" Mishelle's pov"
Prinsipe ko. Bili mo naman ako ng pinya ohh. "Pero pang anim mo na yun Prinsesa ko. Baka hindi ka na matunawan niyan." Ehhhhh cge na >_____< !!
"Okay.Okay. Basta para sayo *wink*." Yehey!! Thank you Prinsipe ko.
Kinuha niya na yung susi at wallet niya saka siya lumabas ng nakangiti. Lumabas naman ako para ihatid siya sa gate namin. Pasakaya na sana siya sa sasakyan namin ng halikan niya ako sa noo tapos hinalikan niya din yung tyan ko."Bye bye misis ko. Hintayin nyo ako ni baby ah. I love you." Sabi niya nang nakangiti kaya naman napangiti na lang din ako sabay sagot ng I love you too sakanya.Nag umpisa na akong maglakad papunta sa garden namin dahil alam kong mas masarap yung hangin dun.
Hayy.. Alam mo baby excited na akong maisilang ka sa mundong toh. Excited na kami ng daddy mo na makita at maalagaan ka. Sabi ko sa baby ko habang hinihimas-himas yung tyan ko ng makaramdam ako ng antok kaya naman umidlip muna ako saglit sa sofa namin sa loob ng bahay. Alangan namang sa Garden dba pero pede din naman kung lalagyan ko.*Yawn* Yawn* Yawn*. Makatulog nga muna. Mamaya pa din naman dating ni Kyle eh kaya iidlip na lang muna ako.
"Kyle's pov"
Sh*t!! kanina pa ako paikot - ikot dito wala pa din akong nahahanap na pinya. Hayy. Kung hindi lang toh para sa Reyna ko ay hindi ko naman toh bibilhin eh kaso para toh sakanya kaya gagawin ko ang lahat para makakuha ng gusto niya.
Mga ilang minuto na ang lumipas ng may nakita akong buntis na natumba kaya naman dali dali akong tumakbo papunta sakanya at inalalayan siya patayo."Salamat Iho." Sabi nung buntis nang malalayan ko siya sa isang bench. Nakita ko ang mga dala niya at may nakita akong pinya dito kaya naman tinanong ko siya kung saan siya naka bili nito. "Nasa kanto lang Iho. Lakarin mo lang yan ng diretso at makikita mo ang isang tindero ng pinya duon." Ahhh salamat po. Para po kasi iyun sa asawa ko ."Ah. Ganun ba , kung gayon ay buntis din pala ang misis mo at naglilihi din ito." Sabi sakin nung babae kaya naman tumango na lang ako at nagsimulang lakarin iyung daan na sinabi niya.Mga ilang minuto dun anh lumipas ay nakarating na ako at hindi pala pinya ang tinda ni manong. May iba't ibang prutas din dito katulad na lang ng manga , grapes , apple , orange , avocado at orange. Bumili na lang ako ng tig isang kilo ng bawat prutas dahil alam kong magugustuhan ito ng pinakamamahal kong asawa.
Nang matapos ako sa pamimili ay sumakay na ako sa sasakyan ko ng biglang mag ring ang cellphone ko.Hello.
Hello po sir. Ma'am po kasi eh , dinudugo. Hindi po namin alam ang gagawin namin.
Sh*t. Ok cge papunta na ako jan.
Agad kong pinaharurot ang kotse ko at nagmadaling makapunta sa bahay namin.
Mga ilang minuto din ay nakarating na ako sa bahay namin at dali dali kong nilapitan si Mishelle at sinakay sa kotse ko.
T*ngina naman oh!!
Prinsesa ko plss stay with me. Wag mo akong iwan , plss lang talaga. Kailangan ko kayo ng anak natin.
Nang makarating ako sa ospital ay agad kong tinawag ang Doctor ni Mishelle at agad naman siya nitong inasikaso.Taimtim akong nanalig sa panginoon na maging okay lang ang mag ina ko. Hindi ko kakayanin pag nawala sila saakin. Sila ang buhay ko kaya pag nawala sila ay hindi ko na alam kong anong gagawin ko.
Mga ilang oras ang lumipas ay lumabas na rin ang Doctor ni Mishelle kaya naman napatayo ako sa kinuupuan ko at hinintay na kag salita ang Doctora." Okay na po sila sir. Pero kas mabuti nang dito na mag stay si Ma'am dahil maaring kapanganakan niya na bukas at kailangan namin siyang matutukan." Labis na lang na saya ang bumalot sa mukha ko at parang nabunutan ako ng tinik sa puso ko.
Kailangan ko ng maghanda dahil bukas na bukas ay maaring isilang na ang anak namin.Agad kong tinawagan sila mama at papa pati na rin sila mommy at daddy at yung mga barkada namin. Kabuwanan na kasi ng asawa ko eh. Pang 9 months niya na ito.
Labis ang tuwa ng pamilya at barkada namin at sabi din nila ay pupunta sila bukas dito para suportahan kami sa mangyayari.//Third person's pov//
Masayang tumakbo si Kyle sa kwarto ng misis niya habang dala dala niya ang supot ng mga prutas.
Agad niyang inilapag ang pinya sa mesa at binalatan ito ng mapatingin siya sa gawi ng asawa niya na ngayon ay mahimbing na natutulog. "I can't wait to hear your first cry my son." sabi ni Kyle na nakangiti sapagkat alam nilang lalake ito dahil yun ang ipinakita nung obi sakanila.Tahimik na pinanunuod ni Kyle si Mishelle habang mahimbing itong natutulog. Nabigla na lang siya ng hawakan nito ang kanyang kamay. "Prinsipe ko. Okay lang daw ba si Baby John?" Ano daw Baby John confused na tanong Kyle sa isip niya kaya naman napatango na lang ang binata. "Prinsesa ko san mo naman nakuha yung pangalan na yan?" Tanong nito sa asawa niyang nakangising kumakain ng pinyang binili niya kanina. "Wala. Napanaginipan ko kasi eh na yun yung ipangalan natin sakanya pag labas niya , John Cristopher." Napangiti na lang si Kyle habang pinagmamasdan itong kumakain sapagkat ang pangalan na naisip ng kanyang misis ay yun din ng ang naisip niya. Kaya naman laking pagtataka niya na lang ng sabihin nitong Baby John ang pangalan ng kaninlang magiging supling.
"Prinsipe ko. Bili mo naman ako ng mallows." Nakangisi nitong sabi sa binata kaya naman tumango na lang ito at hinalikan sa noo ang dalaga bago dumiretso sa baba para bilhin ang hinihingi nito.
Masaya namang nagbabasa si Mishelle ng libro habang hinihintay ang kanyang asawa habang si Kyle naman ay nasa tindahan at binibili ang mallows ng dalaga at sinamahan niya na rin ito ng chocolte syrup.
Nang matapos siya sa pamimili ay agad siyang dumiretso sa kwarto ng dalaga at binigay sakanya yung mallows habang masaya namang nilantakan ni Mishelle ang dala ng kanyang asawa."Prinsesa ko , Dahan dahan lang baka mabulunan ka nyan. Bukas na pa naman ang kapanganakan mo." Sabi ni Kyle na nag aalala sa asawa niya. "Hehe. Opo Prinsipe ko." Marahan nitong sagot sa binata.Makalipas ng ilang oras ay nauubos na ito ng dalaga at humikab bilang senyales na inaantok na ito kaya naman niligpit niya na ang pinagkainan nito at pinatay na ang mga ilaw nito.
Agad naman siya pumwesto sa sofa at kinuha ang kumot para matulog na din.To be continued....
BINABASA MO ANG
She's Mine and Mine Alone
Fiksi RemajaHi, ako nga pala si Mary Jale Gomez. Bitter ako at certified good girl. Masaya na sana ako sa napaka simple kong buhay kung hindi lang siya dumating at binago ang buong pagkatao ko. Siya si James Alexander Veran ang bumago at sumira ng napakatahimi...