Tumagal sila ng halos tatlong oras sa pamimili ng mga gamit ni Tobby,di sa mapili ang binata kundi siya ay natagalan sa pamimili ng gamit niya. Mabuti na lang at matiyaga siyang tinutulungan ni Tobby sa pamimili ng damit.
Ilang piraso lang ang nabili niya pero ang tagal nilang nag stay s women's section, ang mall kasi na pinuntahan nila ay maliit lang kumpara samga mall sa metro manila,pero ito na ang pinaka malaking mall sa kabankalan.
ASHLEY'S POV
"Halika na kain muna tayo" yaya saakin ni Tobby mukhang nagutom siya kahihintay saakin,
"Tara, pasensiya ka na ha nagutom ka tuloy kahihintay saakin"nahihiyang wika ko.
"halika na, bukas subukan natin magpaalam punta na lang tayo bacolod"aniya ng nakangiti. napakunot noo tuloy ako
"Kelan pa kayo naging close ni Congressman?"tanong ko,makapagplano siya parang siguradong papayagan ah.
Pero imbes na sagutin niya ang tanong ko ay nagkibit balikat lang siya. Pumasok kami sa isang kainan,siya na rin ang umorder ng pagkain namin,pagkatapos namin kumain ay umalis na rin kami agad.
Papalabas na kami ng mall nang magring ang phone niya,
"Sandali lang ha kausapin ko lang to"aniya
Habang nakikipag usap siya sa phone niya ay mga mga babaeng napapatingin sakanya tapos kala mo kinikilig na ewan yung mga babae
"Duh! Sorry girls but he's with me" bulong ko.
Kainis lang yung isang babae dahil huminto pa talaga siya sa harap ni Tobby saka nakangiti,
"Halah!adik lang teh?"
Medyo nailang yata si Tobby kaya lumapit siya sakin saka pilit na ngumiti dun sa babae,
"Tara na,"bulong sakin ni Tobby saka ako hinawakan sa braso. Pero yung babae nakasunod pa rin saamin na parang may gustong sabihin. Kaya huminto na lang ako para tanungin kung bakit siya nakangiting sumusunod saamin na parang lutang.
"Miss, bakit?"tanong ko sakanya nagulat yata siya nang tumayo ako sa harap niya
"Ah......eh.......p------pwedeng magpapicture sakanya?"tanong niya na parang nahihiya pa.
"Bakit?di naman yan artista?"kunot noong tanong ko
"Kamukhang kamukha niya kasi yung crush na crush ko si LEE JOON GI yung korean na bida s scarlet heart?"paliwanag niya eh kahit anong explain niya kung di ko naman kilala yun wala rin.nakatingin lang ako habang nagsasalita siya,
"Di mo siya kilala?"tila nadidismaya niyang tanong,napilitan ako ngumiti saka umiling sakanya. Nawala yatang bigla yung inis ko sakanya kanina,
"Eto siya o,"aniya saka pinakita niya saakin yung wallpaper ng phone niya, nagulat ako nang tignan ko ang nasa phone niya, kinuha ko pa nga yung phone niya tapos nilapit kay Tobby, pinaglipat lipat ko ang tingin ko sa phone at kay Tobby saka ako ngumiti
"Tobby, kamukha mo nga siya o mas maputi lang siya pero kamukhang kamukha mo siya" wika ko kay Tobby habang pinapakita ko yung phone sakanya.
Saglit lang itong tinignan saka kinuha yung phone tapos binalik sa babaeng ngiting ngiti pa rin na nakatitig kay Tobby.
"Mas gwapo ako diyan" aniya, pagkatapos niya isoli yung phone sa babae ay hinawakan niya na ako sa kamay saka ako hinila
"K---kuya sandali!"tawag saamin ng babae pero dirediretso lang si Tobby kaya hinawakan ko siya sa kamay para huminto din siya.kawawa naman kasi.
"Sandali lang Tobby pagbigyan mo na yung babae kahit isang picture lang,ito naman ang sungit mo"saway ko sakanya
"Dumating na daw sila Driph, uunahin pa ba natin yun"katwiran niya, kaya pala nagmamadali siya.
"sandali lang naman"pagpupumilit ko naawa lang talaga ako sa babae
"Di ka ba nagseselos?"biglang tanong niya saakin,saka niya ako tinitigan sa mata ng nakasimangot,
"Eh?..... ewan ko sayo! Halika na pagbigyan mo na yung bata"saka ko siya hinila palapit sa babae,sa tanitiya ko bata pa naman talaga siguro second year college pa lang siya.
Napakamot na lang siya sa batok niya saka ako sinamaan ng tingin.
"O Miss smile......."wika ko sakanilang dalawa ngiting ngiti yung babae pero si Tobby walang karea reaksiyon.
Pagkatapos ko silang picturan ay sinoli ko na yung phone ng babae
"Pasensiya ka na Miss ha, takot kasi yan sa camera"nakangiti kong sabi
"Okay lang po salamat, bagay kayong dalawa. Ang cool mong girlfriend." aniya saka tumalikod na, ako naman ay bahagyang nagulat sa sinabi niya.
Gusto kong itama yung maling akala niya pero bakit may part saakin na ayoko kasi natutuwa ako, tulala kong pinagmasdan ang likod ng babae na papalayo na saamin.
Nagulat ako nang bigla akong hawakan ni Tobby sa kamay, nang tignan ko siya ngiting ngiti na, kunot noo ko siyang tinignan.
"Baliw!"umiiling kong turan sakanya,kanina lang nakasimangot siya.
"Sayo....."bulong naman niya saakin, saka siya tumatawang iginiya ako papunta sa sasakyan namin, abnormal yata tong lalaking to,
Dumiretso kami sa lugar kung saan tumuloy sina Driph, nasa tapat lang ito ng bahay ng mga Lizares, isa ito sa mga bahay na pag aari nila Tito Tuck.
Pagdating namin ay dumiretso na kami sa loob, at dahil gabi na ay nadatnan namin silang kumakain ng hapunan. Agad na lumapit sakanila si Tobby ako naman ay umupo sa sala para magpahinga.
"pinabibigay ni Sean"ani Driph sabay abot sakin ng usb, agad ko namang nilagay yun sa bag ko, sumunod na rin na umupo sila BK, Kyler at Harris sa harap ko si Tobby naman ay tumabi saakin.
Binigay namin kay BK yung phone na kung saan nakakonekta yung cctv ng school ng magkapatid.
"Maglagay ka din ng cctv sa bahay nila na tayo lang ang nakakaalam dahil mukhang may tauhan ang kalaban ni Congressman sa loob ng pamamahay niya."wika ko na tinanguan naman niya,
Pagkatapos namin pag usapan ang mga gagawin ay biglang nagsalita si Harris.
"Si Capt talaga kararating lang namin trabaho na agad, di ka na nagbago magpahinga ka naman,"ani Harris saka ito tumayo pumunta ito sa kusina pagbalik niya ay may bitbit na ito limang bote ng beer.
"Ano ba yan Harris kakatapos niyo lang kumain"saway ko sakanya pero tinawanan lang ako ng loko kong pinsan
"Konti lang kinain namin diet kami baka mawala yung abs namin" ani Kyler saka inangat pa nito ang suot na tshirt, pero inirapan ko lang siya,alam ko naman na may abs sila.
"Tengene Ky!aapat yang aabs mo pinagyayabang mo na,"ani BK sabay bato sakanya unan na maliit
"Yabang ah!bakit ikaw?apat lang din naman sayo ah!"ani Kyler sabay bato din ng unan na maliit.
"Kaya nga di niya nilalabas eh" tumatawang hayag din ni Driph
"Ewan ko sainyo!pare parehas lang naman kayo"natatawa kong turan sakanila
"Hindi ah!"sabay sabay nilang wika
"Marami yung sakanya" ani Harris sakaitinro si Tobby naiiling naman siyang binato nito ng hawak na unan
"Talaga?ilan?bilangin natin"pagbibiro ko pero bigla na lang pumula yung tenga niya,ano yun?nahiya siya o kinilig siya?hehe joke lang naman kasi yun eh,
Sabay sabay naman na tumawa yung apat,naiiling na lang siyang nakitawa.
"Sayang andito din sana yung triplets, busy lang kasi sa school"ani Driph
"Oo nga eh,"sang ayon naman ni Tobby
"Ewan ko sainyo,Tobby bilisan mo ubusin yan para makauwi na tayo"wika ko
"Ayos ah..... daig pa asawa kung mag utos si Capt, tsk!tsk!tsk! Kaya ayoko ng commitment eh"ani Harris
"Gago!"bulyaw ko sakanya, pero sa totoo lang nahiya ako dun ha,oo nga sumobra ako dun ah, yan tuloy pinagtatawanan nila ako.
Bago kami umuwi ni Tobby ay pinagtatawanan pa rin nila ako, hanggang makarating kami sa bahay ay di natanggal ang ngiti sa labi ni Tobby.
BINABASA MO ANG
Does Love Enough?
RomanceLumaki man siya sa kalinga ng di tunay na ina pero busog siya sa pagmamahal nito kasama ng nakapaligid sakanya she knew she loved by everyone around her kaya lumaki siyang maayos Halos lahat nasa kanya na Until one day they found out that her real f...