Di niya alam kung gaano katagal nilang pinagsaluhan ang halik na iyon.pero natapos ang halik ng hindi niya alam kung anong ginawa niya,dahil nang haplusin ng mainit na palad ni Tobby ang likod niya ay parang may multong dumaan dahil nagtayuan lahat ng balahibo niya.
Parehas pa silang nagulat nang biglang may kumalabog sa kwarto nila. Walang anu ano'y lumabas si Jadine sa kwarto nila. Naiiling naman na sinundan ni Tobby ng tingin si Jadine nang dumaan ito sa harap nila at kumuha ng cup.
"Tsss.....sarap ng magkape!"saad ni Jadine saka nito kinuha ang cup na hawak kanina ni Tobby.
Kumuha siya ng sliced bread,nilagyan niya ng butter saka ito nilagay sa oven toaster. Pagkatapos ay nagprito siya ng itlog at bacon.
Gumawa din siya ng tuna sandwich para sa mga kakambal niya, dahil ito madalas ang kainin nila Shone at Sean. Nang matapos niyang gawin lahat ng iyon ay nilapag niya ito lahat sa lamesa.
Pagkatapos ay nagtimpla na siya ng kape saka niya iniabot ang mga cup sakanila ni Tobby.
Kumuha lang siya ng dalawang pirasong toasted bread at isang itlog saka binitbit ang kape palayo sakanila.
"Mag almusal muna kayo, and let me remind you guys CCTV's are everywhere."anya bago tuluyang pumasok sa kwarto kung saan naroon ang mga monitor na pinagkokonekan ng mga CCTV.
Pulang pula naman ang mukha niya sa sobrang hiya dahil sa sinabi ng kapatid. Kung bakit kasi nakalimutan nilang may mga CCTV nga pala dun.
Ganon na ba talaga siya kasabik sa halik?
Nainis pa siyang lalo nang makita niya nakangiting nakatitig lang sakanya si Tobby. Inis niyang tinalikuran ito saka tinungo ang kwarto pero di pa man siya nakakapasok ay biglang nagsalita si Jadine.
"Yung kape niyo lalamig na.....sayang effort ko."aniya saka sinara ulit yung pintuan. Siguro ay pinapanood sila ng kapatid sa mga monitor doon.
Di niya alam kung inaasar lang ba talaga siya ng kapatid o wala lang talaga itong magawa.
"Oo nga naman sayang yung effort niya....."sang ayon naman ni Tobby saka ito tuluyan nang tumawa.
"Ewan ko sayo!bakit ka kasi nang hahalik?!"aniya saka niya ito hinampas sa braso.
"eh di ba huminga ka ng kiss?di ko naman kayang tanggihan yun."bulong sakanya ni Tobby.
Parang feeling niya tuluyan nang umakyat lahat ng dugo niya sa pisngi niya, ramdam na rin niya ang pag init ng pisngi niya kaya alam niyang pulang pula na siya.
Nagulat pa siya ng yakapin siya ni Tobby ng mahigpit. Nararamdaman niya rin na umuuga ang balikat nito kaya alam niyang tumatawa ito. Kukurutin niya sana ito pero di na lang niya tinuloy.yumakap na lang din siya ng mahigpit dito.
"Ngayon sigurado na akong babae ka."ani Tobby.
"Do I look like a gay?"seryoso niyang tanong.
Umiling lang ang binata saka siya hinawakan sa magkabilang pisngi.
"Bagay mo pala magblush?you're even more beautiful when you blush, sana araw araw ganon."wika niya.
She felt fluttered at his remark, nakatulong din ang pahayag na iyon ng binata sakanya para mabawasan ang pamumula ng pisngi niya.
"Let's eat...."saad niya, pagkatapos ay iginiya na siya nito palapit sa lamesa.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na siya sa kwarto nila ni Jadine para maligo.
Pagdating nila sa airport ay ay naroon na si Apolinario, ayon sakanya ay kakarating lang niya. Sina Driph, BK, at Harris ang lihim na susunod sa mag asawa hanggang s Manila. Pagdating dun ay may sasamang dalawang agent na galing sa agency ng Daddy Philip niya.
BINABASA MO ANG
Does Love Enough?
RomanceLumaki man siya sa kalinga ng di tunay na ina pero busog siya sa pagmamahal nito kasama ng nakapaligid sakanya she knew she loved by everyone around her kaya lumaki siyang maayos Halos lahat nasa kanya na Until one day they found out that her real f...