inosente epek?

1.7K 50 9
                                    

Mataas na ang araw nang magising si Ashley, bigla pa siyang napabangon nang mapagtantong nasa loob siya ng kwarto niya.bahagya niya pang hinilot ang sintido niya baka sakaling may maalala siya kung paano siyang nakarating sa kwarto niya, pero ang huling naalala niya lang ay yung hinawakan ni Tobby ang kamay niya kagabi, sa kahihintay niyang bitawan iyon ng binata ay di niya namamalayang nakatulog na pala siya.

"Binuhat nanaman niya ako hanggang dito sa higaan ko?"tanong niya sa sarili.

"Imposible namang naglakad ako ng tulog, sa tanang buhay ko di pa naman nagawang maglakad ng tulog"bulong niya

Siguro kung may nakakakita lang sa ginagawa niya mapagkakamalang siyang nasisiraan ng bait dahil nagsasalita siya mag isa at kinakausap niya ang sarili.

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya nagpasyang maligo saka magapalit ng damit.

Shew was just wearing short and loose shirt dahil mamayang hapon pa naman ang practice ng graduation ni Denver.

Paglabas niya ng kwarto ay walang tao pero may naamoy siyang mabangong pagkain kaya tinungo niya ang kusina. Bahagya pa siyang nagulat nang madatnan niya si Tobby na inaayos ang lamesa habang ang dalawang kasambahay naman ay inaayos ang dala nilang pagkain.

Napakunot noo siya dahil ang dami ng dala nilang pagkain, mayroong fried rice, hotdog, fried egg, bacon at ang pinaka namiss niya sa lahat ang batchoy, yun din kasi ang madalas nilang kainin ng Papa niya noon sabi pa nga ng Papa niya mabisang gamot daw sa hangover yun.

"Goodmorning......"bati sakanya ni Tobby na nakangiti, sinenyasan na din niya ang dalawang kasambahay na umalis na agad namang sinunod ng dalawa.

Naguguluhan man ay umupo na siya tutal gutom naman na talaga siya. Pero nagulat siya nang lagyan ni Tobby ang bowl niya ng batchoy saka nito nilagay sa harap niya.

"Nagpaluto ako ng soup para sa hangover yan yung dinala dito sabi ng cook maganda daw yan sa hangover"ani Tobby saka ito umupo sa harap niya at nagsimula na ring kumain.

Nagtataka lang siya bakit sakanya pinapakain ng binata ang batchoy eh wala naman siyang hangover,

"Di ba dapat ikaw ang kumain nito?"takang tanong niya saka nag umpisa na siyang sumubo.

ASHLEY'S POV

Sa totoo lang nawiwirduhan na talaga ako sa inaakto ni Tobby, oo natutuwa ako dahil di na siya nagsusungit but He is acting really weird.

Naiilang pa ako dahil sa panaka-nakang tingin niya saakin.binilisan ko na lang kumain.

Paubos ko na yung batchoy na binigay niya nang bigla siyang tumayo tapos lumapit saakin.

"Inumin mo to"aniya saka niya inabot saakin yung gamot. Di ko alam kung seryoso siya sa inaakto niya o pinagtitripan ako ng damuhong ito. Ako pa talaga ang paiinumin niya ng gamot?may sakit ba ako? Buti pa siya alam niyang may sakit ako, ako kasi di ko alam yun eh.

"Wait, Why should I take medicine if I'm not even sick?"tanong ko sakanya

"ah,... I'm sorry..... akala ko kasi may hangover ka kagabi kasi umuwi kang lasing" nakangiti niyang saad

Haluh! Ako pa talaga yung lasing daw kagabi?baliktarin daw ba ako eh siya nga tong langu kagabi.

"Hangover? Ako? May hangover? Ako ba Mr. Yap pinagtitripan mo?"taas kilay kong tanong sakanya. Aba! Baka gusto niyang i demo ko yung nangyari kagabi baka sakaling matauhan siya at maalala niya yung pinagsasabi niya kagabi.

Kinuha ko yung baso kong may laman na tubig saka ko ito dire-diretsong ininom para pakalmahin ko yung sarili ko kainis lang kasi umaakto siyang inosente.

Does Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon