan pa sa labas,
Alam niyang si Tobby ang nagmamay ari ng boses ng isang lalaki pero ang pinagtataka niya kung sino ang kasama nito at wari'y enjoy na enjoy siya sa pakikipagkwentuhan mukhang nawala na yung bad mood nito kanina na di niya alam ang dahilan kung bakit bigla na lang ito nagsungit at di kumibo.
Dahil na curious siya ay dire-diretso siyang lumabas para tignan kung sino ang kausap ni Tobby,
"Cris?, anong ginagawa mo dito?"gulat niyang tanong nang makitang si Cris pala ang kausap ni Tobby,
Bahagya pang nagulat ang dalawang lalaki sa pagsulpot niya,
"I invited him"tipid na sagot ni Tobby saka biglang sumeryoso ang mukha nito,di niya lang talaga maintindihan ang inaasal nito sakanya, galit ba ito sakanya?bakit?,may nagawa ba siyang mali? At kung meron man ano yun?. Mga tanong na gusto niyang itanong pero nauumid ang dila niya sa tuwing nakikita niya itong wala sa mood.
She's the type of person na kung bad trip ka o wala sa mood di ka niya sasabayan,susubukan niyang hintaying bumalik ang magandang mood mo para nga naman iwas away at bangayan,pero di ganon kahaba ang pasensiya niya sa paghihintay kung kelan mawawala ang bad mood ng isang tao kaya minsan nauuwi din sa tampuhan.
Pero ngayon ayaw niyang magkatampuhan sila ni Tobby, gusto niya as much as possible okay sila ng binata.magsasalita pa sana siya pero biglang sumingit si Cris.
"Dinalhan kita ng dinner mo, Tobby called and asked me if I can buy you food for dinner kaya andito ako ngayon,anyway di rin naman ako magtatagal"nakangiting saad ni Cris
"No you stay, mukhang ikaw ang nagpawala ng init ng ulo niya eh, it would be better if you stay so he can laugh like a while ago"sagot niya saka niya tinignan si Tobby na natkatingin sakanya.
Yung tingin na wala kang mababanaag na emosyon,isa ito sa katangian ni Tobby na hirap siyang basahin pati na rin ang mga misteryoso niyang pananalita minsan na parang may malalim na pinag huhugutan.
Tumalikod siya para balikan yung bag niya pupunta na lang muna siya kina Kyler dun na muna siya hanggang antukin siya ulit.
Paglabas niya ay kinuha niya ang susi ng kotse na ginagamit nila.
"Hiramin ko muna yung kotse,pupuntahan ko lang sina Driph dun muna ako, uwi din ako mamaya"paalam niya,di niya man lang sinulyapan ang kinaroroonan ni Tobby para kasing nasasaktan siya sa pagtrato sakanya ng binata,
"Sandali, kai---------"
"I'm not hungry"putol niya sa sasabihin ni Tobby saka mabilis ang hakbang niyang tinungo ang kinaroroonan ng kotse
TOBBY'S POV
Di ko alam ang nararamdaman ko, simula kasi kaninang naungkat ang tungkol sa papaparaya nakonsensiya talaga ako, paano ko nga ba sasabihin sakanya na isa ako sa dahilan kung bakit sila nag hiwalay ni Cris,
Cris is my bestfriend,magkapit bahay lang kasi kami, he became my friend noong minsang napagtripan ako ng isang gang sa isang club wala akong kalaban laban noon dahil marami sila mabuti na lang may misyon siya sa lugar na iyon kaya natulungan niya ako pero patas lang din dahil dapat mababaril din siya noon pero sinalo ko yung bala na dapat tatama sakanya.
BINABASA MO ANG
Does Love Enough?
RomanceLumaki man siya sa kalinga ng di tunay na ina pero busog siya sa pagmamahal nito kasama ng nakapaligid sakanya she knew she loved by everyone around her kaya lumaki siyang maayos Halos lahat nasa kanya na Until one day they found out that her real f...