//Mishelle's POV of the previous chapter
Nauna na kami ni bes Rhaiza sa school. Hindi ko alam pero kakaiba yung naramdaman ko ng makita ko ang fiance ko. Sabi niya mag childhood friends daw kami. Napaisip ako ng may biglang sumagi sa isip ko, siya pala yung best friend ko. Yung palaging nang aasar saakin ng taba. Nakakatawa, ang laki kasi ng pinagbago niya, ang Gwapo niya na tapos fiance ko pa talaga siya.
Nang makarating kami sa school bigla na lang may nag blindfold saakin. Bigla akong nataranta. Pakshet. Kidnapped nanaman ba ako?! This is not happening again. Sinipa ko yung taong asa harap ko sabay uppercut. Napahinto na lang ako nang makarinig ako ng isang familiar na boses. Agad kong tinangal yung blindfold at nakita si Kyle na namimilipit sa sakit. "Hala. I'm sorry Kyle. Akala ko kasi kidnapping eh." Ani ko sakanya habang tinitulunagan siyang makatayo.
Shet. Nakakahiya."Ayos lang Prinsesa ko kasalanan ko din naman eh. Balak kasi sana kitang surprisahin. Hindi ko naman akalain na matataranta ka pala." Sagot ni Kyle habang nakatitig sa mga mata ko. Naguguilty ako. Di ko talaga alam na surprise pala yun eh. Magpapalamun na sana ako sa sobrang guilty ko nang biglang tumugtog yung music na Somebody out there.
Agad akong napatingin sa paligid namin at dun ko lang narealize na pinapalibutan pala kami ng mga schoolmates namin. Binaling ko ang tingin ko kay Kyle nang bigla na lang niya akong niyakap.
"Sa totoo lang, Mishelle matagal ko ng gustong sabihin sayo 'to. Simula pag kabata natin may gusto na ako sayo pero kailangan ko pigilan yun kasi alam ko na hindi ka pa handa at mga bata pa lang tayo nun. Pero dahil nakita kita muli gusto ko sanang totohanin na ang nararamdaman ko para sayo dahil hindi ko na kayang pigilan pa. Sana bigyan mo ako ng chance para ligawan ka kahit alam kong magiging fiance din naman kita sa huli." Halos tumulo na yung luha ko sa sobrang saya. Letche. Wala pa ngang kasal eh. Ngumiti ako sabay sabing Oo. Bago ko pa man ma process yung nangyari ay binuhat niya na ako habang yung mga schoolmates namin ay hiyaw ng hiyaw.
Wala ako sa sarili ko at pulang pula na ang mukha ko. Ngumiti na lang ako at niyakap ko siya ng mahigpit sabay sabi sakanya "Namiss kita ng sobra budoy. Sorry kung hindi ko na realize kaagad. Pero ligaw muna ah."
"Ay. Inaasar pa ako eh. Ang Gwapo ko na kaya para tawagin mo akong budoy. Gusto mo babe na lang?" Pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla na lang siyang nag wink.
"Hay nako budoy. Hindi ka parin nag babago mayabang ka parin. May pa wink wink ka pang nalalaman diyan." Natatawa kong sabi sa kaniya.
"Ah basta babe na itatawag ko sayo simula ngayon. Kita tayo mamaya sa break time natin. Tara ihatid na kita sa classroom natin. Kita na lang tayo mamaya. Hintayin ko lang yung tropa."ani niya sakin at hinila yung kamay ko para ihahatid ako sa classroom namin. Umiinit nanaman ang buong mukha ko. Buti na lang hindi siya nakatingin saakin.
--
Ng makarating kami sa classroom kami pa lang ni bes ang tao dun wala pa yung iba. Uupo na sana ako sa upuan katabi si bes, nang hilahin nanaman ako ni Kyle palapit sakanya. Pero iba na 'to ah. Yakap yakap niya na ako ngayon. Hindi ko na tuloy mapigilan ang sarili ko. Alam ko ang Pula na Ng mukha ko kaya nanahimik na lang ako.
"Babe. Mauna na ako ah. Sabihin mo lang saakin kung may mananakit nanaman sayo uupakan ko sila. See you later, prinsesa ko." ani niya sakin habang yakapyakap ako. Nabigla na lang ako ng halikan niya ako sa noo bago siya umalis. Buti nga hindi niya nakita yung parang mansanas na mukha ko sa sobrang pula.
--
Pakiramdam ko lutang na lutang yung utak ko. Hinila ako ni Rhaiza palabas ng klasrum para abangan si bes Mary Jale. Mj for short haba kasi ng name niya. Patay mukhang galit yata siya. Muntikan ko ng makalimutan iniwan nga pala namin siya ni bes Rhaiza sa sobrang excited niyang makita yung manliligaw niya. Buti nga mahal kaming dalawa ni Bes Mj kung hindi kanina pa kami binugahan ng apoy nun.
BINABASA MO ANG
She's Mine and Mine Alone
Novela JuvenilHi, ako nga pala si Mary Jale Gomez. Bitter ako at certified good girl. Masaya na sana ako sa napaka simple kong buhay kung hindi lang siya dumating at binago ang buong pagkatao ko. Siya si James Alexander Veran ang bumago at sumira ng napakatahimi...