Kinabukasan ay maaga siyang nagising para sana bago man lang umalis si Jadine ay makita niya ito pero wala na ito sa tabi niya. Tinignan niya ang oras alas syete pa lang naman. Bakit sobrang aga naman yatang umalis ng kapatid tapos di man lang niya ito naramdaman.
Kagabi kasi nauna din si Jadine na natulog sakanilang lahat. Pagkatapos makipag usap sa phone niya ay di na niya binalikan yung iniwan niyang inumin. Ang alam lang nila may kukunin lang ito pero di na to bumalik. Nang hanapin niya ito sa loob nakita niya na lang nakatulog na ito sa kwarto nila.
Sabi pa nga ni Sean di pa daw lasing ang kakambal niya dahil nagawa pa nitong magshower muna bago matulog. Natawa pa silang lahat dahil parang bata si Jadine na nakasiksik sa kabilang gilid ng bed. Gustong gusto niyang yakapin ang kapatid pero natatakot siyang baka maistorbo ito kaya natulog siyang nakatalikod dito.
Lumabas siya ng bahay para magbakasakaling makita niya dun ang kapatid pero wala din ito dun. Sumilip siya sa kwarto nila Sean pero nakitang niyang mahimbing pa ring natutulog yung dalawa.
Papunta na sana siya sa kwarto ni Tobby nang biglang may yumakap sa likod niya. Kung di lng niya kabisado ang amoy ng pabango ni Tobby, bumaliktad na ito.
"Goodmorning my beautiful Sunshine,"bati sakanya nito. Nakagawian na nitong tawagin siyang Sunshine ni Tobby. Nakokornihan siya pero natutuwa naman siya.
Ginawaran agad siya nito halik sa labi nang iharap siya nito, it was just a smack but it tastes so sweet.
"Have you seen Jadine?"tanong niya agad nang igiya siya nito papunta sa sa sala.
"Umalis na, hinatid ko siya"sagot naman ni Tobby.
"Bakit ikaw ang naghatid? Bakit di niya na lang ako ginising?o kaya sila Sean,."aniyang nakatitig sa binata.
"Hey, are you jealous again?"nakangiting tanong sakanya ni Tobby.
"Dapat ba akong magselos?"balik tanong niya.
ASHLEY'S POV
Di ko alam kung bakit lumabas ang mga katagang iyon. May dapat nga ba talaga akong ikaselos? Alam kong mali at di tama na pagselosan si Jadine pero di ko alam. Pwede naman talaga kasing ako o yung kakambal niya na lang ang maghahatid sakanya,bakit si Tobby pa?
"Really?you're jealous?"nakangiti niya pa ring tanong.
"Tuwang tuwa ka no?"inis kong sabi saka ko siya tinalikuran. Bumalik ako sa kwarto namin ni Jadine para matulog ulit. Ano kayang nakakatuwa sa pagseselos? Nakakainis kaya yun.
Selos? Am I really jealous to Jadine? Tama ba iyon?normal ba iyon na pagselosan ko siya? Is there something to be jealous of?
Nagulat ako nang humiga ako sa higaan ay tumabi saakin si Tobby.
"Lumabas ka nga dun! Mamaya nakita nanaman tayo sa CCTV pagtawanan nanaman nila ako " saad ko pero sa halip na sundin niya ako ay yumakap pa siya saakin saka siniksik yung mukha niya sa batok ko.
"Matulog tayo ulit inaantok pa ako."bulong niya saakin.
"Sino ba kasing nagsabi sayong gumising ng maaga?" Wika ko.
"nataon lang na nagising ako kanina kasi tumawag yung pinsan ko,tapos naramdaman kong may kaluskos so I went out to check kung sino yun,nakita ko si Jadine paalis na kaya nagmagandang loob lang ako, ayaw nga sana nung bata magpahatid pinagalitan ko lang. Broken hearted pala kaya nagkakaganon siya."litanya ni Tobby.
Nacurious tuloy ako, sabi ko na eh may problema yung kapatid ko nakikita ko sa mata niya kahit anong pilit niyang ngumiti may something sa mata niya.
BINABASA MO ANG
Does Love Enough?
RomanceLumaki man siya sa kalinga ng di tunay na ina pero busog siya sa pagmamahal nito kasama ng nakapaligid sakanya she knew she loved by everyone around her kaya lumaki siyang maayos Halos lahat nasa kanya na Until one day they found out that her real f...