Chapter 36 Girl's time part 1

217 6 0
                                    

//Third person's pov//
Makalipas ng ilang araw ay nakalabas na din sa ospital si Rhaiza kasama ng kanyang asawa at anak. Mga ilang araw na din siya sa bahay nila at nakakalakad na siya ng maayos kaya naman napaghandaan na nilang mag bestfriend na mag outing at mag girls time na muna dahil simula ng mag ka love life sila ay hindi na sila nagkaroon pa ng time para sa isat isa.

Masayang nag iimpake ang mag bestfriend sa kani kanilang mga tahanan samantalang ang boys naman ay abala sa pag aalaga ng mga anak nila maliban na lang kay James dahil wala pa naman silang anak.
Pagkatapos nilang mag impake ay nag paalam na sila sa mga asawa at fiance nila."Babe mag iingat ka dun ah. Sabihin mo saakin kung may lalakeng lalapit sayo dun at babalian ko ng buto." Sabi ni Axel sakanyang asawa habang hinahatid ito sa gate nila. " Hehe! Cge lang babe. Alagaan mo si Baby Alizhia ah. Mamimiss ko kayong mag-ama." Sagot naman nito pabalik sa asawa niya. Sakto lang din naman at anjan na ang sasakyan na susundo sakanya.

"Mj's pov"
Ring!!!!
Ring!!!!
Ring!!!!

Ay palaka!! Jusme ang aga aga ang ingay na ng alarm clock na toh. Nang mpatingin ko sa oras ay agad na pumasok sa isipan ko na ngayon na nga pala ang outing naming mag bestfriends. Aalis na sana ako para maligo ng may kamay na nakayapos sa may bandang tyan ko. "Baby. Dito ka lang , wag ka na umalis. Baka habulin ka nanaman ng mga lalake dun eh tapos wala pa ako para pugutan sila ng ulo." Napanganga na lang ako sa sinabi ni James. Jusme wala naman kasing lalapit saakin dun maliban na lang kung meron ay hindi ko naman ito papansinin noh.

Babalik din naman ako agad eh. 3 days lang naman kami dun kaya wag ka ng mag emote jan baby. Maliligo pa ako. "Hayyy. Oo na po boss. Basta sabihin mo saakin pag may nanggulo sayo dun at uupakan ko." Napangiwi na lang ako sa sinabi niya at tumango na lang bilang sagot. Kahit kailan bad boy na bad boy pa din siya.

Agad kong niligpit ang mga gamit ko at yung maleta na puno ng damit ko. Pagkatapos kong maligo ay nag suot lang ako ng fitted na jeans tas long sleeve na white at isang pair ng converse na black. Nang matapos ako sa pag aayos ay lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba sa sala. Kinuha ko na lang yung vegetable salad na nakalagay sa boy at yung juice na orange.

Aalis na sana ako ng bigla akong hatakin ng magaling kong Fiance papalapit sakanya at niyakap na akala ko ay hindi na kami magkikita. "Mamimiss po kita. Mag iingat ka dun ah. I love you soooo much baby ko." Sabi ni James habang yakap yakap niya ako na nagpangiti saakin ng sobra sobra. Agad ko naman yun na ginantihan ng halik sa cheeks tapos sumakay na ako dun sa van. Pero bago yun ay narinig ko pa siyang umangal. "Baby naman eh. Dapat sa lips. Yoko sa cheeks , nakakabitin." Aba ang loko demanding. Binelatan ko na lang siya saka ko pinaandar yung sasakyan at nagtungo sa bahay ni Mishelle.

Mga ilang minuto din ay nakapunta na ako sa bahay nila. Agad ko namang nakita si Mishelle na nakatayo sa gate nila habang namamaalam sa baby at sa asawa niya. Mga hinagupak na toh talaga. Naunahan na nga ako dati sa paghahanap ng love life pati ba naman anak nauhan din ako. Hayy. Grabe talaga tong mga bestfriend ko na toh eh.
Nang makasakay na si Mishelle ay agad naman kaming nag tungo sa bahay ni bes Rhaiza. Welcome abored bes. Sabi ko kay mishelle na pinaandar yung mp3 player ko. "Hihihi. Brings back the memories bes." Masaya nitong sagot saakin.

Well come to think of it totoo naman kasi. Nang makapunta kami sa bahay ni bes Rhaiza ay ganun din ang scene na makikita mo. Jusmeyo ako yung na out of place eh.
Napairap na lang ako ng mata. "Oh. Bat ka nakasimangot jan bes?" Tanong saakin ni Rhaiza ng makasakay na siya. Wala ka na dun. Tipid kong sagot sakanya. "Grabe hindi ka pa din talaga nag babago bes Mj." Nakangising sabi naman ni Mishelle. Hay bahala na nga. Agad kong pinaandar ang sasakyan at tinahak ang daan papuntang Tagaytay Resort.

Mga ilang oras na din ang lumipas at nasa daan pa kami at dahil gutom na rin naman kami ay napahinto muna kami sa isang restuarant.
As usual umupo lang ang dalawa samantalang ako naman ang nag order ng pagkain namin. Lintik na!! parang nung dati lang eh noh.
Umorder na lang ako ng isang vegetable salad , fries , dalawang burger steak , dalawang fries at tatlong coke float.
Habang nag hihintay ako sa inorder ko ay may apat na lalaki ang tumabi ssakin. "Hi miss beautiful. Pwedeng mahingi number mo." Sabi saakin nung naka leather jacket. Napairap na lang ako at sinabing , Im taken. "Asuss. Pakipot ka pa miss Goddess." Sabi naman nung mukhang manok. Eh kung tirisin ko kaya sila. Letche nakakabanas!! Buti na lang anjan na yung order kaya naman nag madali akong pumunta sa table namin.

Nabigla na lang ako ng may humawak sa bandang waist k na nag painit ng ulo ko. Kaya naman inilapag ko yung order namin at sinuntok yunh lalakeng ng hawak saakin kaya naman tumilapon ito. Tiningnan ko ng masama yung iba na nag babalak na sumunod dun sa leader nilang urangutan. Gwapo nga pero mas Gwapo pa din si baby ko noh!

Agad ko namang sinenyasan yung dalawa na ngayon ay nakanganga na. Agad naman nilang nakuha kaya kinuha na nila yung pinamili namin tapos dumiretso na kami sa sasakyan ko. Nakakainis lang eh. Halfway na kamisa pupuntahan namin tas na bad trip pa ako.

Agad kong pinaharurot yung sasakyan at bumiyahe na patungong Tagaytay. Nawala gutom ko sa inis kaya di ko pa kinain yung share ko. Makalipas ng ilang oras ay nakarating na kami sa resort kaya naman nag check in na agad kami sa hotel.
"Bes chill ka lang jan. Wala na yung mga lalakeng yun kaya huminahon ka na." Sabi ni Rhaiza habang umiiling. Alam kasi nila kung anong mangyayari pag nagalit ako kaya todo na lang ang pag papakalma nila saakin. " Pero bes nakita mo yung mukha nung tatlo nung tumilapon yung leader nila. Ang epic!!! Hahahahahaha." Hagikhik naman ni Mishelle. Mga bruhang toh ang daming nalalaman. Kinuha ko na lang yung pagkain ko habang sila naman nag kukwentuhan about dun sa mga anak nila. Mga peste lang eh!!!
Sa harapa ko pa talaga. Asuuss purket ikaw wala ka pang anak eh kaya ka bitter!!. Aba pati ba naman konsensiya ko. Hay. Makakain na nga lang ohh.

---

Makalipas ng ilang oras ay napagisipan namin na mag swimming na muna kasi ang boring boring na din. Agad namang nag bihis ang dalawa. Bale naka kulay blue si Mishelle na two piece at si Rhaiza naman ay naka Black na one piece tas saakin naman naka white lang ako na one piece tapos nagsuot ako ng red na tela sa baba ganun din sila kaso silver naman kay mishelle tapos blue kay Rhaiza.

Nang matapos kami ay agad kaming lumabas at nagpunta sa isang private beach kung saan kami lang tatlo ang mag swimming.
Langoy dito langoy duon. Yan lang kami hangang sa mag decide kami na mag island hopping na kami lang tatlo. May sarili naman kasi kaming boat dito saka completo na yung laman nun. May mga food na din kami na lang ang kulang.

Sumakay kami sa bangka tas nagpunta sa isang malapit na island. Sobrang amazing lang eh. Ang ganda ng tubig. Ang linaw saka kulay sky blue ito.
Kumain na muna kami nila bes at nag lagay ng tent para dun na din mag palipas ng gabi.

Naglaro lang kami ng spin the bottle tapos nag kwentuhan and what so ever. Makulim-lim na din kaya may nakikita na kaming stars. "Sana ganito na lang tayo araw raw noh." Sabi ni bes Rhaiza habang nakangiti. Oo nga eh. Sagot ko naman sakanya. "Paano na lang kaya kung sinama natin yung mga asawa natin noh?"'sabi naman ni mishelle habang nakatingin sa langit. Loka loka talaga eh. Edi wala na talaga kaming time para sa isat isa kasi magiging busy kami sa mga boys namin. Agad naman siya tinapunan ng masamang tingin ni Rhaiza. "Okay. Okay. Nagbibiro lang ako. Parang ang bilis lang kasi ng panahon eh. Buruin nyo may asawa at anak na tayo." Sagot naman ni mishelle pabalik.

Oo na. Oo na. Kayo na may asawa at anak ako na tong out of place sabi ko sakanila habang nakapout. Mga lokong toh. Di man lang ako inisip purket may mga anak na eh. " Bes naman eh. Nagbibiro lang ako saka malapit na din kaya kasal nyo ni kuya James." Hmm. May punto rin naman si Mishelle. Bigla na lang tuloy akong inatake ng nerbyos. Nag paalam na muna ako sakanila na matutulog na ako dahil pagod na pagod talaga ako mga becks.

//Third person's pov//
Natulog na si Mj sa tent nila habang ang dalawa naman ay naiwan na nag star gazing. Habang sila naman ay masaya sa outing nila ang mga lalake naman ay naiwang nagbabantay sa kanilang anak samantalang si James naman nakatitig lang sa buwan.
Makalipas ng ilang oras ay nag pasya na din ang dalawa na matulog na din at bukas na lang daw nila ipagpapatuloy ang adventure nilang mag bestfriend.






To be continued......

She's Mine and Mine Alone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon