//James's pov//
Unti unti kong minulat ang mata ko ng marinig kong umiyak si Baby Jale. Pangatlong pag iyak niya na toh. Aakma na sanang babango si Baby kaso pinigilan ko siya at sinabing ako na lang ang mag papatahan kay baby Jale.Tumayo agad ako sa kama namin at tinignan ko si Baby Jale sa crib niya na nasa tabi lang din ng kama namin." Tahan na Baby Jale. Nandito na si Daddy." Binuhat ko siya ng dahan dahan saka ko siya hinele. Nang tumigil siya saglit sa pag iyak ay ginawa ko yung opportunity para makapag timpla ng gatas niya.
Nag lagay ako ng mainit na tubig sa feeding bottle ni baby Jale saka ako nag lagay ng dalawang scoop ng gatas. Nag bi- breastfeed pa din naman si Baby pero minsan na lang dahil sa trabaho niya. Sampung buwan na simula nang manganak siya at nag simula na siyang mag trabaho last week dahil kailangan na daw siya mg kumpanya nila.
Nag pasya kami na salitan kami sa pag aalalaga kay Baby Jale kaso sinabi ko sa secretary ko na mag day off na muna ako para maalagaan ko si Baby namin. Inasikaso ko na din yung mga gawain ko sa opisina para naman hindi mag ka aberya.Nag timpla na lang ako ng kape para naman hindi ako makatulog. Tahimik kong pinapanuod ang mag ina ko na natutulog. Five am na din kasi tapos maya maya ay aalis na din si baby para sa work niya.
D*mn!! I can feel my eyelids dropping. Hindi ata gumana yung kape hangang sa tuluyan ko nang ipinikit ang mata ko.Uwahhhhh!!!
Uwahhhh!!!
Uwahhhhh!!!Nagising na lang ako nang marinig ko nanaman ang iyak ng baby namin pero this time wala na si Baby sa tabi ko. 8:30 na din kasi ng umaga. Agad kong kinuha iyong feeding bottle ni Baby Jale at pinainom sakanya habang hinihele ko siya.
After a few minutes ay tumahan na siya at bahagyang nakatulog sa mga braso ko.Aaminin ko, nakakapagod at nakaka antok ang ginagawa ko. Halos wala pa akong tulog dahil sa panay ang iyak ni Baby Jale. Kung hindi siya gutom ay puno naman ang diapers niya. Pero kahit gaano pa kahirap ito ay masaya pa din ako dahil alam kong para ito sa misis at sa anak ko.
Pumunta kami sa kwarto niya at inilapag ko siya sa crib niya. Iniwan ko lang na nakabukas ang pinto para makapag hugas pa ako ng plato at makapag linis ng bahay.
Oo , household husband ako.
Wala kasi sila manang ngayon eh. Dahil day off din nila.Sabi nila stressful daw toh pero para sakin hindi. Nag eenjoy nga ako kasi may bago akong nagagawa at nakakasama ko pa ang anak namin ni Baby. Ilang oras din akong naglinis ng bahay at nag laba ng damit ni Baby Jale. Pumunta ako sa kwarto ni Baby Jale at umupo ako para makapag pahinga. Nakakapagod pero onteng pahinga lang naman okay na ako.
Uwahh!!. Napatalon ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang malakas na iyak ni Baby Jale. Nakaidlip na pala ako. Wahhh!!
Tumayo agad ako at kinuha ko siya. Sa amoy pa lang alam ko na kung bakit siya umiiyak kaya kumuha agad ako ng daipers , wet wipes at tissue. Inilapag ko siya sa may malaking sofa na may bed sheet at dun ko siya papalitan ng diaper.Tinangal ko ang diaper niya na punong puno ng pooopooo. Kumuha ako ng wet wipes at dahan dahang pinunasan ko ang pwet niya. Sanay na din naman ako sa baho ng poopoo niya eh kaya okay na din sakin. Pag kapunas ko ng tissue ay saktong sakto na umihi siya at diretso yon sa mukha ko.
Nagulat na lang ako dahil tawa ng tawa si Baby Jale. Para bang inaasar niya ako. Natawa na kang din tuloy ako. " Thank you for always relieving my stress, you're our little angel Baby Jale." Nakangiti kong sabi.Pinunasan ko ang mukha ko pagkatapos ay inilagay ko na ang daiper niya. Pinalitan ko siya ng damit at nilagyan ko siya ng pulbo sa katawan.
Tumunog yung door bell kaya naman binuhat ko si Baby Jale at binuksan yung pintuan.
" Hi Daddy James. Dadalawin lang namin ang inaanak namin." Bati ni Kyle habang nakahawak naman ang kamay ni John sakanya.
" Alizhia say Hi to Baby Jale." Sambit ni Axel.
"Hayow babi Gail." Cute na cute namang sambit ng 1 year old na batang Alizhia.Nakangiti lang si Baby Jale sakanya. Halata mong masaya siya na makita ang mga anak ng mga tito niya.
" Pasok kayo."
Pinabuhat ko muna kay Kyle si Baby Jale saka ko kinuha yung crib niya at nilagay sa sala para makapag laro silang tatlo at para na din makapag usap kaming tatlo.
Kaya nang tumayo ni Baby Jale basta nakahawak siya sa crib niya at malaki ang binili namin kaya kasyang kasya silang tatlo sa loob.
" John ikaw ang pinaka matanda sa inyong tatlo kaya behave ka ah." Paalala ni Kyle sakanya. Kakaibang tatay din itong si Kyle eh , mahigpit at strikto siya sa anak niya.
" Balita ko buntis daw si Rhaiza ah?" Tanong ko. " Ang sipag mo talaga Axel." Pag bibiro ko.
" Ugok! Malaki nanaman si Baby Alizhia ko eh kaya kailangan ng sundan." Sabi nito na naka ngisi. " Tanongin mo ang isa jan. Two years old na si John pero di pa din nasusundan." Pagkasabi pa lang niyang iyon ay binato na siya ng unan ni Kyle.
" Hoy tanda! Kakainin mo yang sinabi mo. Masyado lang busy ang prinsesa ko kaya ala pa kaming nagagawa!!"Sigaw niya. Buti na kang dahil medyo malayo kami kina Baby Jale kung hindi baka kung ano anong kalokohan pa ang narinig nila mula sa mga toh." Umayos ka Kyle! Hindi ako lolo at lalong hindi ako matanda!" Alma niya habang binabato ng unan si Kyle.
" Mga tatay na kayo pero isip bata pa din kayo. Tama na nga yan." Pag aawat ko sakanila. " Hinaan nyo ang boses nyo nakakhiya sa mga anak natin." Sambit ko sakanila.
" Hindi ka lang pala under sa asawa mo pre pati na din pala sa anak mo." Natatawang sambit ni Axel.
Mga kumag na toh. Kung hindi ko lang talaga kayo bestfriends naku kanina ko pa kayo nilampaso.
After ng mahaba habang pag kukwentuhan namin ay nag siuwian na din ang dalawang kumag. Timing lang naman dahil andito na din si Baby. Dali dali akong nagtungo sakanya at sinalubong ng yakap. Nabigla na lang kami ng mag salita si Baby Jale.
Maaaa----maa. Sigaw ni Baby Jale.
Pareho kaming nagulat ni Mj. Iyong ang unang word na sinabi ni Baby Jale.
" Baby Jale! Nagsalita ka!" Sigaw ni Mj at halat mo ang excitement sa mukha niya."Omy gosh! Nag salita ka na talaga!"Daa--daaa. Sigaw ulit niya. Kinuha ko kaagad ang phone ko oara kuhanan ng video si Baby Jale.
Daa-daa!! Masaya niyang sabi.
Ang saya saya nilang tinganan. Tuwang tuwa si Baby Jale habang kinakarga siya ni Mommy Mj niya. There luagh is like music to my ears. Halos binalewala ko na kang lahat ng pagod ko. Ang saya kasi ng outcome mo eh.
Dahan dahan akong lumapit kay baby and the I kissed her passionately.
" Salamat sa lahat lahat baby ko. Thank you for giving me this bundle of joy. I promise to be the best husband and the best father to our child although susundan pa naman natin toh eh *smirk*. Basta baby always remember that I will always love you no matter what. I will be here growing old with you. Mahal na mahal kita Mrs. Veran. Aishiteru Aka-chan." Masaya kong sabi sakanya." You don't have to be the best my love because you already are and I too will always be here for you until we grow old and die. You are the best husband and father to our child and I thank God for bringing you into my life. I will love you always. Mahal na mahal din kita Mr. Veran. Watashi mo anata aishitemasu Aka-chan."And with that she sealed it with a sweet and passionate kiss.
To be continued....
BINABASA MO ANG
She's Mine and Mine Alone
Teen FictionHi, ako nga pala si Mary Jale Gomez. Bitter ako at certified good girl. Masaya na sana ako sa napaka simple kong buhay kung hindi lang siya dumating at binago ang buong pagkatao ko. Siya si James Alexander Veran ang bumago at sumira ng napakatahimi...