Chapter 31 Im pregnant!!

285 10 0
                                    

"Axel's pov"
2 weeks na simula ng ikasal kami ni Mahal at kapansin pansin naman ang mga pagbabago nito..
Lately ang sungit sungit niya na saakin tapos sa tuwing lalambingin ko siya nagagalit siya saakin. Tangina lang eh!! Hindi ako makalapit sa sarili kong asawa. She's been acting weird lately kasi ang moody niya na and sometimes nakikita ko siyang nagsusuka pero ang sasabihin niya lang okay lang siya. Masyado lang daw siyang stress sa work.

Tapos ang malala pa niyan mapili na siya sa pagkain , gusto niya sa maasim at kung minsan naman maaalat , ngayon nga eh gusto niya bilhan ko siya ng manga at hipon.
Kinukutuban na ako sa mga toh eh , di kaya dahil buntis siya?!
Sh*t kailangan ko tong alamin.
Nang matapos ako sa trabaho ko ay umuwi na ako dala dala yung supot ng manga na pinapabili niya saakin.

Hindi ko pa toh naabot sakanya nang bigla niya na lang itong kunin saakin tapos ngumiti lang siya saakin sabay takbo sa kusina. Pati nga rin sila manang eh naghihinala na sa ikinikilos ni Mahal.
Nang matapos siya sa paghanda ng kakainin niya ay dumiretso na siya sa table ay duon niya nilantakan yung binili kong manga.

Umupo na rin ako sa tabi niya habang pinagmamasdan siyang kainin yung binili ko pero makalipas ng ilang oras ay nagtatatakbo na lang ito papunta sa lababo at nagsuka.
Hinagod ko lang likod niya habang hawak hawak yung buhok niya sa side.
Nang matapos na siya ay pinainom ko siya ng tubig at tumingin ng diretso sa mga mata niya."Oh babe bakit ganyan ka makatingin saakin?" Sabihin mo nga saakin babe. Did you have your period this month?? "Uhm. Di po , why?" Sabi na nga ba eh.
Binigay ko sakanya yung pang test kung buntis ba siya o hindi .

Hindi na rin naman siya nag tanong at kinuha na lang ito sa kamay ko at nagtungo sa banyo.
Mga ilang minuto na din simula ng pumasok siya sa loob at kanina pa ako pa lakad lakad dito nang biglang bumukas yung pintuan. Agad naman akong lumapit sakanya tapos ipinakita saakin yung test and Gawd it was positive.
Laking tuwa ko lang at magkaka anak na kami kaya naman napayakap ako sakanya ng mahigpit at inumpog umpog siya ng halik.

And then I just saw myself smiling while staring at her , My Gawd she's the most beautiful girl in the world then  I lifted her ang shouted,  "im the luckiest man alive and I'm gonna have a son!!!" "son ka diyan babae to wag kang assuming" Sabi ng napakaganda kong misis , then i ran out of the house "mga kapitbahay magiging tatay na ako , mga kapitbahay magiging tatay na ako!!!"

//Third person's pov//
Masayang lumabas si Axel sa bahay nila at pinagsisigawan na magiging tatay na siya. Nag si lapitan naman ang mga kapitbahay nila at binati siya. Tuwang tuwa ang mag asawa sa kanilang nalaman at sa sobrang saya nila ay agad nilang itong ibinalita sa mga magulang at kaibigan nila na labis din ang tuwa ng malaman nila ang balita."Babe, I love you." Sabi ni Axel kay Rhiaza na abot langit ang ngiti at pag kakataong iyon ay napangiti na rin ang dalaga.

Masaya lang ang mag asawang naghaharutan at kinakausap ang isa't isa. Habang ang mga kasambahay naman nila ay labis din ang tuwa kaya naman ipinagluto nila ng masustansiyang pagkain si Rhaiza kahit na hindi naman ito palakain ng gulay ay gagawin pa din nila ito lalo na at nag dadalang tao ang alaga nila."Babe bukas ha , maaga tayong gigising para mag pa check up at bumili na rin ng mga vitamins at pagkain para sainyo ni baby." Nakangiting sabi ni Axel sa misis niyang nakahiga sa kanyang dib - dib. "Cge babe basta gisingin mo ako ng maaga." Sagot niya pabalik kay Axel.

Mga ilang minuto din ay naisipang lumabas ng mag asawa para mag lakad lakad sa park. Bigla namang kumislap ang mga mata ni Rhaiza ng makakita siya ng kwek-kwek, tempura at iba't - iba pang street foods na nahilera sa parke kaya naman dali dali etong nag martsa papunta sa isang stall ng mga kwek - kwek at gulaman na ngayon ay ikinasimangot ni Axel dahil baka hindi ito pwede sa buntis. "Babe baka mapano ka niyan , Buntis ka pa naman." Sabi nito sa asawa niya na ngayon ay nilalantakan na supot ng kwek - kwek. " Babe okay lang ako saka minsan lang naman ako kumain nito eh." Sagot nito pabalik sa nghihinayang niyang asawa. "Hay , Ano pa nga bang magagawa ko." Napa buntong hiningang sagot ng lalake.

Masayang pinagmamasdan ni Axel si Rhaiza na kumakain ng kwek - kwek kaya naman napatigil ang dalaga at labis na namula ang mukha dahil sa gawi ng kanyang asawa."Babe wag mo naman ako tingan ng ganyan , baka matunaw ako niyan eh." Sagot nito na naka yuko. " Sensiya naman Mahal ko , masyado ka kasing cute eh kaya naman I can't help but stare." Nakangiti nitong sagot pabalik sa asawa niya. Kaya naman labis na lang ang pamumula ng pisngi nito kaya lalo pa itong yumuko na ikinatawa naman ng Mister niya. "Babe naman eh , wag mo na itago iyang napakapula mong mukha kasi mas lalo kang nagiging cute." Sabi niya sa misis niya na naka yuko pa din kaya naman inangat  niya ang mukha nito at tumingin ng diretso sa mga mata niya. " I love you babe!! , Mahal na mahal kita." Sabi ni Axel ng nakatitig ito sa mata ni Rhaiza. " Mahal na mahal din po kita ." Ika naman ng babe pabalik kay Axel.

Halos madilim na din ang kalangitan kaya naman napagisipan nilang umuwi na para makakain na din sila. Tahimik lang silang nag lalakad pabalik sa bahay nila pero dahil sa napagod kakalakad ang misis niya ay binuhat niya na lang ito habang pinagmamasadan ang natutulog nitong mukha. "Manang paki handa na lang po ng pagkain namin." Maatwirdang sabi niya sa matanda at naglakad na patungo sa kwarto nila. Marahan niyang inilapag ang misis niya sa kama at agad na dumiretso sa kusina para kunin ang mga pagkaing pinahanda niya. " Sir , ito na po yung mga pagkain na ipinahanda nyo." Mahin hin na sagot ng cook nila at kinuha na ang naturang pagkain sabay akyat sa kwarto nila.

"Babe gising ka muna jan kakain muna tayo." Marahan niyang sabi sa dalaga ngunit hindi naman ito sumagot. " Hmmmm.." Yan lang ang maririnig mo mula sa sakanya. " Gigising ka ba jan Babe o hahalikan na talaga kita?" Nakangisi nitong sabi sa natutulog niyang asawa na agad namang napamulat sa sinabi niya kaya naman napatawa na lang si Axel sa gawi ng kanyang misis.

Isa - isang nilapag ni axel ang mga pagkain sa maliit na table at nag umpisa na silang kumain. Nang matapos sila ay pinaligpit ni Axel ang pinagkainan nila at tinabihan ang kanyang asawa na nakahiga sa kama nila na para bang malalim ang iniisip nito.
Pero nawala din iyun at napalitan ng ngiti na nag pawala sa kaba ni Axel. Nabigla na lang si Rhaiza ng yakapin siya ni Axel mula sa likod ay hinihimas himas ang tyan niyang hindi pa naman kalakihan. " Babe ano kayang ipapangalan natin sakanya noh?" Nakangiting tanong nito kay Rhaiza  na agad namang sinagot ni Rhaiza."Hmmm. Baby Alizhia na lang kasi sure na sure ako na girl toh." Napatawa na lang ang lalake sa sinabi ng misis niya.

Mga ilang sandali lang ay nakatulog na Rhaiza at himbing na himbing itong naka yapos sa asawa niya. Habang si Axel naman ay hinalikan ito sa noo at natulog na din.
" Sweet dream Mahal ko!! , I love you soooo much." At sa sinabi niyang yun ay natulog na silang dalawa.


To be continued....

She's Mine and Mine Alone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon