Magdamag nilang hinanap ang tatlo pero di talaga nila ito mahanap. Di din nila matrack si Jadine kung nasaan ito dahil iniwan nito lahat ng gamit nito. Nanggigil man sa kapatid ay wala siyang magawa. Itinawag na din niya sa Daddy Philip niya at binigyan sila ng twenty four hours para solusyunan ang problema.
Ayon kay Cris kausap daw ni Jadine ang mag ina sa garden nang huli nila itong makita. Saka na lang daw nila nalaman nawawala ang tatlo nang ipatawag ng Conressman ang kabiyak niya. Sinubukang tawagan ni Cris si Jadine pero di na niya ito makontak. Tinignan nila ang mga gamit ni Jadine saka na lang nila nalaman na iniwan ni Jadine lahat ng gamit niya nang icheck ni Cris ang kwarto nila.
Nang tignan nia ulit ang footage na kuha ng CCTV sa loob at labas ng bahay ng mga Lizares ay di nila ito nakitang lumabas sa main gate. Yung tatlong CCTV naman na nasa likod ng bahay nila ay may narecord man pero ito yung nag uusap silang tatlo.tapos five minutes na nagblack yung tatlong monitor, Pagkatapos nun ay nawala na sila.
May secret passage sa likod, dun dumaan ang tatlo at sigurado silang may kasama si Jadine nang ilabas ni Jadine ang mag ina sa likod.
Lahat ng properties nila Chase na pwede niyang pagdalhan sa mag ina ay napacheck na niya at pinapamonitor pa pero wala sila doon. Pinasusundan din nila si Chase pero mula pa kagabi di pa daw nila ito nakitang lumabas ng bahay. Lalabas man daw pero hanggang garden lang at mukhang di daw ito mapakali.
Sa lahat ng misyong hinawakan niya ito na ang pinaka pumalpak. Kung ano pa yung akala niya pinakasimple lang, ito pa yung mabubulilyaso. Idagdag pa ang pag aalburoto ng Congressman sa galit. Kulang na lang kainin sila nito ng buhay.
Mabuti na lang at nandoon si Cris ito ang pilit na nagpapakalma sa Ginoo. Ito din ang laging kausap.
"Capt. Nakita na ang sasakyan na ginamit ni Jadine."ani Sean na nakaharap sa monitor. Agad siyang lumapit dito para makita ang sinasabi ni Sean.
"Did you check the owner of that car?"tanong niya. May tinipa sandali ang kapatid maya maya pa ay lumabas ang picture ng may ari ng kotse. Nagtinginan sila ni Sean.
Nakapangalan kasi kay Gary Domingo ang sasakyan, isa sa mga guard na pinaghihinalaan nilang tauhan ng kalaban ni Mr. Lizares, siya rin yung lalaking kausap ni Jadine nung gabing nakita niya ito sa garden.
Agad niyang tinanong kung nasa mansyon pa ba ito. Pero nadismaya siya nang sabihin nilang nakaleave daw ito ng three days at kakaalis lang daw niya kaninang umaga.
Agad siyang pumunta sa kwartong tinutuluyan ng lalaki para icheck ang mga gamit niya. Wala naman siyang makitang pwedeng maging lead nila. Masyadong organize ang gamit ng lalaki, lahat nakasalansan ng maayos.
Naagaw ng atensyon niya ang unan ng lalaki. Lalapit pa lang sana siya dito pero nagulat siya nang biglang mag ring ang phone niya.
"Tobby, bakit?"tanong niya.
"Asaan ka? May kailangan kang makita" saad nito.
Nagmadali siyang lumabas para puntahan ang kinaroronan ng kasintahan. Tama ba ang nakita niya? O gutom lang siya?. Nakita niya kasi ang kuha ng isang CCTV na malapit sa kalsada.
Si Jadine kausap si Chase. Bago sila pumasok ay tumingin si Jadine sa camera saka pasimple itong ngumiti ng nakakaloko. Tatawagan sana niya si Driph pero lowbat na ang phone niya kanina pa ito nagsisignal ng lowbat pero di niya pinapansin.
"Pwedeng pahiram ng phone mo?"tanong niya kay Tobby.
Agad naman itong inabot ng kasintahan sakanya. Agad niyang tinawagan si Driph.
(GUYS CONVO ITO SA HOSPITA KUNG SAAN DINALA YUNG KAIBIGAN NI JADINE NA SI GRACE BAYTING)
"Doc, yung pasyente niyo po na si Grace Bayting nawawala po."humahangos na saad ng nurse.
BINABASA MO ANG
Does Love Enough?
RomanceLumaki man siya sa kalinga ng di tunay na ina pero busog siya sa pagmamahal nito kasama ng nakapaligid sakanya she knew she loved by everyone around her kaya lumaki siyang maayos Halos lahat nasa kanya na Until one day they found out that her real f...