Chapter 47 - 48 She's pregnant!!

343 7 0
                                    

- 47 -
//Mj's pov//
Positive!!!! O_O
Gulat akong lumabas sa cr dala dala yung pregnancy test habang si baby naman ay dali daling pumunta saakin at kinuha yung test sa kamay ko.
Labis na saya ang bumalot sa katawan ko at nabigla na lang ako ng yakapin ako ni baby habang nag sisisigaw siya. "Magkaka-anak na kami!!!!!" Sigaw niya habang yakap yakap ako.

Well yes oo inaamin ko na sa una pa lang kinutuban na ako kaso ayern na nga nag paligoy ligoy pa me. Gusto ko kasing makasiguro muna bago ko sabihin sakanya.
Medyo late na rin eh tapos medyo pagod na rin ang katawan ko. Halos mapaupo ako sa sofa namin habang itong asawa ko naman walang sawa sa kaka tili. "Asawa ko mag papa check up tayo bukas ah tapos bilhin na rin nayin yung mga kailangan nyo ni baby." Sabi niya saakin habang nakangiti ng nakakaloko.
Oo na po boss. Sagot ko naman sakanya.

Tatayo na sana ako para pumunta sa kwarto namin ng buhatin niya ako bigla. "Baby ako na mag dadala sayo since pagod na pagod ka na. Kung gusto mo pa nga eh sundan na agad natin ngayon--." Aba loko talaga toh >__<!!
Agad ko naman siyang pinalo sa braso niya. Jusmeyo dinadala ko pa nga lang yung first baby namin eh tapos susundan niya kaagad. Napa - pout na lang ako dahil sa inasal niya ng bigla niya akong halikan. "Baby ko don't pout. Your seducing me and its really working." Sabi niya in between our kiss.

Epppssss >/////<...
Sabi ko nga. Hindi na ako magpo-pout ah. Halos hindi ko na nga namalayan na andito na pala kami sa kwarto namin. Dahan dahan niya naman akong inilapag sabay good night kiss tapos tumabi na siya saakin. Nakaramdam naman agad ako ng antok kaya naman pumikit na din ang mga mata ko.

//James's pov//
Labis ang saya na bumabalot saakin ngayon. Sabi na eh. All along I was right and Im very thankful na magkaka anak na nga talaga kami ni baby. I sure am the luckiest man alive.

Nakatingin lang ako sakanya habang mahimbing siyang natutulog. I can't help imagining na after 9 months magiging tatay na ako. Well after naman ilabas ni baby ang unang anak namin ay susundan ko kaagad ng junior namin *smirk*.
Yun ay kung babae ang unang anak namin pero kung lalake ay susundan ko parin naman.

Buti na lang pala talaga at tulog itong misis ko. Baka kanina pa ako nasapol nito dahil sa mga iniisip ko. Hindi ko maimagine yung magiging reaction nila tita at tito lalo na sila mama at papa pag nabalitaan nila na buntis si baby ko.
Bukas ko na lang sila sasabihan at dinadalaw na ako ng antok.
Muli kong hinalikan si baby at natulog na habang yakap yakap ko siya saaking mga bisig.

------

Ughhh!!!!
Ackkk!!!
Nagising na lang ako ng marinig ko ang pag duduwal ng asawa ko sa banyo namin. Agad naman akong napatayo at dumiretso duon. Dahan dahan ko siyang inalalayan papunta sa kama namin at binigyan siya ng tubig.
Hay. Morning sickness nga naman. Kailangan ko ng masanay dito dahil sa susunod na mga araw ay lala pa toh lalo na pag nag lilihi siya.

"Baby gusto ko ng coconut juice at kiwi. Bili moko pweaseeee." Sabi ko nga. Ayan na naglilihi na siya. Agad naman akong lumapit sakanya ay pinisil iyong cheeks niya. Ang cute cute niya kasi eh.
Agad naman akong bumaba at nag paalam sakanya para bilhin iyong ni rerequest niya.
Wala naman kasing ganun sa refrigirator namin eh dahil hindi naman talaga siya kumakain ng kiwi dahil maasim yun tapos nawalan na din kami ng stack ng coconut juice.

Siguro mamimili na din ako ng mga pagkain mamaya pag katapos naming mag pa check up. Narito na ako ngayon sa usual kong bilihan ng mga prutas.
Agad naman akong nagpabiak ng dalawang coconut at binili ang juice nito tapos pumunta na ako sa mga kiwi.

Mga ilang minuto ng pag bi-biyahe ay nakarating na ako kaagad sa bahay namin. Pinabalatan ko na lang kay manang iyong mga kiwi at pinalagay yung juice sa baso tapos idiliver na lang nila sa kwarto namin pag okay na.
Nasabihan ko na din sila mama, papa , tita at tito tungkol sa pag bubuntis ni baby at tuwang tuwa din sila sa ibinalita ko.

She's Mine and Mine Alone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon