slap

1.2K 46 6
                                    

Pagkatapos nilang makipag usap sa Congressman ay dumiretso na sila sa tinutuluyan nila, wala ni isa sakanila ang nagsalita lalo na ang tatlong lalaki ay di kumibo.

"Alis muna kami sandali  bibili lang kami ng gamot na iinumin ni Jadine para sa pain reliever wala kasing ganong gamot sa medicine kit"ani Sean saka sabay na silang umalis ni Shone

"May ichecheck lang ako sa guardhouse"ani Tobby

Nang maiwan silang dalawa ay dumiretso na si Jadine sa cabinet kung saan naroon ang medicine kit.

Agad niyang nilapitan si Jadine nang makita niya ang malaking sugat sa braso nito.akala niya kanina nadaplisan lang ito di niya akalaing may kalakihan pala ito.

"Dalhin na lang kaya kita sa hospital para matahi yan."suhestiyon niya pero di siya nito pinansin.

ASHLEY'S POV

Kukunin ko na sana sakanya ang gamit para malinisan at malagyan ng gamot ang sugat niya pero pasimple niya itong inilayo sakin.

Naaawa ako sakanya pero halata namang ayaw niyang magpatulong saakin. Di ko alam kung bakit ganon ang inaasal niya. I've been trying to cope up with her eversince I got home pero palagi niya na lang akong iniiwasan,Naiintindihan ko naman na masama ang loob niya pero sobra naman siya.akala ko pa naman okay na kami.

Sinubukan kong agawin sakanya ang bulak na may gamot pero winaksi niya lang ang kamay ko.

"Jadine ano bang problema mo?bakit palagi kang ganyan?"inis kong tanong sakanya

"Wala,"sagot lang niya saka ulit kumuha ng panibagong cotton saka nilagyan ng gamot.

"Akina, let me help you"saad ko saka ko ulit siya sinubukang hawakan sa braso.

"No need, Im used of doing it ALONE......"aniyang pinagdiinan pa ang huling katagang binitiwan niya.

Sa sobrang inis ko ay dinampot ko ang medicine kit saka ko ito binalibag kaya nagkalat ang mga gamot sa sahig.

"Tsssss"aniya saka ako inismiran tapos isa isa niyang dinampot yung mga gamot na nagkalat sa sahig.

Walang sabi sabing hinila ko siya sa braso, mahigpit ko siyang hinawakan saka ko siya tinitigan ng masama.sinusubukan kong pigilang magalit sakanya pero sumusobra na siya.

"Ano bang gusto mong gawin ko para lang mawala na yang galit mo saakin ha?"tanong ko saka ko siya malakas na tinulak na naging dahilan ng pagkabangga niya sa lamesa.

Nakita ko ang madiin niyang pagpikit saka kinagat niya ang pang ibaba niyang labi. nakita ko pa ang pag ngiwi niya saka hinawakan ang braso niya

"Yun na ba yun Capt.?yun lang ba ang kaya mong gawin?wala ka pala eh! ang hina mo naman!you know what? I grew up, believing that you are the best in everything you do. Pero ngayon? I am s---------"

Di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil ubod lakas ko siyang sinampal.

"Punong puno na ako sayo!sumosobra ka na talaga!di naman siguro ganon kalaki ang kasalanan ko sayo para tratuhin mo ako ng ganito! panong sorry ba dapat ang gagawin ko?"puno ng hinanakit kong saad sakanya pero nagulat ako ng pagtingin niya saakin ay may namumuong luha sa mata niya.

Ni sa panaginip ko di ko naisipang saktan siya.it was too late to realize what I did. I just slapped my baby sister.

Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang pisngi niya.Nang tignan ko ang kamay ko may bahid ito ng dugo.

Huli na nang marealize ko na yung braso niya palang may sugat ang nahawakan ko kanina.ngayon ay mas lumakas ang pag agos ng dugo mula sa braso niya papunta sa sahig.kaya pala ganon na lang ang pagngiwi niya kanina.

Dali-dali akong lumapit sakanya,agad kong hinawakan ang braso niya pero kasabay ng paglapat ng kamay ko sa braso niya ang pag tulak niya saakin. Mabuti na lang at sumakto ako sa upuan kaya di ako nasaktan. Pero nagulat ako nang may biglang may sumigaw sa may pintuan.

"Jadine!what do you think are you doing?!"sigaw ni Tobby

"Di mo ba nakita?gusto mo ulitin ko pa?"sarkastiko niyang sagot kay Tobby.

"Jadine enough!"saway din ni Sean na bigla na lang din sumulpot kasama ni Shone.

"No, it w-------"

"w-----why don't you just kill me! Mas madali yun!"putol niya sa sasabihin ko

"I'm s------sorry"hinging paumanhin ko,sinubukan ko siyang hawakan ulit pero tinalikuran niya lang ako. Mabilis siyang naglakad palabas ng bahay. Pero di nakaligtas saakin ang mabilis niyang pagpahid sa luha niya.

Sinubukan ko siyang habulin pero pinigilan ako ng tatlong lalaki.

"Hayaan mo muna siya babalik din yun Capt. magpapalamig lang yun. Okay ka lang ba?"tanong ni Shone

"Ako na nga tong may kasalanan ako pa tong tinatanong niyo kung okay lang ako?kailangan ko siyang sundan,"pagpupumilit ko

"Believe me Capt. that's what she wants....unlike you, si Jadine konting oras lang ang kailangan niya para mawala ang sama ng loob"ani Sean saka umupo.

"What do you mean by that?"kunot noo kong tanong.

"ikaw Capt five years ang inabot nung nagpalipas ka ng sama ng loob sa ex husband mo"nakangiting saad ni Shone

Natawa na lang siya sa pahayag nito.di ko alam na may alam pala ang mga kambal sa dahilan ng pag alis ko.Well they are grown ups now,

"Crazy!.....gusto ko lang talaga sana maging okay na kami Jadine, I really miss her so much"natatawa kong sagot.

"Ash, hayaan mo muna siya, saka isa pa di siya papabayaan nila Driph"paliwanag ni Tobby

Inakay niya ako paupo ulit sa upuan, kinuhanan pa ako ng tubig.

"Ano bang nangyari?"tanong niya saakin.

"Tawagan ko muna sila Driph"wika ko saka ko hinanap ang phone ko.

"Naitxt ko na Capt. Sila na daw bahala tatawag sila pag andun na siya"ani Sean.

"Pwede mo nang ikwento kung anong nangyari?"tanong ulit saakin ni Tobby

Huminga ako ng malalim bago ako nag umpisang magkwento.habang nagkukuwento ako di ko mapigilang di maiyak.di pa rin kasi mawala sa isip ko ang pagsampal ko sakanya.

Alam ko kahit na si Mommy di niya magagawang saktan ang mga anak niya pero ako? Ano nga ba ang karapatan kong gawin yun kay Jadine? Ano na lang ang sasabihin nila Mommy pag nalaman nila ang ginawa ko? Nahihiya ako di lang sa nagawa ko kundi sa sarili ko.

"I'm really sorry......"umiiyak kong saad habang nakatingin kina Sean at Shone. Alam ko kahit di man nila ipakita  nag aalala sila para sa kapatid nila.

"Alam mo Capt., di naman nawawala sa magkapatid ang away na minsan nauuwi sa sakitan normal yun."ani Sean saka ako tinapik sa balikat

"Saka mas maganda na rin yung nangyari ngayon Capt atleast nailabas mo yung galit mo, siguro naman di mo na kami lalayasan ulit?"nakangiting saad ni Shone.

Parang tuloy nagsisi akong umalis pa ako at iniwan sila ng ganon katagal, bakit pa nga ba  kasi ako umalis alis.

"Tama na yan, matulog na tayo, pare-parehas tayong pagod "suhestiyon ni Tobby na sinang ayunan naman ng dalawa.

Di ko alam kung makakatulog ako pero sana bukas maging okay na lahat.













Does Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon