Chapter 45 - 46 Sudden change

231 6 0
                                    

//Mj's pov//
Ackkkkkk!!
Ughhhh!!
Di ko na kaya toh. Suka lang ako ng suka. Manang paki alis po ng chicken. Di ko po talaga masikmura yung amoy eh. "Naku. Sorry po maam. Okay lang po ba kayo?" Okay lang po ako manang.

Come to think of it kahapon pa ako nagsusuka at ang sama ng pakiramdam ko. Papasok pa sana ako ngayon kaso sabi ni baby pinacancel niya daw lahat ng work ko. Siya na daw muna mag mamanage habang ako daw mag pahinga na muna sa bahay.
Hayy.. Mas mabuti na din siguro yun para maging maayos na pakiramdam ko.

Wala naman na akong ibang ginawa kundi ang manuod ng movie. Nasa work kasi si baby eh. Namimimiss ko na siya >_<!!
Hay. Matawagan nga muna si bes.

Ring......
Ring......
Ring......

[Hello besprend..]

Besh.. Busy ka ba ngayon?

[Di naman. Sa katunayan niyan ako lang mag isa sa bahay. Sinama kasi ni Axel si baby Alizhia kayla mama eh. Nag paiwan lang ako. Bakit bes?]

Besh. Labas tayo. Nabo-bore ako dito sa bahay eh. Ala si baby. Asa work pa.

[Yieeeeee. I like that besh. Sige pupunta ako jan. Mukhang busy si Mishelle kay baby John eh kaya tayo lang makakapagbond ngayon."

Sige besh. See you later. Bihis lang ako.

[Okie. Bye bye see you later.]

Toot... Toot... Toot...

In-off ko na yung cellphone ko at nagbihis ng red dress at red din na flat shoes tapos konteng lip gloss lang and Im ready to go.
Ayoko naman na mag stay lang dito sa bahay noh tapos walang magawa.
Nang matapos akong mag bihis ay agad akong bukaba sa salas namin para hintayin si bes.
Sakto lang naman dahil makalipas ng ilang minuto ay nakarating na siya sa bahay namin. Sumakay na ako sa kotse niya. Medyo tinatamad kasi akong mag drive ngayon eh.

Nang makapasok ako sa sasakyan ni bes ay maririnig mo kaagad ang music niya na bts. Hay nako naman. Kahit kailan hindi parin talaga nag babago ang babaeng toh. Nagka anak na lang at nag ka asawa mahilig pa di  siya sa k pop. "Kamusta ka na bes? Magkakapamangkin na ba ako niyan??" Pang aasar ni bes Rhaiza.
Loko loko talaga tong babaeng toh. Ala pa nga eh.
Ewan ko sayo bes. Ala pa naman. Sagot ko sakanya.

Nag umpisa na siyang bumiyahe at makalipas lang ng ilang oras ay nakarating na kami sa SM. Medyo masikip yung entrance kasi dagsaan yung mga tao papasok sa mall.
Nang maka pasok kami ni bes ay agad siyang dumiretso dun sa mga damit kaya sumunod na lang ako sakanya. "Tingan mo bes oh , ang ganda." ika niya habang sinusuri yung damit. Tumango na lang ako bilang sagot. Mas gusto ko pa kasing pumunta sa book store eh kesa mamili ng damit.
Mga ilang minuto din ang lumipas ay natapos na siya sa pamimili kaya naman nag proceed na kami sa book store.

Pag kapasok ko pa lang ay agad na akong tumakbo sa horror section ng books at ng makapili ako ay pumunta naman ako sa fictional at romance. After naming mamili at nag decide kami na kumain sa isang Korean restaurant. Umorder na kami ni bes. Mabuti na lang at wala akong naamoy na chicken dito at baka magsuka nanaman ako.
Nang matapos kaming kumain ay inabutan kami ng pineapple juice nung waiter.

Isang lagok pa lang ata bago ako nakaramdam ng pag kahilo tapos agad na akong nag tatakbo sa cr at nagsu-susuka.
Ughhh!!!!
Ackkk!!!!
Agad ko namang nakita si bes na kumuha ng tissue habang hinahaplos ang likod ko.
Nang matapos ako sa pagsusuka ay ramdam na ramdam ko ang panghihina ng katawan ko. "Bes okay ka lang ba??" Nag aalalang tanong saakin ni bes.
Okay lang ako bes. Kahapon pa ako ganito. Akala ko nga chicken lang eh pati pala pineapple juice nasusuka din ako. Sagot ko sakanya.

Para namang siyang nagulat sa sinabi ko at agad na nag dial ng number sa cp niya. Tiningnan ko lang siya habang kinakausap yung taong ka call niya.
"Bes. Halika na pupunta tayo sa Doctor. Magpapa check up tayo." Sabi niya saakin matapos niyang patayin yung cp niya.
H-huh?? O_O. Bakit namn?
Mukha ba akong may sakit? "Bes. Hindi mo ba naiisip na baka buntis ka?" Masiglang tanong niya saakin. Pero may punto din naman siya eh. P-pero hayy.. Hindi ko alam. I don't wanna rush things out.

Baka kasi nai - stress lang ako. Grabe naman yata na stress yan. Parang kahapon lang nakapagpahinga ka na ahh. Ayy jusmeyo pati ba naman konsensya ko.
Nabigla na lang ako ng hawakan ni bes yung kamay ko at hinila ako lalabas ng restuarant.

Mga ilang minuto din kaming naglalakad hangang sa huminto kami sa isang pharmacy.
Ano naman ang gagawin natin dito. Tanong ko sakanya.
"Bibili tayo nung test para malaman natin kung buntis ka na talaga." Excited niyang sabi sakin. Halo mapa wow na lang ako. Mas excited pa ata siya saakin eh.
Nang matapos naming bilhin ay lumabas na kami. Ako na lang daw mag decide kung kelan ko yun gagamitin.

Saka medyo madilim na din yung kalangitan kaya bumiyahe na din kami pauwi.
"Bye besh. Balitaan ko na lang ako ah. Good luck sainyo ni Kuya James." Aniya habang nagpapaalam na siya.
Pumasok na din ako sa bahay namin at sinalubong ako ng yakap ng mister ko. "Baby. Tinawagan ako ni Rhaiza kanina. Sabi niya nagsuka ka nanaman daw." Sabi ni baby habang yakap yakap pa din ako. Umo-o na lang ako. Sabay upo sa sofa namin.
Medyo nahihilo ako at anytime parang magsusuka nanaman ako.

"Baby. Okay ka lang ba. Gusto mo bang kunan kota ng tubig?" Nag aalalang tanong saakin ni baby. Umiling lang ako dahil parang mas naghahanap ako ng maasim katulad na lang ng strawberry.
Baby. Strawberry na lang saakin. Pweassseeeeeeee. Naka pout kong saad sakanya. Tapos agad naman siyang tumayo at kumuha nung sliced na strawberries.

Yum.Yum.Yum.Yum.Yum. Ang sharap. Halos maubos ko na yung prutas ng bigla akong masuka. Agad akong nagtungo sa cr namin at nag suka. Hay. Heto nanamn ako although this time kailangan ko ng subukan yung pregnancy test na binili namin ni bes.

Ito na nga ba talaga...........





To be continued........

She's Mine and Mine Alone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon