Abala sila Shone at Sean sa pagluluto ng barbeque yun kasi ang request ng magkapatid, si Jadine naman ang nagluluto ng kanin. sila naman ni Tobby ay gumagawa ng shake para sakanilang lahat.
Pinauwi na kasi nila yung caretaker nila tutal naihanda naman na nila ang mga gagamitin nila para sa araw na yun.
Medyo hapon na rin kasi at ayaw nanaman umahon ng magkapatid sa pool. Kanina kasi mas nagbabad sila sa dagat saglit lang sila sa pool dahil medyo makulimlim naman kaya mas ginusto nilang maligo sa dagat.
"Are you sure okay na yung barbeque lang?"tanong saakin ni Tobby habang hinuhugasan niya yung mga strawberry.
"Marami yun, saka may pizza pa silang binili kanina, punung puno din yung ref ng mga dessert na pinaluto nila kahapon."sagot niya.
"Teka nga,eh bakit ba tayo lang gumagawa ng trabaho?bakit si Mabini hindi tumutulong?"tanong ni Jadine pagkatapos niyang i on yung rice cooker.
ASHLEY'S POV
Naiiling na lang akong kumuha ng fresh milk para sa shake. Di naman kasi alam ni Apolinario na pinauwi ko na sila Manang Toshya at ang mga anak niya.
"haizt!.... they are so annoying!"ani Jadine saka umupo habang ang mga mata niya ay nakatuon naman kina Devine habang nagkakatuwaan sa swimming pool.
"Hayaan mo na sila,are'nt you happy seeing them enjoying without worrying anything?"saad ko saka tinuloy ang ginagawa ko.
"Tsk! Mabini isn't enjoying, can't you see? Kung ikaw gagawa ng ginagawa niya ngayon mag eenjoy ka?"aniya saka tinuro ang direksyon ng lalaki.
Nakikita lang kasi namin ang labas through glass window. Nang tignan ko ang tinuturo niya ay nakita kong nakahiga lang si Apolinario.
"Bakit mo pa kasi pinoproblema yun hayaan mo na sila Ybab, "ani Tobby saka nito ginulo ang buhok niya.
Natawa ako nang hinampas ni Jadine ang kamay ni Tobby. Maya maya pa ay biglang nagring ang phone niya,.bago pa siya tuluyang makalayo ay narinig pa naminwang sinabi niya.
"Naalala mo yata ako, di mo ba siya kasama kaya mo ko tinawagan?"aniya bago tuluyang nakalayo.
Nang tignan ko si Tobby ay naiiling lang itong sumubo ng strawberry. I was about to ask him pero di natuloy nang bigla niya akong subuan ng kalahati ng kinakain niya.
"Kakambal yan ng strawberry na kinain ko mahirap hanapin yan, sabi sa nabasa ko kung sino yung makakahati mong kumain niyan siya na ang forever mo."aniya saka ako hinagkan sa labi.
"Naniwala ka naman?"saad ko saka ko pinisil ang ilong niya. Kalalaking tao nagpapaniwala sa mga ganyan, dinaig pa ako.
"Of course!"aniya, then he wink at me. I don't know why, pero kinikilig talaga ako sa tuwing ginagawa niya iyon sakin.
Minsan talaga napapaisip ako kung inaakit ba ako ng lalaking to o sadyang nagpapacute lang siya.
Pagkatapos kong maihanda ang shake para saaming lahat ay dinala na ito ni Tobby sa labas dun kasi kami kakain.
Agad namang umahon ang magkapatid nang makita ang dala dala ni Tobby. Sumimple naman akong lumabas ng bahay para pumumunta kina Driph.
Pagdating ko sa harap ng bahay ay agad ako pumasok. Nadatnan ko sila Driph at KB na nakaharap sa mga laptop nila.
Itinuro naman agad saakin ni Driph yung isang kwarto kung saan naroon ang mas maraming monitor. Isa isa kong pinasadahan ng tingin ang bawat monitor.
Lumapit ako sa isang monitor, napansin ko kasi ang isang kotse.
"Kaninong tauhan yan?"tanong ko sabay turo sa kotseng itim na nakastandby sa haram ng mansyon ng mga Lizares.
BINABASA MO ANG
Does Love Enough?
RomanceLumaki man siya sa kalinga ng di tunay na ina pero busog siya sa pagmamahal nito kasama ng nakapaligid sakanya she knew she loved by everyone around her kaya lumaki siyang maayos Halos lahat nasa kanya na Until one day they found out that her real f...