ano kaya?

1.1K 43 0
                                    

Pagdagting nila sa bahay ng mga  Lizares ay dumiretso na si Apolinario sa kwarto nito. Magbibihis daw muna siya bago kakain.

Nadatnan naman nilang nakaupo lang sa sala ang magkapatid na sina Devine at Denver na abala at tutok na tutok lang sa mga phone nila.

Lumapit siya sa dalawa para tanungin kung nasaan si Jadine.

"Divine, where is Jadine?" Kinalabit niya pa ito para siguradong pansinin siya ng bata.

"She went outside, di ko alam kung saan siya pupunta basta ang sabi lang niya sandali lang daw."sagot nito na pagkatapos ay binalik nanaman niya ang atensyon siya hawak na phone.

"Tara na lang muna sa bahay baka umuwi na siya."yaya niya sa binata na agad naman nitong sinang ayunan.

Agad siyang inakbayan ni Tobby habang magkahawak ang kamay nila. Isinukbit naman niya ang kaliwang kamay sa bewang ng binata

Malapit na sila ni Tobby at tanaw na niya ang bahay na tinutuluyan nila. Napangiti siya nang makita si Jadine na nasa labas at nakatutok lang sa phone nito. Agad nawala ang ngiti niya nang mapansing umiiyak ang kapatid.

Agad niyang hinila si Tobby papalapit kay Jadine, Naramdaman din yata ni Jadine ang presensiya nila kaya agad nitong pinahid ang luha niya.

"Andiyan na pala kayo, ang tagal niyo naman. Tsk! Natapos ko na yung movie na pinapanood ko tuloy."anang kapatid niya saka ngumiti sakanila.

"Did you cry because of movie?"kunot noo na tanong sakanya ni Tobby.

"Eh sa nakakaiyak eh! Di ko alam kung sa movie ako naiyak o sa gutom. Tagal tagal niyo, kung alam ko lang na tutuluyan din lang naman ni Mabini yung mga yun pinabaril ko na lang sana kina Sean yung mga yun."aniya saka tumayo.

"Alam mong di natin pwedeng gawin yun ng basta basta lang."aniya

"Joke lang! anyways, tapos na iyon tara na kasing kumain, inaantok na ako."ani Jadine saka nagsimulang humakbang papasok sa loob.

Naroon na rin pala sina Shone at Sean at tahimik din na inihahanda ang inumin nila.

"Hey! Kakain muna tayo bago kayo uminom."saad niya sa mga kapatid.

"Okay Capt.!sang ayon naman ng kambal.

ASHLEY'S POV

Hinintay naming hatiran kami ng pagkain pero nagulat kami nang ipatawag kami ni Apolinario sa kasambahay nila. Hinihintay nadaw kami kaya mabilis kaming sumunod sa babaeng sumundo saamin.

"Ang arte naman, nakakapagod magpabalik balik sakanila."maktol ni Jadine.

"bakit ka kasi umuwi?"tanong naman ni Sean.

"Ang boring kaya dun, wala din naman kakwenta kwentang kausap si Devine mukha kasing katext o kachat yung crush."sagot niya.

"Then why did'nt you chat or text your crush too, so you don't get bored."singit naman ni Tobby.

"Gahd! How many times do I have to tell you that I don't have crush or anything huh?!"nakasimangot na niyang sabi.

"Are you sure? Coz you're always busy with your phone too, lalo na pag di tayo ganon kabusy."giit ko naman.

"ewan ko sainyo.!sinabi ko lang na naboboring ako dami niyo nang sinabi."aniya saka nagapatiunang pumasok na sa malaking bahay.

Dumiretso kami sa dining area kung saan naroon na ang tatlo. Pag upo namin ay agad na kaming kumain.

Pagkatapos namin kumain ay agad na nagpaalam si Jadine na mauuna na dahil may importante daw siyang gagawin.

"Di mo ba nagustuhan yung pagkain Ms. Montefalcon?"tanong ni Apolinario nang akmang tatalikod na si Jadine.

"Porket nag paalam ako na may gagawin. Di na nagustuhan yung pagkain agad? Di ba pwedeng sumasakit yung tiyan ko dahil nasobrahan ng kain?kaya please excuse me na Sir."ani Jadine.

"Oh my Gosh ate Jade you are so grossed!"ani Devine na ikinatawa ng lahat.

"Ewan ko sainyo! Bahala kayo!"aniya saka mabilis na naglakad palabas.

Tawa naman ng tawa kami habang tinitignan si Jadine palabas.

Tumagal pa kami ng halos isang oras sa pakikipag usap kay Apolinario. Nabanggit niya kasing binabalak daw niyang ipasyal ang mga pamangkin bukas pero dahil delikado ay di na matutuloy.

Nalungkot ang magkapatid dahil gusto pa naman daw nilang mag beach dahil matagal na daw nilang di nagagawa yun. Di kasi sila pinapayagan ng ama.

I suggested our private resort, which is located at Sipalay City, we named it HAKUNA MATATA. Binili yun ni Papa nung maliit pa ako dun kami nagbabakasyon palagi. Hidden paradise sana ang tawag ni Papa dun.

Pero habang lumalaki ako at nagbabakasyon kami ni Papa dun na minsan kasama ko ang triplets. Naisipan kong palitan ang pangalan ng HAKUNA MATATA means no worries. Nakuha ko yun sa palagi naming pinapanood na cartoons na Lion King kung saan naroon din sina Timone at Pumba.

Simple lang ang resort naming iyon, nakatayo ang two storey house sa gitna, sa harap ay ang maliit na garden at garahe nasa likod naman ang swimming pool kung saan kitang kita sa ilalim ang dagat.

Kung matapang ka pwede kang tumalon mula sa gilid ng pool papunta sa dagat. May pinasadya din na hagdan si Papa para di na iikot pa at mapapalayo mula dagat pabalik sa bahay. O kung tinatamad ka namang maglakad meron namang elevator. Kumpleto ang gamit dun pagkain at damit mo lang ang kailangan mong dalhin.

Namimis ko na rin kasi ang bahay naming iyon. Marami pang naging tanong si Apolinario saamin. At isa na dun kung bakit daw kami pumayag na maging body guard ng Congressman eh kung tutuusin naman eh mas mayaman daw kami. Ang sinabi lang namin ay kinapos lang sa tauhan ang agency nila Daddy Philip kaya napilitan kaming gawin ito at isa pa mabuting tao daw ang Congresman kaya di na namin ito tinangghan pagkatapos nito back to work naman na kami sa company, at isa pa We can't say no to old friend, na ang tinutukoy ko ay ang asawa ni Congressman, magkaibigan daw kasi sila ni Mama Kath.

Mabuti na lang at kahit papaano ay naniwala sya. Napagkasunduan namin na sa susunod na araw na lang kami pupunta sa resort namin ipapahanda ko muna yun kay Mommy siya kasi ang nag aalaga sa mga minana ko kay Papa.

Nauna saamin na umuwi sina Sean at Shone. Umupo muna kami ni Tobby sa bench malapit sa bahay.

"Bakit?di ka ba sasali sa dalawa?"tanong ko sakanya.

"Mamaya na, I can't drink when I'm full."aniya saka sinandal ang ulo niya sa balikat.

Mahina kong tinapik ang mukha niya pero hinuli niya ang kamay ko saka nilaro ang mga daliri ko.

"Ash....."tawag niya saakin.

"Hm?"sagot ko saka ko siya tinignan. Pero siya ay nakapako lang ang tingin sa mga daliri kong nilalaro niya. Huminga siya ng malalim.

"Hey?is there a problem?"tanong ko pa ulit. Kapag mga ganitong eksena pa naman kinakabahan ako. ano to makikipagbreak na siya saakin?just like what Cris did to me? Sumikip bigla ang dibdib ko sa naisip ko.

"May sasa---"

"Are you breaking up with me?"putol ko sa sasabihin niya.

"No! Of course not! You don't know ho happy I am dahil pumayag kang maging girlfriend ko. I've been dreaming for this to happen for years, papakawalan ko pa ba?"litanya niya habang yakap yakap niya ako.

"Then what is it? Tobbias pinapakaba mo ako nakakainis ka!"wika ko saka ko siya hinampas sa likod.

"Promise me you won't break up with me."aniya saka seryoso niya akong tinitigan.

"Di kita hihiwalayan but I can't promise not to get mad, depende sa sitwasyon."saad ko saka ako umayos ng upo.

Matagal niya akong tinitigan habang hawak niya ng mahigpit ang kamay ko. Ilang beses din siyang huminga ng malalim.

"Tobby ano ba? May ginawa ka bang kasalanan?" Sa totoo lang gustong gusto ko na siya suntukin. Yung feeling na gusto mong malaman yung sasabihin niya pero dahil sa nakikita mong reaksyon niya parang ayaw mo nang alamin dahil natatakot ka.

Kung ano man yun, mas gusto kong masaktan ngayon habang kaya ko pa kesa naman patagalin ko pa baka di ko na makayanan yung sakit.

Does Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon