Mabilis na lumipas ang dalawang linggo,one week na lang bakasyon na ng mga bata, ilang beses nila silang sinubukang takasan pero di sila nagwagi, nilagyan ba naman nila BK ng CCTV yung mga sulok ng eskwelahan nila na sila lang ang nakakaalam kaya palagi nila silang nahuhuli,
Kung pwede lang silang paalisin na ng dalawang bata siguro matagal na silang natanggalan ng trabaho, kaso natutuwa ang congressman at ang may bahay nito sa pagbabantay nila kaya walang magawa ang magkapatid.
Muntik nang makatakas ang magkapatid nang nag day off sila ni Tobby, pumunta sila sa bahay ng lolo ni Ashley dun sila nagkita kita nila Driph at ng triplets pero dahil nakakonekta ang cctv sa phone na dala ni Ashley ay naitawag niya agad ito sa mga guard na nakabantay. Pag week end kasi ay pumupunta ang triplets para maki update ng personal pero dumideretso yung tatlo sa bahay ng Lolo niya,at kahit wala ang Lolo niya sa bahay na yun ay inaasikaso sila ng caretaker ng bahay,
Ngayon ay papunta nanaman sila sa school para sa practice ng graduation ni Denver si Divine naman ay nagpaiwan sa bahay nila. tatlo lang sila sa kotse si Tobby ang nagsilbing driver nila.
Nagtaka siya ng bigla niyang tignan si Denver ay parang may gusto itong sabihin pero nahihiya itong magsabi.
ASHLEY'S POV
"Bakit?"nakangiti kong tanong,mabait naman talaga ako.hehe
Nagulat yata siya na kinausap ko siya kaya napaayos siya ng upo,kung dati parang di sila takot saamin ngayon takot na sila dahil minsan sa sobrang galit ko muntik ko siyang masuntok,yung suntok ko na dapat para sakanya sa hangin ko pinakawalan.
"Nasa mood ako ngayon,"saad ko
"Pwede ba akong sumama sa mga kaibigan ko mamaya?birthday kasi ng kaibigan ko" aniya saka yumuko
"Magpapaalam muna tayo sa Daddy mo ha"kako sinenyasan ko agad si Tobby na tawagan si Congressman na agad naman nitong ginawa.
Pagkatapos niya makipag usap ay tinignan niya ng seryoso si Denver.
"I knew it! Di siya pumayag"nadidismaya niyang sabi naawa tuloy ako sakanya,
"Pumayag siya basta kasama kami"biglang sabi ni Tobby saka ito ngumiti saakin
"Siraulo ka talaga....."bulong ko sakanya pero kinindatan lang niya ako.ito namang si Tobby habang tumatagal lalo kong nagugustuhan,may pagkasuplado din siya minsan pero konting lambing lang wala na.
Minsan magugulat ako pag gising ko may bagong pitas na bulaklak sa pintuan ng kwarto ko,galing yata sa garden ng mga Lizares, ang aga aga nagkakasala na siya sa pangungupit ng mga bulaklak ni Mrs. Lizares.
"Yesssss!"ani Denver saka masigla itong pumasok sa eskwelahan.
Nang makapasok na siya ay agad kong kinuha yung bag ko para hanapin yung kwintas ko na may tracker.palagi ko kasing dala yun pero di ko sinusuot kasi kahit di ko naman suot yun natetrace kami ni Mommy.
TOBBY'S POV
Napailing na lang ako ng makita kong ibinuhos niya ang laman ng bag niya sa lap niya, wala kasi akong nakitang pampaganda kundi baril na maliit, 3 dagger, 2 kunai at yung phone niya na pang tawag yung isa naman ay phone kung saan nakakonekta yung cctv para kahit wala kami sa bahay alam namin kung anong nangyayari.
Ang hirap pala talagang mainlove sa isang amazona,tinanong ako ni Jadine kung kakayanin ko daw bang ligawan itong ate niya ang bilis ng sagot kong oo, tapos siya tinawanan lang ako sabi niya goodluck na lang daw saakin,di ko alam kung seryoso ba siya noon o nagbibiro,pero ngayon mukhang alam ko na.
Pero gagawin ko ang makakaya ko mabaling lang sakin ang pagmamahal niya, alam kong natatakot lang siyang buksan ang puso niya ulit dahil sa naranasan niya noon,pero may dahilan naman talaga kung bakit nangyari yun at tanging ako lang at si Cris ang nakakaalam ng sikretong yun.
BINABASA MO ANG
Does Love Enough?
RomanceLumaki man siya sa kalinga ng di tunay na ina pero busog siya sa pagmamahal nito kasama ng nakapaligid sakanya she knew she loved by everyone around her kaya lumaki siyang maayos Halos lahat nasa kanya na Until one day they found out that her real f...