Chapter 35 Baby Alizhia is born

233 7 0
                                    

"Axel's pov"
Uwahhhhhh!!!
Uwahhhhh!!
Uwahhhhhh!!

Yan ang maririnig mo ng maisilang anak namin ni Rhaiza. Halos hindi maipinta ang mukha naming mag asawa sa sobrang saya ng makita namin anak naming dalawa.
Dahan dahang iniabot saamin ng Doctor ang Anak namin. " Baby!! Andito na si Mommy at si Daddy mo." Masayang sabi niya sa anak namin. Babe ano ipapangalan natin sakanya ? Tanong ko sa asawa kong hawak hawak ang baby namin. "Siya si Alizhia Raylight Fernandez!!" Masiglang sagot nito na kahit pagod na pagod siya sa  pag iri kanina ay pinipilit niya paring maging masigla.

Napangiti na lang  ako sa gawi niya habang hawak hawak ang anak naming si Alizhia. Kuhang kuha nito ang mata ni Rhaiza at ang features ng mukha ko na ikinangiti ko naman ng sobra dahil alam kong lalaki ito ng maganda katulad ng ina niya.

Babe pahiram naman kay Baby Alizhia ohh. Kanina mo pa siya hawak eh. Ako naman , plssss. Nagmamakaawa kong sabi sakanya. "Yoko nga.. Mamaya na , mas gusto niya kay mommy niya eh." Hayy nako.. Napa pout na lang ako pero agad naman yung napalitan ng ngiti dahil finally lumabas na si baby namin.

//Third person's pov//
Masaya ang mag asawa na buhat buhat ang anak nila habang ang mga nurse naman ay dinala na muna si Rhaiza sa kwarto niya kaya naman si Axel muna ang nagbuhat nito.
Masaya siyang lumabas sa operating room at laking tuwa niya ng makitang andun na pala ang barkada at ang mga parents nila.

Nakita niya din si Mishelle na buhat buhat ang isang 1 year old na bata sa kamay niya habang si Kyle naman ay busy na laruin ito. Masaya namang binuhat ni James ang anak  ni Axel at Rhaiza sa mga bisig nito. Halos ilang araw na lang din ay kasal na nila James at Mj kaya naman excited din ito sa magiging supling nila.

Binuhat ng nurse si Baby Alizhia at dinala sa nursery room habang sila Axel naman ay masyang nag kukwentuhan. Bumili na muna ng pagkain ang barkada kaya naman naiwan si Axel at ang parents niya pati na rin ang biyanan niya at pumunta sa kwarto ni Rhaiza para kamustahin ang dalaga.

"Proud na proud kami sayo anak. Alagaan mo itong misis at ang anak nyo ha." Nakangiting tugon sakanya ng nanay ni Rhaiza.
Masaya lamang silang pinagmamasadan ang dalaga habang natutulog ito at makalipas ng ilang oras ay dinala sakanila si Baby Alizhia na nagayon ay mahimbing din na natutulog sa tabi ng nanay nito.

Makalipas ng ilang oras ay dumating na din ang mga kaibigan nila na may dala dalang pagkain kaya naman inilatag na nila ito sa isang pahabang lamesa at nag simula ng kumain. Habang kumakain silang barkada at pamilya ay narinig nilang umiyak ang sangol sa tabj ni Rhaiza na ikinagising ng dalaga. Binuhat niya ito sa kanyang mga braso at hinele para makatulog ito.

Habang si Axel naman ay masayang nakatitig sakanyang mag ina at hindi maipagkakaila dito ang saya na nakapinta sakanyang mukha. Kumuha ng pagkain si Axel para pakainin si Rhiaza kaso sa sobrang busy niya sa pag hele kay baby Alizhia ay sinubuan na lang niya ito.

Nagbulong bulungan naman ang mag babarkada at isa isang tumili ang mga babae kaya naman sinamaan sila ng tingin ng asawa at Fiance nila.
Nag paalam na sila na uuwi na daw para makapag pahinga na din dahil magkakaroon pa daw sila ng Girls time after makalabas ni Rhaiza sa hospital na ikinangiti naman ni Mishelle sapagkat alam niya ang ibig sabihin ni Mj.

Nag si alisan na ang mga tao sa loob ng kwarto ni Rhaiza kaya anh natira dito ay si Axel at ang Baby nila.

"Rhaiza's pov"
Umalis na sila mama at papa pati na din sila bes. Masaya lang akong nakatitig sa anak namin ni Babe. Medyo masakit pa din ang gitna ng hita ko dahil kakapanganak ko pa nga lang pero hindi ko na ininda yun dahil kapiling ko na ang anak ko.. Ang anak namin  ni babe.

Nag papasalamat talaga ako kay Lord dahil binigyan niya kami ng supling na sobrang cute , mana lang sa nanay niya eh noh. Charr!! Hindi nyo pa din maalis ang mayabang kong side kasi totoo naman na cute ako. Bwuahahahahahah ^__^!!!

"Babe kanina mo pa kinakarga si Baby, pede ako naman?" Naka pout na sabi ng Mister ko. Tch!! Oo na. Cge na. Pano ba naman kasi hindi ko naman talaga maiiwasan niyang pag papacute niya kaya no choice ko. Tutal kanina ko naman kasi talaga karga karga si Baby Alizhia.

Dahan dahan kong binigay si Baby kay Axel at kinuha iyong orange na asa tabi ko."Babe." Tawag saakin ni Axel. Bakit , ano po yun? "Gawa pa tayo isa para may kalaro si Baby Alizhia." Napabuga ako sa kinakain ko at dali daling kinuha yung tubig. Pucha!! Kakapanganak ko pa lang tas nagiisip ka na sundan agad natin? "Wala namang problema dun eh. Basta Junior naman." Nakangisi pa ang loko.
Gumawa ka mag - isa mo!!! Sagot ko sakanya sabay irap. "Babe Chill , Hindi ko naman sinabi na ngayon eh saka paano ako gagawa kong wala ka." Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman tumigil na siya.

Loko eh. Gusto niya pang sundan?!
Akala niya ba ganun lang kadali manganak. Halos mawalan na ako ng hininga kanina kaka ire tapos susundan niya pa?!
Manigas siya ka mo!!

Makalipas ng ilang oras ay nakita kong nakatulog na ang mag - ama ko. Ang saya nilang tignan habang natutulog sila. Parang kailan lang ng ilabas ko si Baby Alizhia tapos ngayon kapilinh na namin siya.
Paano na kaya si bes Mj at si Kuya James. Sila na lang kasi ang wala. Pero sa nalalapit na July 8 ay ikakasal na sila.

Masaya ako para sa dalawang yun kasi kahit papano nagkabalikan pa din sila sa kanila ng mga problema at pahirap sa buhay.
Muli akong napatingin sa mag - ama ko na tulog na tulog pa rin. Isa lang ang masasabi ko ngayon. Im thankful for this wonderful gift and that I will cherish it forever and always.






To be continued...

She's Mine and Mine Alone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon