ASHLEY'S POV
Pagkatapos namin makipag usap sa mag asawang Lizares ay pinakain nila kami saka kami dinala sa bahay na nasa tabi lang ng mansiy0n kung saan nar0on lahat ng mga kailangan namin,narito din ang mga m0nit0r kung saan makikita namin lahat ng mga nangyayari sa loob ng bahay pati na rin sa bakuran,
"Nilagay ko na sa kwarto mo yung mga gamit mo, pwede ka ng magpahinga"wika saakin ni Tobby ito pa lang ang pinakamahaba niyang sinabi mula ng dumating kami, kanina kasi halos ayaw niya akong tignan,sa tuwing kakausapin ko siya iiling o tatango lang siya, o kaya naman ay oo at hindi lang ang isasagot niya.
"Salamat,ikaw? Di ka ba magpapahinga muna?"nakangiti ko pang sabi sakanya,gusto kong magsorry pero para saan?may ginawa ba akong mali? Kasalanan ko ba kung takot siya sa multo? Di ko naman alam yun eh!sana kasi may nag inform saakin,
"Hindi naman ako napagod, sige"sabi niya tapos humakbang na siya,
"S--sandali! Sorry....."mahinang sambit ko pero sapat na para marinig niya,imposible naman kung di niya maririnig yun, bigla naman siya huminto saka huminga ng malalim, nakakastress naman pala tong taong to pag nanahimik .
"Di mo na kailangan humingi ng sorry,"
"P----pero kasi di ko naman talaga alam na-----"
"That's exactly my point!, that's why there's no need to say sorry."sabi niya saka tumalikod ulit, aba!sumusobra ka na ha!
"Ang sungit mo naman!bahala ka nga diyan sana talaga may multo dito tapos mamaya tatabi sayo sa pagtulog!"sabi ko sabay talikod saka mabilis kong tinungo ang kwarto ko
Letseng to!habang inaalo mo lalong sumusungit!multuhin ka sana!. Pero nagulat ako nang nasa harap na ako ng pintuan ng kwarto ko biglang may humawak sa kamay ko tapos hinila niya ako saka niyakap ng mahigpit, sumubsob tuloy ako sa dibdib niya. Ang bango talaga niya!....
"Pwede bang tigilan mo yung kakasalita mo tungkol sa multo?"bulong niya habang nakayakap pa rin siya saakin, sinubukan kong itulak siya pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya saakin.
"Yung totoo Tobby? Takot ka ba talaga sa multo o gusto mo lang akong yakapin?kasi sa totoo lang nakakarami ka na ha!"saka ko siya tinignan sa mata dahan dahan naman niya akong binitawan tapos pinagsalubong pa niya ang kilay niya,
"Can you just please! Please stop talking about ghost? for Pete's sake!"aniya sabay hipo niya sa batok niya, inis akong humakbang paatras para makalayo sa mabango niyang dibdib,
"Ayon!ikaw na nga nakikiusap ikaw pa galit!ang sungit sungit mo!"wika ko,kung di lang ako naawa sa itsura niya talaga tatakutin ko pa siya lalo eh,damulag na to!
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang bigla siyang magsasalita, yung mas malumanay na.
"I'm sorry.....I had a bad experience about ghost kaya takot ako"pahaya niya, lumamlam na din ang mata niya habang nakatingin saakin, unti unti nanamang nawala ang inis ko sakanya kaya inirapan ko siya,
"sorry talaga,pero di ako masungit,"dugtong pa niya,nang tignan ko siya ay nakangiti na siya ulit,yung ngiting tagumpay laban sa multo!joke!
"Bakit nakakita ka na ba ng multo?ako kasi hindi kaya di ako naniniwala, kaya ikaw wag kang matakot sa multo"wika ko
Magsasalita pa sana siya nang biglang may sumulpot na lalaki at base sa ayos niya ay isa sa mga bodyguard ng congressman
"Pinapabigay ni congressman"aniya sabay abot ng folder,agad naman itong kinuha ni Tobby
"salamat"sabay pa naming turan sakanya, tumango lang siya saka tumalikod na ulit,bago pa siya lumabas ng pintuan ay lumingon pa siya saamin saka tuluyang lumabas
BINABASA MO ANG
Does Love Enough?
RomanceLumaki man siya sa kalinga ng di tunay na ina pero busog siya sa pagmamahal nito kasama ng nakapaligid sakanya she knew she loved by everyone around her kaya lumaki siyang maayos Halos lahat nasa kanya na Until one day they found out that her real f...