Chapter 39 Being a mom part 2

180 5 0
                                    

"Rhaiza's pov"
Babyyyyyyyyy..
Pikabuuu..
Kanina ko pa inaaliw si baby Alizhia pano ba naman kasi eh. Iyak siya ng iyak. Hirap talaga maging nanay pero carry ko naman.
Nasa work pa kasi si Babe eh. Mamaya pa daw balik niya saka sabi niya na after niya daw sa work niya gagala daw kami.
Medyo napagod na din ako. Kanina pa kasi ako nakatayo dito habang nilalaro si Baby Alizhia eh.

Umupo na muna ako habang pinapanuod siyang mahimbing na natutulog sa crib niya.
Nagpatugtog na lang ako ng instrumental na music para naman hindi magising si baby. Agad akong lumabas sa kwarto niya at nag simulang tupiin yung naiwang damit sa kama namin ni babe.
Makalipas ng ilang oras ay narinig kong nag ring yung phone ko kaya dali dali akong kinuha at sinagot yung tawag.

Hello babe?

Uhm. Babe Hindi ata tayo matutuloy sa lakad natin eh. Bigla kasi akong nagkaroon ng meeting at mukhang matatagalan pa toh. Sorry talaga babe ah.

Hay.. Okay lang babe. Kahit na gusto na talaga kotang sakmalin. Kainis ang laking PAASA ng lalakeng toh!!

Promise babe. Babawi ako sayo. Mag iingat kayo jan ni baby ah. Mahal na mahal ko kayong dalawa. I love you babe.

I love you too.. Bye

Agad kong ibinaba ang phone ko. Nakakainis eh, pero ano pa nga bang magagawa ko.
Hayyy. Pumunta na muna ako sa kwarto ni baby na mahimbing pa din na natutulog.
Ano ba yung tatay mo na yun baby. Ang lakeng paasa. Biruin mo kinancel niya yung first lakad nating pamilya.
Nakakaiyamot kahit alam kong hindi ako naririnig ng anak ko kasi tulog siya eh kinakausap ko pa din. Mahal ko yun eh. Kaya kahit mag-tampo at magalit ako sakanya eh kukupas din yun.

Tutal eh inaantok na din naman ako ay matutulog na muna ako sa tabi ng aking anghel na natutulog din. Lagot ka saking Axel ka!!
Ipapalamon kita sa lupa at titiyakin kong hindi ka na makakabangon pang muli!!!
Bwuhahahahahahaha. Evil person lang ang peg eh noh. Wag kayong mag aalala ill take it slow naman eh.

//Third person's pov//
Mahimbing na natutulog ang mag ina samantalang si Axel naman ay busy sa meeting niya. Makalipas ng ilang oras ay  natapos na din siya kaso gabi na din kaya hindi na talaga siya makakahabol sa lakad nilang pamilya at natitiyak niyang lagot nanaman siya sa asawa niya.
Dali dali siyang pumunta sa sasakyan niya at bumiyahe na pauwi. Bumili na lang siya ng makakain nila at para na din makabawi sa misis niya ay bumili siyang bulaklak at chocolates.

Nang makauwi siya ay agad niyang inilapag ang mga binili siya sa table nila at dahan dahang pumunta sa kwarto nila ngunit wala ito duon kaya naman ay pumunta siya sa kwarto ng anak nila. Napangiti na lang siya sakanyang nasaksihan sapagkat magkatabi itong natutulog habang akap akap nito ang anak nila na mahimbing din na natutulog.
Dahan dahan siyang lumapit sa magina niya hinalikan ito sa noo na nagpamulat sa dalaga.

Agad namang inilabas ni axel ang mga rosas nito at ang box ng chocolates na masaya namang tinangap ng asawa niya kaso makalipas ng ilang oras ay inismiran lang siya nito tapos inirapan at iniwan siyang nakatunganga sa kwarto nila habang karga karga ang anak nila. "Just as I thought. Hindi ito magiging madali. Sorry na babe. Babawi naman ako eh. Promise ko sayo yan." Sabi ni Axel na may bahid na pagmamakaawa. Samantalang ang dalaga naman ay inirapan lang siya at nag patuloy lang sa ginagawa niya.

Ibinigay muna ni Axel si baby Alizhia sa katulong nila at pilit na nilalambing ang misis niya. " Babe. Sorry nanaman ohh.. Gagawin ko lahat ng gusto mo basta patawarin mo lang ako." Nagmamakaawang sambit nito sa asawa niya. Agad naman na humarap si Rhaiza kay axel at tinitigan lang ito sa mata. " Okay fine. Pinapatawad na kita basta babawi ka ah." Nakangiting sagot ng dalaga na ikinasaya naman ng asawa niya.

Masaya lang silang nag haharutan at nag lalambingan hangang sa nauwi ito sa second love making nila. Buhat buhat ni axel si Rhaiza patungo sa kwarto nila habang nakatitig ito sa mata ng dalaga at sa muling pagtatagpo ng kanilang mga mata ay labis na init ang kanilang nadarama habang naghahalikan sila.
Unti unting nawala ang saplot nila sa kanilang katawan at bakas dito ang pagmamahalan nila sa bawat yakap at halik nilang dalawa.
Hindi maitatangi ang mga ungol at sigaw na maririnig mo sa kwarto nila na labis na ikinagulat ng mga kasambahay nila.

Ipinagsawalang bahala na lang nila ito at puro tilian ang maririnig mo mula sa baba dahil sa mga naririnig nilang mga katulong.
Sa pagkakataong ito ay pagod na pagod silang humilata sa kanilang kama habang nakatitig sa mata ng bawat isa.
Nakangiti lang silang dalawa habang nakahiga. Dahan dahang ipinulupot ni Axel ang kumot sa katawan ng kanyang asawa na mahimbing na natutulog at muli niya ktong hinalikan sa mapupula nitong labi saka siya nag bihis para makakain.

Masayang bumaba si Axel sa dining room nila habang abala naman sa pag hahanda ang mga katulong nila. Nang matapos si Axel sakanyang pagkain ay muli niyang pinuntahan ang kanyang anak na natutulog sa crib nito. Tahimik na nagpipigil ng tilian ang mga katulong habang paakyat si Axel sa kwarto nilang mag asawa. Nang makataas ang kanilang amo ay hindi na nila napigilan at nag si tilian nanaman sila. Napakamot na lang sa ulo si Axel sakanyang narinig sapagkat nakalimutan niya na bukas pa pala ang day off ng mga kasambahay nila kaya naman hindi niya namalayan na napalakas ang mga ungol nilang mag asawa.

Tahimik niyang pinagmamasdan ang asawa niya habang natutulog ito at sa di niya namalayan ay napangiti nanaman siya. Inaamin niya na sa tuwing titingnan niya ito muli siyang napapaibig dito kaya walang sawa niya itong tinitigan. Lalo na at nakagawa nanaman sila ng milagro na labis na nagpasaya ng kanyang gabi.
Dahan dahan siyang humiga sa kama nila para tabihan ito sa pagtulog. Muli niya itong hinalikan sa labi at sa noo nito habang yakap yakap itong matulog.

Sayo lang ako Rhiaza Isabel Artagame Fernandez. Sayong sayo lang!!







To be continued....

She's Mine and Mine Alone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon