Pagdating nila sa loob ng restaurant ay nakita niyag nakaupo sila Devine sa pang apatang tao lamang.
Pumuwesto sila ni Tobby kung saan naroon si Jadine. Nakasimangot ito habang nakaupo sa katapat lang ng upuan nila Devine.
"Bakit di ka tumabi kay Bayani?"tumatawang tanong ni Tobby na ang tinutukoy nito ay si Apolinario.
"Hmp! Sabi ba naman niya nung uupo ako sa tabi niya "you can sit over there!" kainis! Akala mo kung sinong gwapo."ani Jadine saka umirap.
"Eh di ba nga gwapong gwapo ka sakanya?"bulong niya sa kapatid saka tumawa.
"Kanina yun, di na ngayon. Hay naku tara na nga nawalan ako ng gana,"ani Jadine saka ito tumayo.
Bago pa ito tuluyang lumabas ay huminto muna ito sa tapat ni Apolinario. Napangiti na lang siya nang ismiran ni Jadine ang lalaki.
ASHLEY'S POV
Naiiling na lang kami ni Tobby na sumunod sakanya. Pero di pa man kami nakakahakbang ay tinawag kami ni Devine.
"Ate! Where are you going?"nakangiti niyang tanong saamin. Samantalang ang tyuhin nila ay abala sa pamimili ng pagkain.
"S----------"di na niya naituloy ang sasabihin niya nang magsalita si Apolinario.
"Devine, don't mind them, if they want to leave,let them go that's their choice....."anang Tiyuhin niya.
"B--------"
"Are you done choosing your food? I'm hungry....."putol naman niya sa sasabihin ng pamangkin niya.
"Oo nga naman Devine don't worry, incase na magutom kami We can afford to buy whatever We wanna eat. We'll just wait for you guys outside."saad ko saka pilit ko siyang nginitian.
"O-----okay"sagot niya saka tumingin sa tiyuhin, gusto niya sigurong magtanong pero natatakot siya sa Tiyuhin.
Tahimik naman kaming naglakad ni Tobby palabas. Pagdating namin sa labas ay dumiretcho kami sa sasakyan.
"asan si Jadine?"tanong ko kay Tobby.
"May binibili lang sandali." Dinig kong sagot ni Jadine mula sa earpiece ko
"Anong binibili mo?"tanong ko pero di na siya sumagot.
Ilang sandali lang ay nakita ko na siya may dalang tatlong softdrinks na nakaplastic na. Sa kabilang kamay niya ay may sigarilyong nangangalahati na. Sa ilang araw ko siyang nakasama ngayon ko lang siya nakitang nanigarilyo.
"Kelan ka pa naninigarilyo?"tanong ko sakanya.
"Matagal na, duh!what do you expect?"aniyang pinaikot pa ang mata niya saka tinuloy ang paninigarilyo.
"Joke! Di naman palagi,once in a blue moon lang. pag lang naiinis ako o kaya galit ako.tsaka di alam to ni Mommy ha."aniya saka ngumiti.
Naiiling na lang akong tumatawa habang tinitignan ko siyang humihithit sa sigarilyong hawak niya.
"Do you have an extra?"nakangiti kong tanong sakanya.
"You smoke too?"di makapaniwalang tanong niya saakin.
Saka niya iniabot saakin ang isa pa niyang hawak. Akmang sisindihan ko na ang hawak ko nang biglang magsalita si Tobby.
"Hey!------"
"What! Wag kang KJ! ngayon lang!"magkasabay naming turan ni Jadine, di na namin pinatapos si Tobby sa sasabihin niya.
"Tssss.... I was just about to ask if you also have an extra for me!"aniya.
BINABASA MO ANG
Does Love Enough?
RomanceLumaki man siya sa kalinga ng di tunay na ina pero busog siya sa pagmamahal nito kasama ng nakapaligid sakanya she knew she loved by everyone around her kaya lumaki siyang maayos Halos lahat nasa kanya na Until one day they found out that her real f...