Chapter 34 Labor!!

222 8 0
                                    

"Kyle's pov"
Hindi ko alam kong ilang oras na mula ng isinugod namin si Mishelle sa loob ng Operating room. Minu-minuto akong napapatingin sa orasan ko pero parang hindi mag sink in sa utak ko anh mga lumilipas na segundo, minuto at oras. Sh*t hindi ko kakaynin yung nerbyos at frustration. Kanina pa ako palakad lakad dito habang nag hihintay ng balita mula sa magina ko.

"Kyle pwede ba mag relax ka lang? Kanina ka pa palakad lakad jan eh. Nahihilo na kami sayo!" Narinig kong puna saakin ni Rhaiza. Napatingin ako sakanila Mama at Papa at kay Tito at Tita. Lahat sila tahimik na nakupo sa tapat ng operating room habang ako kanina pa palakad-lakad.

"Paano ako mag rerelax kung hindi ako sigurado na okay lang ba si Mishelle sa loob?!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na si Rhaiza na kanina pa ako pinapakalma. Sa tingin niya kaya kong kumalma sa mga oras na toh?!
Sa tingin niya kaya kong kumalma habang nag hihintay ng balita kung kamusta na si Mishelle at ang baby namin?

"Magiging okay lang si Mishelle , kaya huminahon ka na jan Kyle. Trust me kaya yan ng bestfriend namin!." Pagsagot naman ni Mj na bakas din sa mukha ang pag aalala kaya naman etong si James todo din ang pagpapakalma sa Fiance niya.

"Anak ikalma mo yang sarili mo!" Hinawakan ni Papa ang balikat ko.
Tumingin ako sakanya at hindi nahiyang ipakita ang mukha kong punong-puno na ng mga luha." Hindi makakatulong kung magiging ganyan ka sa oras na toh. May magagawa ka naman anak eh. Magdasal ka sa panginoon."

Kitang kita ko ang mga mukha nilang nag aalala pero hindi sila nag papakita ng kahinaan. Tama nga sila. Kailangan kong mag tiwala kay Mishelle. Alam kong kakayanin toh ng Prinsesa ko.

Kaya mo yan Mishelle. Andito lang kaming lahat na nagmamahal sayo. Hindi man kita mahatian sa sakit na nararamdaman mo sa mga oras na toh , pangako hindi kita hahayaang mag isa. Kakayanin nating dalawa to prinsesa ko. Tiwala lang Mishelle. Tiwala lang.

Umupo na lang ako at taimtim na nagdasal sa panginoong may kapal na sana makayanan ni Mishelle ang nangyayari ngayon. Habang nakayuko , bigla kong narinig na bumukas ang pintuan ng operating room at lumabas ang doctor na naka assign kay Mishelle na magpaanak.

Doc , anong balita? Kamusta po ang asawa at anak ko?.
Tumayo ako agad at tinanong si Doc.

"Nahihirapan ang pasyente na ilabas ang baby sa loob. Masyadong mataba ang bata." Sabi ng doctor. Sh*t paano na toh?!

"So anong gagawin natin, Doc?" Tanong ni Tita na Mama ni Mishelle kay Doc.

"I suggest na help her to push. Give her a support. Sinong pwedeng sumama sa inyo sa loob?"

Lahat sila tumingin sa akin. Ako po Doc. Ako po ang asawa ni Mishelle. Tinaas ko pa ang kamay ko na akala mo nag piprisinta.

" Okay let's go."

Ngumiti si Doc saakin habang sinuot ang gloves niya. Pumasok kami sa loob ng operating room at pinasuot ako ng kulay green na ospital gown na katulad ng suot ni Mishelle. Napatingin agad ako sakanya na nakahiga sa isang kama habang naka spread ang mga legs niya. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang mga kamay niya.

Mishelle kaya mo yan. Andito na ako. Hindi kita iiwan. Kakayanin natin toh. Pinisil ko pa ang kamay niya. Hinang - hina na tumingin saakin si Mishelle. Kitang kita ko sa mga mata niya na nahihirapan na siya sa sitwasyon niya. Mas lalo kong pinisil ang kamay na hawak hawak ko at pinipigilang mag maluha sa nakikita ko.

Hindi dapat ako magpakita ng kahinaan kay Mishelle ngayon. Kailangan ipakita ko kay Mishelle na malakas ako para mas lumakas ang loob niya.
"Mr. Monterde , I suggest na pumusisyon ka sa likuran ni Mishelle and help her to push." Suggest ni Doc.

Umakyat ako ng kama at pumusisyon sa likudan ni Mishelle. Nilagay ko yung dalawang kamay ni Mishelle around my neck tapos humawak naman ako sa tyan niya. Ramdam na ramdam ko ang panlalata at panghihina ni Mishelle habang umiiri siya. Parang hindi niya kakayanin ang sakit na nararanasan niya.

"Mrs. Monterde. Push more plss."

"Ahhhhhhhhh!!!" Mishelle screamed in pain. Bawat sigaw na ginagawa ni Mishelle parang binibiyak yung puso ko. Hindi ko na mapigilan anh luha ko na tumulo at dumaloy sa mga pisngi ko. T*angina!! Bakit ba ang iyakin mo ngayon Kyle?!
Hindi ka na nga nakakatulong sa pinagdadaanan ni Mishelle iiyak ka pa.

Mishelle, Kaunting iri pa kaya mo yan. Hindi kita iiwan . Andito lang ako , lalaban tayo ah. Humigpit ang mga hawak niya sa leeg ko sa mga iring ginagawa niya.

"Ahhhhhhhhhhhh!!! >________<" Sigaw ni Mishelle.
"Okay this is it!! Here comes the baby!!" Rinig kong sigaw ni Doc na nag pangiti saaming dalawa. Napatingin ako sa dalawang assistant nurses ni Doc na tumutulong sa gilid ni Doc.

Hindi ko na maalis ang tingin ko kay Doc. Gusto ko ng masilayan ang anak namin ni Mishelle.

"Cut the ambilical cord nurse!!" Sabi ni Doc sa nurse na nasa gilid niya. Dali dali namang kumuha ng gunting ang nurse at ginawa ang inutos sakanya. Yung isa naman ay pinunasan ang mga pawis na nasa noo ni Doc.

Biglang tumalon ang puso ko at parang gumaan ang pakiramdam ko ng makita kong tinaas ni Doc yung baby na hawak niya at pinalo sa pwetan para paiyakin. Biglang umiyak yung bata... Yung anak ko at parang naging musika sa tenga ko ang bawat iyak na ginagawa niya. Lumabas na ang anak ko. Lumabas na ang anak naming dalawa ni Mishelle!!

"He's a boy." Napalingon ako kay Doc nun sa sinabi niyang lalake ang anak namin ni Mishelle. Pakiramdam ko nawala ang mga dinadala kong problema sa mga oras na toh. Tulo lang ng tulo ang mga luha ko. Napatingin saakin si Doc at ngumiti ng matamis."Congrats."

Tiningnan ko si Mishelle na ngayon ay nakapikit ang mata at hingal na hingal dahil sa pagod. Mishelle narinig mo yun?? Nailabas na natin si Baby John. Lumabas na ang anak natin , Prinsesa ko salamat!! hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan si Mishelle sa mukha kahit na pawis na pawis pa ito.

Agad akong pumwesto sa likudan ni Mishelle para alalayan siya. "H-hello baby John. Ang saya saya ni mommy oh. Sa wakas at lumabas ka na din anak ko." Sabi niyo na tinitingnan ang anak namin. Napangiti na lang din ako ako.

Kinuha ko muna si Baby John sa bisig ng Prinsesa ko at ilalagay daw muna nila ito sa kwarto niya. Agad naman akong lumabas sa operating room na nakangiti habang hawak hawak sa kamay ko ang anak namin.
Mama , Papa , Tita at Tito .. It's a boy!!!
"Naks pre , congrats!!" Sabi ni James habang si Mj naman ay masayang kinarga sa bisig niya ang anak namin ni Mishelle.
"Congrats anak!! May apo na kami ng Tita at Tito mo." Proud na proud namang sabi ni Papa saakin.

Masaya lang kaming mag babarkada at pamilya na nag uusap dahil bukas na bukas ay mag cecelebrate kami. Sa ngayon ay umuwi na muna sila dahil mag uumaga na din. Kinuha na din ng nurse si Baby John Cristopher Monterde , yan ang pangalan niya.

Nang mailagay na nila ito sa nursery room ay agad naman akong nagtungo sa kwarto ni Mishelle at pinanuod lang siya habang nag papahinga.
Sa sobrang pagod ay natulog na din ako. Big day tomorrow kaya magpapahinga na din ako. Pumunta muna ako sa pwesto ng Prinsesa ko ay hinalikan ito sa lips at noo bago matulog..

I will always love you my Princess and I promise to stay by your side forever and always..






To be continued.....

She's Mine and Mine Alone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon