Agad niyang tinutok ang baril sa isang nakamotor na mas malapit sakanya pero nagulat siya nang sabay na yumuko ang mga ito para tignan siya.
Binaba niya agad ang baril niya nang mapagsino ang mga ito.
"Shit!"aniya saka sinamaan ng tingin ang mga pinsan.
Tinawanan lang siya ng mga pinsan saka mabilis na pinasibad ang kanilang mga motor. Naiiling na lang din niyang pinagpatuloy ang pagmamaneho pabalik sa mansiyon ng mga Lizares.
Pagdating niya sa bahay ng mga Lizares ay agad niyang hinanap si Tobby, pero naikot na niya ang bahay na tintuluyan nila pero di niya ito makita, tinignan niya rin sa mga monitors kung saan nakakonekta ang lahat ng CCTV,pero di rin niya makita ang lalaki dun.
Tinatawagan niya rin ang binata pero di rin nito sinasagot ang phone niya.kaya tinawagan niya si Driph.
"Andiyan ba si Tobby?"agad niyang tanong sa pinsan.
"Wala, bakit?"balik tanong nito.
"Wala kasi siya dito, tinatawagan ko siya pero di sinasagot yung phone niya."nag aalalang sagot niya.
"Relax Capt. baka lumabas lang. Nag away ba kayo?"tumatawang tanong ng pinsan.
"Di naman kami nag away."aniya. Di na niya sinabi na kahapon ay di niya masyadong kinakausap ang kasintahan, dinadahilan lang niyang wala siya sa mood.
Kaya kahit gustong sumama ni Tobby kanina sa pag hatid sa triplets ay di niya ito pinasama. Ayaw niya kasing nakikita ni Jadine ang paglalambing sakanya ni Tobby.
Pero dahil sa pag uusap nila kanina ni Jadine ay nakapag desisyon siya.
"Di naman pala,baka may pinuntahan lang o baka inutusan ni Congressman."anang pinsan.
"Okay, sige" aniya saka binaba ang phone niya.
Agad siyang pumunta sa mansiyon ng mga Lizares. Nag aalala talaga siya, lalo pa at may mga naengkwentro siya kanina.
"Manang nakita niyo po ba si Tobby?"tanong niya sa may edad na kasambahay na nakasalubong niya.
"Lumabas kanina sinamahan yung mag ina."aniya
"Alam niyo ho ba Manang kung saan sila nag punta?"tanong niya.
"Hindi Ineng eh."umiiling na sagot sakanya.
"Si C---------"
"Ashley, is there a problem?"putol ni Apolinario sa sasabihin niya.
Mabilis siyang lumapit kay Apolinario.baka kasi ito alam kung nasaan sila Tobby.
"Alam mo ba kung saan nagpunta si Tobby? Sinong kasama nila?"magkasunod niyang tanong.
"I don't know."umiiling pang saad nito.
"Apolinario tawagan mo nga sila."pakiusap niya.
"Why me?"kunot noo na tanong sakanya pero pero ngumiti ito ng nakakaloko.
"Apolinario, not now..... alam mo bang nakalaban ko kanina ang mga tauhan ng LIMVO? kaya please......"pakiusap niya.
Agad namang sumeryoso ang mukha ni Apolinario. Kinuha nito ang phone niya saka may tinawagan. Pagkatapos nitong makipag usap ay agad itong lumabas ng bahay tahimik naman niyang sinundan ang lalaki.
Kahit di siya nito niyaya ay sumunod siya sa lalaki. Nang pumasok ito sa sa sasakyan ay pumasok din siya. Kahit di nagsasalita si Apolinario ay bakas sakanya ang pag aalala.
ASHLEY'S POV
Pagdating namin sa isang mall ay dumiretso kmi sa loob. Malalaki ang hakbang niya papasok sa isang beauty shop.di ko alam kung paanong nalaman ni Apolinario ang kinaroronan ng mag ina, mas lalo lang kasi akong nag alala nang makita namin ang mag ina at dalawang body guard nila pero wala si Tobby.
BINABASA MO ANG
Does Love Enough?
RomanceLumaki man siya sa kalinga ng di tunay na ina pero busog siya sa pagmamahal nito kasama ng nakapaligid sakanya she knew she loved by everyone around her kaya lumaki siyang maayos Halos lahat nasa kanya na Until one day they found out that her real f...