Hi kay kiiiriiiRana! Ang daming "i", ang hirap magbilang. Hahahaha Salamat po sa support! :)) :***
- - - - -
<Julie’s POV>
Ganito na lang ba ako lagi? Nakahandusay sa kama kasi wala akong magawa? E ano naman kasing gagawin ko? Ay teka. Ngayon na nga pala ung start ng pagtatayo ng branch ng Elizabeth’s, pupunta ba ko sa site? 2:00pm na rin kasi. Mamaya na nga lang siguro. Siguradong materials pa lang hinahanda nila since first day naman.
Bumangon na ko and pumunta ako ng sala to watch tv. Ilang beses na kong palipat lipat ng channel pero walang magandang panoorin. Kadalasan kasi sa hapon pa pinapalabas ung mga magagandang palabas, so pinatay ko na ung tv.
What now? Okay fine. Pupunta na ko ng site.
Naligo muna ko for like 30 minutes. Then dumeretso ako sa harap ng salamin para mag blower and at the same time para magapply ng light make up para magkakulay naman tong mukha ko. Tapos pumunta ako ng closet and kumuha ako ng maisusuot ko. Ano bang puwedeng suotin? Sawa na kong magdress kaya kinuha ko ung nagiisa kong blue skinny jeans, tapos plain white lose shirt dahil ramdam ko na ang init ng panahon.
Kinuha ko ung purse ko na may lamang wallet, phone, and of course powder and lipgloss. Nafrustrate ako bigla kasi wala pala akong flats or sneakers na puwedeng suotin, site ang pupuntahan ko kaya ayokong magheels. Hindi naman ako puwedeng mag rubber shoes sa ganito kong suot. E no choice, heels na lang, pero ung pinakamababa lang. I searched for the lowest one and there you go, puro 4-6 inches ung nandito. So kinuha ko na lang ung pinaka comfy kong 4 inches black heels and sinuot ko na siya.
Nakarating ako sa site ng exactly 4:00pm. And napahanga ako kasi sobrang focused ung mga workers. Hindi sila ung tipong maya’t maya nagpapahinga. And nakakatuwa na kahit hindi nila ako kilala since first time lang akong nagpakita sakanila, binati pa rin nila ako nung makita nila ako.
Biglang may lumapit na isang worker, may edad na siya pero malakas pa rin dahil siguro matagal na siyang nagtatrabaho bilang construction worker.
“Ma’am, ano pong maitutulong ko sainyo?”
Ngumiti ako sa kanya at umiling, “Tumitingin tingin lang po, ako po kasi ung nagpapatayo nitong building.”
“Ah! Kayo po may-ari nito?”
Umiling ako ulit, mali ata ako ng pagkakasabi, “I mean ako lang po magmamanage pero hindi po ako ung may-ari.”
Tumango siya, “Ah, sige po Ma’am, balik na po ako. Magiingat na lang po kayo kasi medyo delikado dito kasi construction site to.”
“Ay, sige po. Salamat po.” Tumango ako sakanya at bumalik na siya sa pagtatrabaho.
Napatingin ako sa paligid, divided pala ung work dito. May namamahala sa pagtatanggal ng bato sa buhangin, meron ding namamahala sa mga semento, sa hollowblocks meron din, and siyempre meron ding nakaassign sa mismong building na itatayo. Speaking of building, may mga mahahabang bakal na na nakatayo sa paligid dun, un siguro ung support para hindi madaling matumba if ever. Then napunta ung tingin ko sa isang van, di ako sure pero mukha siyang camping van. Siguro doon nagpapahinga ung mga engineers na nakaassign dito.
BINABASA MO ANG
The Unconditional Love (JuliElmo)
FanfictionOne sided love? It can actually lead you to a marriage. *wink ---- Since I'm a JuliElmo Fan. Here's another JuliElmo Fan Fiction! Yeyyyyy! PS. Hindi po ako professional so if may terms o words man na hindi ko nagamit ng maayos, pasensya na. Isa lang...
