Maliwanag na nang bumigay ang talukap niya kaya tinanghali siya ng gising. Di niya rin isinara kagabi ang pintuan ng kwarto niya bago natulog sa pag aakalang baka umuwi si Jadine kaya rinig na rinig niya ang ingay na nag mumula sa labas.
Pupungas pungas siyang bumangon saka sumilip sa labas gamit lang ang isang mata niya dahil ang isa pa niyang mata ay nakapikit pa.
"Goodmorning my sunshine!......"bati sakanya ni Tobby saka siya hinagkan sa pisngi.
Tila nawala yata ang antok niya lalo na nang biglang sumulpot si Jadine saka nito sinipa si Tobby kaya napaluhod ito.
"YBAB!"sigaw ni Tobby pero tinignan lang siya ni Jadine saka siya tinaasan nito ng kilay bago nagsalita.
"Yuck! Nakakadiri ka talaga ang corny mo!" Ani Jadine saka ito dire diretsong pumasok sa kwarto nila.
"Jadine, I'm sorry....."bulong ni Ashley sabay hawak niya sa kamay nito.
"Kung ano man ang nangyari,tapos na yun wag na natin ulit uliting balikan o isipin kasi patuloy lang tayong masasaktan,"sagot ng kapatid.
"Kumusta yung sugat mo?"tanong niya ulit
"Okay na"sagot niya saka pinakita pa nito ang natahing sugat.
"Ash,pinapatawag pala tayo ni Congressman"ani Tobby
"Okay,maliligo lang ako"aniya
Gusto pa sana niyang kausapin si Jadine pero nakita niya na itong humiga saka tumalikod sakanila.
Nagtataka man kung bakit sila pinapatawag ng Congressman ay di na siya nag abalang magtanong. Mabilis niyang inihanda ang damit na isusuot bago naligo.
Pagkatapos niyang naligo at magbihis ay lumabas na siya sa kwarto.di na din niya ginising ang kapatid na mahimbing nang natutulog.
ASHLEY'S POV
Dumiretso kaming apat sa office ng congressman.Nakasalubong pa naming sa hallway si Denver pero tumingin lang siya saamin saka siya bumaba.
Iniisip ko yung dahilan ng pagtawag saamin dito, di kaya paalisin na kami dahil sa ginawa namin kahapon?.
"May part two kaya yung galit ni Congressman?"bulong ni Shone kay Sean
"Tingin mo?"balik tanong naman sakanya ni Sean sabay iling sa kakambal.
"Tingin ko mas masaya kung andito yung apat para kasama natin silang nakikita ang galit ni Congressman"ani Shone saka ito dinugtungan ng tawa
"Sa tingin mo tatablan yung mga yun?baka mahighblood pa si Congressman"singit naman ni Tobby.
Natatawa man ako sa mga pinagsasabi ng mga kasama ay sinaway ko pa rin sila baka may makarinig sakanila lalong madagdagan ang galit ng Congressman.
"Shh!kalalaki niyong tao mga backstabber kayo!"mahina pero madiin kong wika.
Mabuti na lang at di namin kasama si Jadine,kung hindi baka isa rin yun sa nakikipagbulungan.
Pagdating namin sa harap ng pintuan ng nasabing office ng Congressman ay kumatok na si Tobby.
Pagpasok namin ay pinaupo na agad kami.
"Where is Jadine?"tanong niya agad na nakatingin saakin
"Di na po namin sinama nagpapahinga lang po siya.ininda niya po kasi yung sugat niya kagabi kaya di siya masyadong nakatulog."paliwanag ko kahit na di ko naman talaga alam kung ano talaga ang nangyari sakanya kagabi pagkatapos ng pagtatalo namin.
"How is she?"tanong niya ulit
"She's fine Sir, She only need a rest"sagot ko.
"That's good to hear,anyway, kaya ko kayo pinatawag dahil may sasabihin akong importante"anang Ginoo saka niya kami isa-isang pinasadahan ng tingin.
BINABASA MO ANG
Does Love Enough?
RomanceLumaki man siya sa kalinga ng di tunay na ina pero busog siya sa pagmamahal nito kasama ng nakapaligid sakanya she knew she loved by everyone around her kaya lumaki siyang maayos Halos lahat nasa kanya na Until one day they found out that her real f...