“Juls. May problem ka ba? Kanina ka pa tahimik.” Tanong ni Maqui kay Julie. Katatapos lang nila magshopping kaya nagdecide sila na kumain muna ng meryenda before heading home.
“Hm?” Nagulat si Julie sa biglang pagsasalita ng bestfriend.
“Sabi ko do you have any problems? You’re acting weird lately..”
Pilit na ngumiti si Julie, “Ha? Wala. I’m just tired.”
“C’mon Juls. You’re hiding something. I know you, bestfriend mo ko. Now, spill!”
Huminga ng malalim si Julie, at yumuko. “Maq. I’m . . I’m pregnant.”
Muntik ng maibuga ni Maqui ang iniinom na juice., “What?! Kailan pa? Sinong ama?”
“Last month ko lang nalaman…”
“Don’t tell me siya ang ama? Omg Julie!! He is Lauren’s boyfriend. He’s your sister’s boyfriend!!”
“I know! Anong nang gagawin ko?”
Yeah. Lauren is Julie’s sister. Half sister. She’s a year older than Julie. How did that happen? Here’s the story..
-------
Batang bata pa lang si Sally ay kinailangan na niyang magpunta ng Maynila para magtrabaho. Sa Maynila ay namasukan siya bilang isang katulong ng isang mayamang pamilya, at doon niya nakilala si Albert, ang binatang anak ng kanyang amo. May lihim na pagtingin si Sally kay Albert pero walang nararamdaman si Albert sa dalaga. Isang gabi, galing sa isang party si Albert at umuwi itong lasing. Si Sally ang nagalalay sakanya para makarating si Albert sa kanyang kwarto. At dahil nga sa may lihim na pagtingin si Sally kay Albert, at lasing si Albert, alam niyo na ang sunod na nangyari.
Nabuntis si Sally at inamin naman nito na si Albert ang ama. Pananagutan ni Albert ang anak pero hindi niya pakakasalan si Sally. Ayos na si Sally doon dahil alam naman niyang may mahal ng iba si Albert. Pero nang malaman ng parents ni Albert ang nangyari, hinintay nilang maipanganak ni Sally ang bata atsaka nila pinalayas si Sally. Walang nagawa si Albert dahil yun ang nais ng kanyang mga magulang. At lalong walang magawa si Sally, mahal niya ang anak na si Lauren, pero wala siyang maibibigay na magandang kinabukasan dito. Kaya hinayaan na lamang niya ang anak sa kanyang ama.
Di nagtagal ay nagpakasal si Albert kay Natasha, ang taong mahal niya na anak ng isang close friend ng ama niya. Tinanggap niya si Albert sa kabila ng lahat ng nangyari. At nagbunga naman ang kanilang pagmamahalan ng isang napaka sweet, thoughtful, pretty, and almost perfect na si Julie. Masaya silang apat, Albert, Natasha, Julie and of course si Lauren, na tinanggap naman nila ng buong puso.
Very close ang magkapatid since isang taon lang naman ang agwat nila, as in sa lahat ng mga bagay ay pareho sila. Lagi silang nagsheshare ng secrets sa isa’t isa, magkasundong magkasundo sila. As in kahit nasa iisang bedroom na sila with two beds, mas gusto pa rin nilang nasa iisang bed lang sila, ganyan sila kasweet sa isa’t isa. Ang away ng isa ay away na rin ng isa, ang tagumpay ng isa ay tagumpay na rin ng isa, at ang lungkot na isa ay lungkot na rin ng isa.
BINABASA MO ANG
The Unconditional Love (JuliElmo)
FanficOne sided love? It can actually lead you to a marriage. *wink ---- Since I'm a JuliElmo Fan. Here's another JuliElmo Fan Fiction! Yeyyyyy! PS. Hindi po ako professional so if may terms o words man na hindi ko nagamit ng maayos, pasensya na. Isa lang...