surprise!

586 15 6
                                    

Napalingon siya sa direksyon ng babaeng nagsalita.

"Hi Capt.!"bati nito sakanya sabay kaway pa.

"Jadine......"bulong niya pero sapat na para marinig ng mga lalaking nasa harap niya.

"Surprise!"agaw naman ni Chase sa atensiyon niya saka tumawa ng nakakaloko, pagkatapos ay tumingin ito sa direksyon ni Jadine.

"Salamat sa tulong mo Hija ha. Kung di dahil sayo baka tuluyan nang nailayo ng lalaking ito ang babaeng pinakamamahal ko.."ani Chase saka ibinalik ang tingin sa pintuan ng sasakyan na di pa rin mabuksan dahil sa nakaharang na katawan ng lalaking kasama.

ASHLEY'S POV

Tinignan ko ng masama si Jadine pero di ako nagsalita. Mamaya ko na lang siya haharapin pagkatapos namin dito. Pero siya kinindatan lang ako na parang wala lang sakanya.

"Paano sila makakababa kung andiyan kang nakaharang?"iritableng tanong ni Chase sa lalaking kasama niya.

Pagak akong tumawa nang makita kong yumukong parang maamong tuta ang lalaki. Umusog man siya pero kaunti lang kaya nahirapan pa rin si Congressman na lumabas sa sasakyan.

"Hay naku Topus, try mo lagyan ng laman utak mo wag puro pagpapalaki ng masel ang inaatupag mo. Eh kahit yang isang hita mong bagul-bagulan di kasya diyan eh!"wika ulit ni Jadine sa lalaki.

"Pag di ka tumigil, ikaw ang unang kong papatayin."banta niya kay Jadine saka lumayo sa sasakyan.

"Weh?! Chuserong alkab!"ani Jadine saka umismid.

Paglabas ni Congressman ay agad siyang tinulak ni Chase ng malakas. Agad niyang hinila si Mrs. Lizares palabas ng sasakyan. Pero agad din siyang tinulak ng Ginang saka mabilis na dinaluhan ang kanyang kabiyak.

Agad silang tinutukan ni Chase ng baril. Mabilis ko ring itinutok ang hawak kong baril kay Chase,agad din akong tinutukan ng lalaking kasama niya.

"Let's not waste our energy and time here. I'm tired. I just want her to come with me. Walang masasaktan kung susundin niyo lang ang gusto ko."wika ni Chase habang nakatingin pa rin kay Mrs. Lizares.

"You're insane Chase.! What made you think that I will go with you? I'd rather choose to die than to be with pathetic, crazy, asshole like you.!"nanginginig sa galit na wika ng Ginang.

Kitang kita ko ang pagtiim bagang ni Chase,pati na ang pamumula niya sa galit. Walang sabi sabi niyang kinalabit ang gatilyo ng baril niya kaya tinamaan sa balikat si Congressman.

Pumalahaw sa iyak si Mrs. Lizares nang makita niyang dumudugo ang balikat ng asawa niya. Habang si Congressman ay nakatingin lang ng masama kay Chase, di alintana ang dumudugong balikat. Hinawakan ng mahigpit ni Congressman ang asawa sa kamay nang muntik na itong matumba.

Akmang kakalabitin niya sana ulit ang gatilyo ng baril niya pero inunahan ko na siya.binaril ko ang baril niya kaya nabitawan niya ito. Kasabay ng pagkahulog ng baril ni Chase ang pagkahulog din ng baril ng kasama niyang lalaki na nakatutok saakin.

Mabilis na nagpakawala ng suntok yung lalaki pero nailagan ko ito. Maya maya pa ay napaluhod ito, may bumaril kasi sakanya mula sa kung saan. Mabilis na nagsilapitan saamin ang mga tauhan ni Chase pero nang nasa kalagitnaan na sila ay napahinto din sila dahil may sumabog na isa sa mga sasakyan nila.

Itinutok nilang lahat ang mga baril nila saamin pero napaatras sila nang biglang maraming pulang ilaw na maliliit na gumagalaw sa katawan ng amo nila.

Mabilis na lumapit kay Chase ang lalaking kasama, sinusubukan niyang harangin ang mga nakatutok sa amo niya, as if namang may magagawa siya. At habang busy naman sila ay nagsidatingan naman ang mga sasakyan ng pulis.

Does Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon