kiss sa pool

1.1K 45 5
                                    

Nang umahon sila ay tulalang nakatingin lang sakanila sina Apolinario, Devine, at Denver. Ilang beses pang kumurap si Devine nang tumayo at naglakad sila palapit sa mga kasamahan.

"Are you guys insane?!gulat na tanong ni Apolinario.

"Oh My..... are you guys okay?"tanong ni Devine na nakatutop ang kamay sa labi.

"Don't ask us, ask him!"ani Jadine saka tinuro si Apolinario na tumatawa.

"Anyway, Mister balbas sarado, may balato ka saamin,"dugtong pa niya saka kinindatan si Harris. Naiiling naman itong tumawa.

ASHLEY'S POV

"This is our favorite activity here. Di kumpleto ang bakasyon namin dito pag di namin nagagawa ito."wika ko

"You know what? You should try that, pampabawas stress"dugtong ko pa ng nakatingin kay Apolinario.

"Tara gawin natin."yaya saakin ni Tobby. Natatawa akong lumapit sakanya. Alam kong kaya niya tong gawin kasi kasama to sa training.

"Can I try that too?"tanong ni Denver na nakatingin sa taas tinatantya yata niya kung kakayanin niya.

"What?! No way!"kontra ni Devine. Kahit ganon siya kasungit sa kuya niya ayaw niya pa rin itong mapahamak.

"No!you're too young for that."mariing wika ni Apolinario.

Tinapik na lang ni Tobby si Denver sa balikat saka ako hinawakan at iginiya paakyat. Sumunod naman saamin sina Sean at Shone.

"Akalain mo yun?tumalon lang kayo ni Jadine dun magkakaroon na kayo ng isang milyon?"bulong saakin ni Tobby.

"Di ko naman alam na ganon siya kagalit pumusta."saad ko.

"Mabuti na rin yun may pangdate tayo."aniya saka tumawa.

"Wala ka na ngang flowers nung naging tayo,tapos ngayon ako pa magbabayad pag nagdate tayo? Iba ka rin no?"naiiling kong wika.

Aba! Umaabuso na siya ha. Wala man lang karoma-romantic sa katawan tong taong to.ganito niya tratuhin yung mga naging girlfriend niya noon?

"Kasi nga, I'm one of a kind."aniya saka humarap saakin at ngumiti.

"Ah...."tumatango kong sagot, pagkatapos ay sabay kong hinila yung makabilaang patilya niya. Nakakaawa lang kasi imbes na sumigaw siya sa sakit ay pumikit lang siya.

Hanggang makarating kami sa taas ay naririnig pa namin ang sagutan nila Jadine, Apolinario at Devine.

Pumwesto kaming lima ng nakahilera. Si Tobby, ako, Sean, Jadine at Shone.

"wait lang guys,ivivideo ko kayo ha?"tanong ni Devine na nasa likod namin.

"Sige, basta tatalon si Mabini."ani Jadine na tinignan si Apolinario na nasa likod ni Jadine. Agad naman tumalikod si Apolinario.

"Mabini! Ibabalik ko sayo yung five hundred thousand mo."sigaw pa niya ulit. Pero pumunta ito sa swimming pool at di siya pinansin.

"Devine, picture mo kami ni Ash."ani Tobby pagkatapos ay yumakap siya saakin, agad naman siyang sinunod ng bata.

"Haizt! Ang pangit mo Ayook."ani Jadine

"Ikaw maganda ka?"pang aasar ni Shone sa kakambal.

"Malamang hindi! Kaya nga pinapalit eh di ba."ani Jadine saka inirapan si Shone.

Kitang kita ko kung paanong tignan ng masama ni Sean si Shone. Nang lingunin ko si Tobby ay nakita ko siyang umiling. Bakit feeling ko ako lang ang hindi nakakarelate sa nangyayari?.

Does Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon