Chapter 38

4K 57 11
                                    

<Julie’s POV>

Nasira ung panaginip ko dahil sa tumatawag. Ang aga aga pero may tumatawag na. Sino ba kasi to.

Kinapa ko ung cellphone ko sa kama, hindi ko pa kasi mabuksan ung mga mata ko. Napasobra ung kwentuhan namin ni Lo kagabi kaya hindi namin napansin pareho na madaling araw na pala. I told her na magstay na lang overnight pero she resisted because of her job. Hindi ko naman siya masisisi, kahit na hindi niya trip imanage ung company, she still takes her job seriously.

Ayun, nahanap ko na phone ko.

“Hello?” I answered without looking at the screen kung sino ung tumawag.

“J.A.!”

Nagising ako bigla. Si Ms. Beth pala to. Kahit na medyo close kami, nakakatakot pa rin siya once na magseryoso siya.

“Ms. Beth?”

“Where are you? Kanina pa ko tumatawag ah?”

Fck. Am I in trouble?

“I’m sorry po.”

“So, how’s the construction of our store?”

Isa pang fck, isang beses pa lang ako nakakapunta don and last week pa un so hindi ko alam kung paano ko sasagutin si Ms. Beth.

“Okay naman po siya, Ms. Beth.”

“I need specific details, J.A.”

Oras na para mag confess.

“I’m so sorry po, Ms. Beth. Once pa lang ako nakakapunta so hindi ko po masasagot ung tanong niyo. Pero nung pumunta ako, okay naman sila magtrabaho.”

“J.A., pinabalik kita diyan sa Pilipinas para imonitor ung pagtatayo nila. So I was expecting na lagi mong babantayan ung mga gagawin nila. Yes, most trusted nga ung HM Enterprise but you still have to do something. Paano kung meron pa lang maling nangyayari and wala ka doon? As a client, kailangan alam mo ung bawat details ng nangyayari sa pinapatayo mo.”

And let the sermon begins! Oh, tapos na pala.

“Yes po, Ms. Beth. Pupunta din po agad ako. By the way, how was your flight?”

“Oh, kararating ko lang sa Paris. Thank you for asking. Buti ka pa naalala mo, e si Alden na anak ko mukhang nakalimutan na. So, I’ll call you again later, okay?”

Natawa ako, “Oh, yes po. Bye po.”

“Bye.”

Tinignan ko muna ung oras sa phone ko bago ko siya ibaba ulit sa kama. 8:38am. Gusto ko pang matulog. Pero ayokong masermonan ulit kaya bumangon agad ako at naligo.

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon