Chapter 5 My Saviour

523 21 0
                                    

Mary Jale's P.O.V.
Gigisingin  ko na sila Bes Rhaiza at Mishelle. Grabe anong oras na hindi parin sila gumigising. Pero nung pumunta ako sa mga kwarto nila aba wala na yung dalawa iniwan na pala ako. Langya talaga.Naligo na lang ako at nagbihis.

Bumaba na ako at dahil sa malelate na ako kumuha na lang ako ng sandwich at juice. Sa school ko na lang ako kakain ng meal talaga. All right. It's another day to slay. Pero bakit parang ansama ng kutob ko.

---

Nangmakarating ako sa school nakita ko sila Bes na nag hihintay saakin sa tapat ng classroom. Halata sa mga mukha nila ang stress at pagod with matching nayayamot na face.
Ilang yapak na lang bago ako makakapunta sa kinatatayuan nila kaso sa di ko malaman na dahilan ay sinalubong nila ako.

"Oh. Bat ganyan mga mukha nyo? Halos di na maipinta." Ani ko sa dalawang babae na parang may nakitang multo dahil sa mukha nilang halos di na maipinta.

"Bes bad news. Andito yung babae ng ex mo." Ani ni Rhaiza na may halong pag aalinlangan sa boses niya. Hindi ko naman siya masisisi. My bestfriends know how traumatised I was before nandahil sa haliparot na yun.

"Who cares. She can stay for as long she wants." Seryoso kong sagot sakanilang dalawa bago ko sila inaya na pumasok sa classroom namin.

Speaking of the devil.

What a surprise. Pagpasok na pagpasok pa lang namin, mukha na agad ng hipon ang sumalubong saamin.
Sama ng tingin niya besh. Parang lalabas na mata niya eh. Pero syempre di tayo magpapatalo. Staring contest ba ang hanap mo. Pwes heto ang sayo. I gave her my deadliest stare with matching eye roll as we passed by her.
Grabe kung nakita nyo lang yung mukha niya. Baka matawa kayo ng sobra.

"Good morning class. I guess alam nyo na siguro na may bago tayong student. Ms. Perez please introduce yourself." Bati ng teacher namin. Agad namang nabaling ang lahat ng attention ng classmates namin sa hipon sa unahan.

"Hi everyone I'm Natalie Sofia Perez. I'm 18 yrs.old. It's a pleasure to meet all of you. I hope we can all be friends,  especially you Ms. Gomez." Punyeta talaga. Nangaasar ba siya?
May death wish ata siya eh. Oh but I'd be happy to oblige.

"It seems that you are familiar with each other.  If so I will leave you to Ms. Gomez for now. Siya ang mag to-tour sayo dito sa school namin. You may take your seat next to Mr. Veran. He is  absent today but you can meet him tomorrow." Ani ng teacher namin kay Hipon.

Ano daw?!

Tour guide?! Ako??
Kapag ikaw nga naman minamalas. Ang sarap iligaw sa campus. Letche. Anyways focus muna tayo sa klase.
Nag lesson lang si ma'am sandali at nag short quiz kami afterwards. Madali lang naman kaya nasugatan ko kaagad.

"Ma'am I'm done answering my quiz paper." Pinasa ko na ang papel ko kay Ma'am para ma check na agad.

"As always Ms. Gomez. Perfect as always." Ani saakin ng teacher namin after niya ma check yung paper ko.

Uupo na sana ako sa upuan ko ng dumako ang tingin ko kay Sofia. She looked annoyed. Hay. Hindi pa din talaga siya nagbabago. Competitive as always.

May ilang minuto pa bago mag time kaya naman kinuha ko yung paborito kung libro sa bag ko at nag umpisang magbasa.

Kring!

Natigil ako sa pagbabasa nang marinig kong tumonug ang bell namin. Recess na. Ipapasok ko na sana yung libro ko sa bag nang lapitan ako ni Sofia.

She's Mine and Mine Alone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon