Chapter 3

6.7K 62 1
                                    

*Paano nga ba nahulog ang loob ni Julie kay Elmo?

Ganito kasi yan..

1 year ago..

17 si Julie at magcollege na siya. Fashion Designing ang pinili niyang course at support all the way naman ang kanyang mga magulang. Pinili ni Julie na mag-aral sa kung saan nag-aaral at 2nd year na sa kursong Business Management si Lauren.

10 minutes na lang at malelate na si Julie pero hindi pa rin niya mahanap ang sariling building. Gusto niya sanang dumaan sa Business Management Building para itanong kay Lauren kung nasaan ang Fashion Designing Building pero hindi siya pamilyar sa lugar kaya malamang ay maliligaw lang din siya kung hahanapin pa niya si Lauren. Masyadong malaki ang university na pinasukan niya. Tapos idagdag mo pa ung hawak hawak na mga libro ni Julie. Mahiyain si Julie kaya hindi nito kayang magtanong sa taong ngayon pa lang niya kakausapin. Pero wala na siyang choice, kung hindi niya kakapalan mukha niya ay baka malate siya sa first class niya sa first day ng first year niya.

So nagdecide si Julie na kausapin ang unang taong makikita niya. At yun, biglang may naglakad sa harap niya na isang babae.

 

“Uhh, Hi?”

Lumingon ung girl at ngumiti nang makita si Julie, “Yes?”

“Alam mo ba kung nasaan yung Fashion Designing Building?”

“Oh. Dun ako papunta. Sabay na tayo?”

Ngumiti naman si Julie at tinanggap ang offer nito.


 

Habang naglalakad ay nagpakilala sila sa isa’t isa.

“By the way, I’m Maqui. Freshmen ako and I believe same course tayo since parehas tayo ng pupuntahan.”

“Oh, I’m Julie. Freshmen din ako actually. Kaya nga di pa ko familiar dito eh.”

 

 

At dun nagsimula ang kanilang friendship! Nasaan ung Julie – Elmo part? Wait, eto na. XD

First day pa rin. Pero uwian na. So nagdecide si Julie and Maqui, kasama ang kanilang newly found friend na si Sef na kumain muna before heading home.

Nauna ng nagorder si Maqui and Sef and since self-service ang kanilang kinainan ay sari-sariling kuha ng order. Nakaupo na ung dalawa at papunta na si Julie sakanila dala ang kanyang order nang may biglang nakabunggo sakanya from behind. Natapon sa sahig ang pagkain ni Julie pero walang nangyari kay Julie since biglang hinawakan ng nakabunggo sakanya ang kanyang bewang at napaharap siya dito. Face to face. Eyes to eyes. Mga 5 inches lang ang layo. Parang may spell sa mga mata nung nakabunggo sakanya at nabiktima si Julie sa mga spell nito.

“Elmo! Tara na! Malelate na tayo sa next class natin!” sigaw ng isa niyang kaibigan.

Sorry.” Apologize nito kay Julie sabay takbo palabas.

Hindi pa rin makagalaw si Julie sa kinatatayuan. Parang pirated DVD na paulit ulit sa pag play sa kanyang utak ang nangyari. Ito ba ung tinatawag nila na Love At First Sight?


 - - -

For the first time ipapakilala daw ni Lauren ang kanyang boyfriend kaya naghanda si Natasha ng masasarap na hapunan para sa darating na bisita.

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon