Chapter 15

5.9K 67 2
                                    


Hi kay juliemoses10! Salamat sa pagiging 45th follower ko! Huhuhu Thanks much talaga mwa mwa! :*

 - - -

It’s 6am, and pabalik na ko sa unit from taking a walk. Having some exercise is good for the baby kahit 5 months na ko. Buti may malapit na park dito, and it’s clean and quiet. Nauna akong pumasok sa elevator, pasara na siya nang may biglang humarang kaya nagbukas ulit ung elevator. Nagulat ako dun sa ninja moves ng kung sino man to, and oh, si Alden pala to.

Pumasok siya ng elevator without looking at me, I mean nakayuko kasi siya. Dahan dahan siyang tumayo sa tabi ko. Ang weird ng kinikilos niya, parang may mali. Nagsara na ung elevator door and since 15th floor pa kami, ang awkward naman kung hindi ko siya kakausapin. I was about to talk to him nang bigla siyang sumandal saakin. And hindi lang siya sandal ha, as in ung whole weight niya napunta na saakin kaya pareho kaming napaupo sa sahig. Shet anong trip nito? Nakalimutan ba niyang buntis ako? Mabuti na lang hindi malakas ung pagbagsak namin. Tumingin ako sa mukha niya na nakahiga na pala sa legs ko. Shet he’s half unconscious.

“Alden? Alden!” Wala akong choice kundi ang sampal sampalin siya sa mukha. And fck, inaapoy pala siya ng lagnat.

Nagpapanic na ko. Anong gagawin ko?!

Mabuti na lang at nagbukas agad ung elevator pagkadating naming ng 15th floor. And mabuti na lang ulit at nagaabang din pala si manang ng elevator kaya nakita niya kami.

Nanlaki mata ni manang, “Anong ginagawa niyo diyan?”

“Manang tulungan mo muna ako dito. I’ll explain later.”

Buti de-susi tong unit ni Alden at nasa bulsa lang niya ung susi niya. Yung security kasi ng unit mo e ikaw ung bahala kung anong gusto mo. Kung de-susi ba o ung password password.

Dalawa ung kwarto dito sa unit ni Alden, hindi namin alam kung alin sa dalawa pero una na naming pinasok ung mas malapit. Mukha namang eto ung kwarto niya since may kama and stuffs kaya inihiga namin siya agad.

“Manang, kumuha ka ng tuwalya saka maligamgam na tubig.”

Sinunod naman agad ako ni manang, ako naman e tinanggal ko muna ung sapatos niya para mas comfortable siya.

Dumating naman agad si manang dala ung pinapakuha ko. Umupo agad ako sa tabi ni Alden na nakahiga, piniga ko ung tuwalya mula sa planggana at nilagay ko sa noo niya.

Nagpapanic ako. Ibang iba ung itsura niya ngayon sa itsura niya nung huli kaming magkita. Ang sigla sigla niya nun eh, pero ngayon, hindi ko alam kung paano ko ipipinta ung mukha niya. Dalhin ko na kaya to sa hospital?

“Julie, hinanda ko na ung gamot, nasa may lamesa na sa sala. Ipainom mo un agad mamaya sakanya pero siguraduhin mong makakain muna siya kahit konti lang. Pinapapunta ako ng mommy mo sainyo, kailangan niya daw ako.”

Tumango ako, “Sige po, ako na pong bahala dito.”

Umalis na si Manang. Tinanggal ko saglit ung tuwalya to check his temperature by touching his forehead. Mukhang mas okay na ngayon kesa kanina, siguro pahinga lang talaga ung kailangan nito. Ano ba kasing pinagkakaabalahan nito at nakalimutan na niyang alagaan ung sarili niya? Tsk.

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon