chasing Ashley

1K 41 19
                                    

ASHLEY'S POV

Paglabas namin ni Cris ay agad may sumunod saamin. Nakakagigil na din talaga tong mga tauhan ni Chase di nauubos. Ang dami na naming napatumba at nahuli pero mukhang sa tuwing may nahuhuli kami doble nun ang kapalit.

Kanya kanyang motor kami ng gamit ni Cris, mas madali kasing tumakas pag nakasingle lang. Mas madali ding makipagbarilan pag ganito lang din ang sasakyan.

Kahit mabilis na ang patakbo nami ni Cris ay nahahabol pa rin kami ng mga damuhong tauhan ni Chase ang hirap nilang iligaw para silang may mga magnet na di maihilaway saamin.

"Cris may niligaw ba yung mga miyembro mo? Eh mukhang lahat yata sila sumunod saatin eh."wika ko.

"Yan din sana ang itatanong ko sakanila eh mukha ngang saatin sila nakasunod" tumatawang sagot naman ni Cris kahit sa side mirror ko lang tinitignan si Cris dahil nakasunod ito saakin ay nakikinikinita ko na tumatawa ito.

"Petmalu lodi daw po kasi kayo mga Boss." Tumatawang singit saamin ng isang member ni Cris.

Katulad nila BK ay maloloko din ang mga team members ni Cris at sa pagkakaalam ko ang iba sakanila ay malayong pinsan ko sa side ni Papa kaya di na ako magtataka kung ganoong may mga tinatagong kalokohan din sila lalo pa at ang team Captain nila ay nuknukan din ng pilyo.

Mas binilisan ko pa ang patakbo sa motor ko, nang makalayo ako sakanila ay huminto ako saka hinarap ang mga humahabol saamin. Hinugot ko ang baril na nakasukbit sa pantalon bandang binti ko saka magkakasunod kong inasinta ang ilang mag nakasunod saamin.

Magkakasunod na natumba ang mga nakasakay sa motor yung iba ay nawalan ng kontrol dahil sa mga kasamahan nilang natumba sa harap nila kaya kahit di ko pa man sila nababaril ay nagsariling tumba na sila.

Nang maubos ang bala ko ay naglagay ako ulit pagkatapos ay sinunod ko namang inasinta ang mga patuloy na sumusunod saamin.

Pagkatapos mapatumba ang humigit kumulang kinseng motorsiklo ay pinaharurot ko ulit ang motor ko.

"Linisin niyo na lang yung kalsada, mukhang yan ang magiging silbi niyo sa ngayon."tumatawang saad ni Cris habang nakasunod pa rin ito saakin.

Hay kaimbyerna talaga tong lalaking to bwiset, bakit kasi siya pa ang sinama ko sana si Sean na lang.

"Petmalu lodi ka talaga Boss Ash!" Tumatawang saad naman ng isa pang membes ni Cris. May pitong member din kasi si Cris may dalawang babae din pero mas matanda siguro sila kay Jadine ng dalawa o tatlong taon.

"Isa pang banggit mo ng petmalulodi na yan ikaw na babarilin ko diyan."banta ko sakanya.

Nakakapikon kasi bukod sa nakakainis yung ingay niya eh di ko naman alam kung anong ibig sabihin ng petmalulodi na yan. Di ko pa naman naririnig kina Jadine yan. Saan ba galing yang mga salitang yan?mamaya nga pag okay na lahat igu google ko yan.

At ang hinayupak na lalaki ayun imbes na matakot saakin tinawanan lang ako. Kung di ko lang kilala si Cris iisipin kong may adik siyang kamember.

"Cris pagsabihan mo yang kamember mo wag masyado sa drugs baka matokhang yan."wika ko saka mas binilisan pa ang pagdadrive dahil may ilang motor pa ang nakasunod saamin at hindi pwedeng masundan kami sa lilikuan namin.

"Woah! Ash, may alam ka din palang salitang kalye? Tokhang!kanino mo napulot yun?" Pang aasar pa rin saakin ng animal kong ex husband. Hay kabwiset! At ang nakakainis pa ayun at dinig na dinig ko ang pagtatawanan nila.

Kung pwede lang itapon tong earpiece na to tinapon ko na.

"Shut up Cris. Gusto mo ikaw barilin ko?"tanong ko saka mabilis na pinaikot ang motor ko paharap ulit sakanila saka tinutok ang baril ko sakanya.

Does Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon